Chapter 59

295 3 0
                                    

"Pres! Tagal mo ahh!"

Mula dito ay rinig na rinig na ang boses ni Velo isa din sa mga kaklase ko. Nasa medyo malayo kami nang kambal ko kitang kita dito ang nakakatanda kong kapatid na kinakausap sila. Walang emosyon ang kanyang mukha habang kinakausap sila. Napangisi nalang ako.

"Sorry, inasikaso ko kapatid ko."

"May kapatid ka?!"

Napakamot ako nang kilay at lumingon sa kambal ko. Nagkakamot din siya nang kilay at ng tumingin sa akin ay naibaba niya nalang ang kamay niya.

"Yes, actually they're twins." Kuya Cassius put a little smile on his lips.

"Seryoso press? May kapatid kang kambal? Ilang taon na? Nasaan sila?" Sunod sunod na tanong ng isa naming kaklase.

"Punta na tayo doon." Bulong ng kambal ko.

"Ikaw mauna." Tugon ko.

"Wag na pala mamaya na."

Mahina nalang ako natawa bago ibaling ang tingin sa kanila.

"Kaedad niyo." Maikling ani ng kapatid ko bago umupo sa sofa.

"Nasaan sila?" Si Sage na ang nagsalita.

Andito din pala 'tong mokong na 'to. Kinalabit ako nang kambal ko.

"Punta na tayo doon nangangalay na ako kakatayo dito." Reklamo niya sa akin.

Umismid ako. "Una ka na, ayoko pumunta doon."

"C'mon Rein, bakit ayaw mo? Kaklase mo lang 'yang mga 'yan. Diba sinabi ni kuya na siya na ang bahala mag sabi sa kanila?" Sambit niya.

Sumimangot ako. "Ayoko nga."

Bigla niya akong hinila sa braso at nag simula na akong hilain papunta sa living room.

"AYOKOOO BITAWWW!" Angil ko.

"Stop Rein, uupo lang tayo."

"AYOKO NGAA!"

Hinila niya lang ako. Napatingin ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nakatingin na rin sa amin. Napalunok ako.

"Kuya balik nalang ako room!"

"No."

"Ihh!"

Walang pasabing huminto siya at bigla akong binuhat na parang sako.

"POKSHIT KAA!"

Nakarating kami sa living room at nilapag ako nito sa tabi nang nakakantada kong kapatid. Sinamaan ko nang tingin ang kambal ko.

"Namumuro ka na, sinasabi ko sayo!" Gigil kong dinuro siya.

Umupo lang din siya sa tabi ko at inakbayan ako sa leeg.

"ANO BA!"

"Be Quiet." Biglang nagsalita si kuya Cassius na kinatahimik namin.

Napatakip nalang ako nang bibig nang mapansin ang tingin nila sa amin o sa akin. Hindi ako sigurado pero sa akin sila nakatingin. Nahihiya tuloy ako. Nakakahiya.

Sumiksik ako sa kambal ko. Nakakalusaw ang tingin nila lalo na ang katahimikan. Wala ni isa ang nagsalita.

"Cassius what does this mean?" Biglang nagsalita si Veronica isa sa mga kaklase ko.

"Rein? I thought you were in the hospital? why are you here?" Tanong ni Sage.

Hindi ako nakaimik at pasimpleng liningong si kuya Cassius na ngayon ay seryoso lang. Wala ba 'tong balak magsalita? Nakakainis naman eh.

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now