Ihaw

6 1 0
                                    

Rosena's POV

Matapos akong tawagan ni Gico ay tinawagan ko na si Rica. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.

start of call

"Rica, nasaa-" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"B hindi ko talaga kaya, hindi ko kayang habang buhay kami ni Gico ganito. Please, ikaw muna ang bahala kina Axy at Gico, magsusupport ako." Sabi niya habang umiiyak.

"Rica, please naman bumalik ka na para kay Axy o." Sabi ko naman. "Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Wala siyang magiging nanay. Isipin mo nga B."

"B sorry, hindi ko talaga kaya." Paiyak-iyak niyang sabi.

"Baka naman Postpartum Depression lang 'yan? Magpatherapy ka muna. Para kay Axy. Hindi naman pwede takbuhan basta-basta ang pagiging nanay." Tanong ko.

"Hindi B, ito talaga ang nararamdaman ko. Bakit ang mga lalaki pwede takbuhan ang pagiging tatay?" Sabi niya sa akin "Boarding na ako, bahala ka na kina Axy ha. Thank you!"

"Ric-" At binabaan niya na ako ng telepono.

end of call

"O bakit hindi ma-paint ang feslak mo?" Tanong ni Boyd.

"Kasi 'yong asawa ni Gico, nilayasan na naman siya." Sagot ko.

"Ay married sila?" Tanong ni Boyd.

"Hindi. Pero kailangan siya ng mag-ama niya." Sagot ko. "Ayos naman na siya nung nakaraan e."

"Ate, may mga tao talagang hindi pa tapos maging bata." Sabi ni Boyd sa akin. "Tulad ni Papa. 'Di ba't iniwan niya rin tayo?"

"Hay, pero she's a good friend to me." Sabi ko.

Bumuntong hininga si Boyd "Ate, a worthless parent or a cheating partner can be a good friend to anyone."

"May point ka naman." Sabi ko sa kanya.

"'Wag ka na mamroblema, halos ikaw naman ang mommy ni Axy e." Sabi niya.

"Hindi a." Sabi ko.

"Mmm pa-humble" Sabi niya tapos sinundot ako sa noo.

"Aray." Reklamo ko.

Napagdesisyunan kong tawagan na muna si Gico.

start of call

"Ros, pauwi na daw ba siya?" Enthusiastic na sagot ni Gico.

"Gico, sorry, umalis na siya." Sabi ko.

"Ha? Saan siya pumunta?" Tanong ni Gico nang naiiyak. "Ros, paano si Axy?"

"Hindi ko alam, Gico. Pero hindi ko naman kayo papabayaan ni Axy, alam mo naman 'yon e." Sagot ko.

"Ros, pangalawang beses niya na ginawa 'yan, ang sakit-sakit na, sobra. Alam mo bang pinaplano ko nang pakasalan siya? Inuunti-unti ko lang. Binigay ko naman lahat ng gusto niya. Bakit hindi pa rin 'yon sapat?" Sabi niya. "Akala niya ba madali lang din sa akin na magkaanak before ako grumaduate? Hindi din naman madali sa akin e."

"I know it's hard, I'm sorry Gico, icoconvince ko siyang bumalik pero sa ngayon tayo-tayo na muna ulit, okay?" Sabi ko. "Mahal ko kayo ni Axy, super."

"Okay, salamat Ros ha." Sabi ni Gico. "Ingat ka."

end of call

Naalala ko, hindi ko nga pala naaunblock si Adrie. Inunblock ko na siya tapos chinat ko.

start of conversation

ME: Hi Adrie, thank you.
AdrieQ: Thank God you unblocked me, I'm so worried about you!
ME: Surri na.
AdrieQ: How are you? How's the baby?
ME: Okay naman kami, uwi ka na. JK.
AdrieQ: Mag-iipon muna ako, but I promise babalik ako there to get you.
ME: Anong get me? E kuhang-kuha mo na nga ako.
AdrieQ: Ros -___- I will get you to live here with me.
ME: Huuuuh? Hindi mo pa nga ako binibigyan ng label, dadalhin mo na ako diyan?
AdrieQ: -_-
ME: Ano 'yan?
AdrieQ: What food are you craving for?
ME: Ikaaaaaaw
*seen*

Labo: Hate the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon