Chapter 28

293 3 0
                                    

"Sa'n ka galing?" Tanong ko sa kababalik lang na si Sage.

Hindi ito umimik at tahimik na naupo sa tabi ko. Nagtataka ko siyang tinignan dahil sa kilos niya. Kinalabit ko siya nang mahina na siyang kinatingin sa akin.

"Anyare sa'yo?" Mahinang tanong ko.

Umiling lang ito at linabas ang phone niya, hinayaan ko nalang siya at hindi na pinansin pang muli. Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga kaklase namin kasabay nitong pumasok ang president namin na si Cassius.

Umupo ito sa harap namin at tahimik din. Lahat ng kaklase ko ay andito na sa loob maya maya pa ay pumasok na ang unang prof namin. Tahimik lang akong nakaupo dito habang nakikinig, nararamdaman ko naman ang pag tingin tingin sa akin ng katabi ko.

Hanggang matapos ang unang klase namin, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko nang maramdaman nag vibrate 'yon. Tinignan ko kung sino at napangiti na lamang ng patago nang mabasa ang text mula kay Alas.

From: Alas
Goodluck on your class ;)

Hindi ko na nagawang mareplyan ng pumasok sa ang second subject namin. Itinago ko nalang ulit 'yon, napatingin ako sa katabi ko nang mahuli kong nakatingin ito sa akin. Agad niya rin namang iniwas ang tingin niya at tumingin nalang sa harap.


Nasa library ako ngayon at nag babasa, wala kaming klase for the third subject. Balak ko sanang pumunta sa rooftop kaso umiba na ako ng dereksyon at napunta na nga dito sa library.  May nag che-check kasi nang rooftop nagulat na nga rin ako kanina. Bumuntong hininga ako at naghanap ng librong babasahin.

Huminto ang mga daliri ko sa isang librong may kalumaan, agad ko 'yong kinuha at tinignan. Walang nakasulat sa cover at blanko lamang ito. Napakunot ang nuo ko nang buksan ko ang libro ngunit walang mga salita ang bumungad sa akin blako din.

Kibit balikat ko nalang itong binalik sa kinalalagyan niya. Hindi nalang ako kumuha ng libro at tumungo nalang sa isang table at naupo doon.

"Hi," biglang may sumulpot sa harap ko.

I look at this person. He wear a smiles on his lip while looking at me.

"Uhmm?"

"Pwedeng makiupo?" Sambit niya.

Gusto ko sanang sabihin na may bakanteng upuan naman sa iba kaso bigla nalang itong umupo sa harap ko.

Hindi nalang ako kumibo at dumukdok nalang ako sa lamesa. Tahimik lang din itong nasa harap ko kaya makaka iglip pa ako nang ilang minuto. Hinayaan ko nalang sarili kong makaiglip.

Naalimpungatan nalang ako nang makarinig ako ng ingay, nanatiling nakayuko ako sa lamesa at nakikinig.

"Need mo kasing hanapin yung X dyan para makuha mo yung tamang formula."

"Hindi ko nga kasi mahanap yang lintek na X ba 'yan!"

"Hoy tahimik may natutulog oh."

"Ito kasi tinuturuan na nga nag rereklamo pa."

"Anong ako? Bakit kasi namomoblema pa ako sa away nitong math na'to. Pinapahanap yung X eh ayaw na nga magpakita tapos hinahanap pa, tanga din eh."

"HAHAHHA GAGO!"

"WTF KA TOM HAHAHAHA"

"Walangya ka tom kami ang sasakit ng ulo sa 'yo."

"Hoy tahimik tulog oh."

Pati ako ay muntik ng matawa dahil sa usapan ng mga mag barkada na'to.

"Okay lang yan Tom, mahahanap mo din yang X."

"Ikaw kaya mag hanap dito Jerry ng maramdaman mo ang nararamdaman ko."

"No thanks!"

"Umalis ka na nga mahahambalos kita."


"HAHAHAHA goodluck!"

Dahan dahan akong umalis sa pagkaka dukdok ko at tinignan sila. Yung lalaking nakiupo kanina ay halatang stress na habang hawak ang isang libro at isang yellow paper. Katabi niya ang dalawa niyang kaibigan na tinatawanan lang siya at ang isa naman ay nasa tabi ko at tahimik na nagbabasa.

Naramdaman ata nila ako kaya napatingin sila sa akin.

"Lagot nagising si miss ganda."

"Ikaw kasi ingay mo."

"Anong ako ikaw kaya."

Naiiling nalang ako dahil sa kanila.

"Hoy tumigil na nga kayo Tom, Jerry. Lagi kayong pusa't daga."

Nakita kong bumalik sa ginagawa itong nangangalang Tom at ang katabi naman niya ay napakamot nalang, si Jerry ata 'to.

"Miss pasensya ka na ah nagising ka tuloy." Sambit nung isa nilang kasama.

Umiling ako at ngumiti ng maliit. "Okay lang." Sambit ko.

Tahimik akong tumayo kaya napatingin naman sila sa akin. Saktong tumingin ako sa phone ko at nakitang malapit na ang susunod na subject ko.

"I gotta go," i said, I was about to walk away when I turned to Tom. "By the way, pag pinapahanap ang X para makuha ang tamang formula simulan mo sa Y." Ngumiti ako bago umalis na.


Napahilot ako ng batok dahil sobrang nangalay ako kanina, napaka dangal ng pagtulog ko talagang mangangalay talaga ako sa ganong posisyon. Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa room namin. Walang katao tao kaya paniguradong nasa loob na sila ng klase.


At ng makarating sa mismong room ko ay pumasok na agad ako, normal na studyante ang gawain ng mga kaklase ko. Yung iba natutulog at yung iba naman ay nag aadvance study, at yung iba ay nag ce-cellphone lang. Dumeretso na ako sa upuan ko at nakita ko si Sage na nakatingin din sa akin, nginitian ko lang siya.


"Sa'n ka galing?" Tanong niya.


"Ba't mo natanong?"


"Wala, wala ka kasi sa rooftop kanina." Mahinang saad niya at iniwas ang tingin.


Bahagyan akong natawa nang mahina at kinuha ang phone ko.


"Natulog ako sa library." Sagot ko.


Naramdaman ko ang pag lingon niya sa akin pero hindi ko na 'yon pinag tuunan ng pansin. May nag text na naman kasi sa akin pero wala na akong balak pang replayan 'yon dahil isa na namang prank message or scam message 'yon.


"Grabe ka pala matulog, sa library buti hindi ka sinaway." Sambit niya.


"Nasa dulo ako eh."


Tumango tango lang siya at umiwas na ng tingin sa akin. Ako naman ay tutok sa linalaro ko sa phone, wala pa naman ang prof namin kaya naglalaro muna ako.


Hindi nag tagal ay dumating na din ang liwanag ng araw, ang mahiwagang prof naming walang buhok.


Hahahaha shutangina


Nakanig nalang ako sa dinidiscuss niyang hindi ko maintindihan.


"Okay class, we have a test today."


Nakarinig ako ng violent reaction from my classmates, ang daming nag rereklamo dahil daw hindi sila nakapag review. Pero wala na din naman silang nagawa at ganun din ako.


Tatanungin ko na sana ang katabi ko kung may naintindihan siya pero naknang pag lingon ko ay tulog. Agad ko siyang tinapik sa balikat kaya napamulat siya.


"Tayo ka daw sa harap." Bulong ko sa kanya.


Pfft—

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now