Two

192 97 9
                                    

Rosena's POV

Pagkatapos ko kumanta, nakita ko si Rica na may kasama nang lalaki na nakaakbay na sa kanya. Alam na alam ko kung sino 'yong lalaki at kung anong susunod na gagawin niya kaya nilapitan ko sila.

"Hi Xavier." Sabi ko tapos tinanggal ko ang braso niya sa pagkakaakbay kay Rica.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Rica.

Ngumiti ako, "Yes. 'Di ba, Xavier?"

Nailang si Xavier, "O-oo, una na ako." Sabi niya tapos umalis na siya.

"Saan kayo nagkakilala?" Tanong ulit ni Rica.

Ngumiti lang ako.

"Oh, siya 'yong- well that explains it. Magaling ka talaga pumili ng may itsura. But the ugali not so much. At ang baho ng hininga niya, I was just trying to be nice." Sabi ni Rica.

Kinurot ko siya sa tagiliran, "Nako tigilan mo nga ako, trying to be nice ka diyan? Kung hindi ako dumating baka sumama ka na do'n, musta ba relationship niyo ni Gico?"

"Open ang relationship namin ni Gico. Wala naman kaming rules, at wala ring commitment."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Rica, "Tara na nga. Uwi na."

Pagkauwi ko, sinalubong ako ni Pechay pero mas nagulat ako nang salubungin ako ng halik ni Xavier.

"Xav- tama na, ahk, lasang alak ka, bakit ka nandito?" Sabi ko sa kanya matapos ko siyang itulak.

"Nagseselos ka e." Kamot ulo niyang sabi.

"Excuse me?" Sabi ko nang nakapamewang. "Ako, nagseselos, wooow."

"Isn't that the point nung ginawa mo kanina?" Tanong niya.

"FYI, if it was any other girl, I wouldn't have butted in." Sagot ko.

Hinawakan niya ako sa bewang, "Sus, nagpapalusot pa."

"Xavier, pagod ako, umuwi ka na please." Sabi ko sa kanya.

"Dito ako matutulog, boyfriend mo naman ako." Sabi niya tapos nahiga siya sa sofa.

Hindi ba uso sa generation nitong bata na 'to ang word na "consent"?

"Fine, basta please diyan ka lang" Sabi ko, pero pagkatingin ko sa kanya nakanganga na siya at humihilik.

Well wala akong pakialam. Matutulog na rin ako.

-

Pagkagising ko, katabi ko na si Xavier at nakayakap pa siya sa akin. Napakakapal talaga ng mukha, hindi man lang nag-stay kung saan ko sinabing mag-stay siya. Kung makakapalag lang talaga ako, sinapak ko na talaga 'to, o pinakulong. O ginilitan tapos nilibing nang buhay.

Hayyy sorry Lord sa makasalanan kong utak.

"Good morning, Hon." Sabi niya nang nakangiti.

"Good morning." Sabi ko tapos umirap na ako. "Pwede umuwi ka na? Hindi ka pa ata naliligo?"

"Sungit naman ng Hon ko na 'yan." Sabi niya tapos niyakap ako at hinalikan sa pisngi.

"Please. Masakit ulo ko, 'wag ngayon." Sabi ko.

"Lagi na lang masakit ulo." Hinigpitan niya pagkakayakap sa akin.

Siniko ko siya. "Bitiwan mo 'ko, may pasok pa ako."

"Aray" Sabi niya tapos nagpacute siya.

Grr.

"Sorry" Sabi ko. "Maliligo na ako, lock the door when you leave."

Not sorry.

Gico's POV

"Huy, gising, ano nga daw nangyari kay Ros?" Tanong ko kay Rica na tulog na tulog pa.

"Ano ba Gico, tulog pa ako." Sagot niya habang nakapikit pa. "Hindi ka ba talaga marunong mag-good morning?"

"Myyyyy" Sabi ni Galaxy habang hinahampas si Rica ng unan.

Natawa ako. "Axyyyy" Reklamo ni Rica.

Kamot ulong bumangon sa pagkakahiga niya si Rica, "Nakipaghook-up lang daw siya."

Napatawa ako nang malakas, sinabayan ako ni Axy. Nakatingin sa amin si Rica, mukha pa siyang kinuryente dahil nakatayo ang mga buhok niya. "Seryoso nga."

"Si Ros?! Makikipag-hookup?!" Sabi ko tapos tumawa ulit ako. "Kanino naman?"

Kinuha niya ang phone niya tapos pinakita sa akin, "Xavier Aragon? Ayan? Mukha namang t-"

"Gico, not in front of the child." Sabi ni Rica.

"TITE is part of the body, okay? Hindi siya bad word. Axy, say tite." Sabi ko.

"Teeeeeee" Sabi ni Axy.

Napafacepalm si Rica. "Anyway, that's what happened."

"I don't buy it. Nakita mo itsura ni Ros, hindi siya mukhang consensual. But I do appreciate you trying to get the truth out of her." Sabi ko.

"So what's next?" Tanong ni Rica.

"Sasabihin ni Ros ang totoo, hindi lang siguro ngayon." Sagot ko. "Pero mapapagod din 'yan magtago."

"Whatever you say, but I believe her." Sabi ni Rica.

"Rica, hindi ko alam kung ilang beses ko sasabihin sa iyo, pero hindi kayo magkapareho ni Ros." Pag-explain ko.

"At least we're genuinely friends now." Sabi niya.

Iniba ba naman ang topic.

"Uh huh, sige" Sabi ko tapos binuhat ko si Galaxy. "Almusal na tayo."

"Hindi na tayo tao?" Tanong ni Rica.

"Kakasama mo 'yan kay Ros e." Sagot ko.

Rosena's POV

Kingdom College Lobby

Labo: Hate the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon