Chapter 46

250 2 0
                                    

"Anong iuuwi? Are you serious?!"

Hinapit niya ako at tumango lang siya.

"May sarili akong condo, alas." Simangot na sambit ko.

"I know, sa ayaw at sa gusto mo ay iuuwi kita."

Hinampas ko ang balikat niya at tinignan siya nang hindi makapaniwala, tinawanan niya nang mahina ang naging reaction ko.

"Hindi pwede! Ano 'yan itatanan mo ako?! Wala pa ngang tayo eh."

Totoo naman kasi wala pa ngang kami, nanliligaw pa lang siya baka mamaya anong sabihin ng kambal ko kapag bumalik na siya, or hindi na.

Hindi siya sa sumagot at parang may kinuha siya sa bag na dala dala niya, laman kasi nun ay puro damit niya. Isang parihabang itim na box at may gold line sa gilid nito. Walang tatak pero alam kong branded 'yon. Nagtataka ko siyang tinignan nang iharap niya sa akin ang box na 'yon.

"I want to give you something." He said.

Tumingin ako sa hawak niya bago tumingin sa kanya, ngumiti siya sa akin para makita ko na naman ang isang dimple niya sa kanang pisnge.

Wag mo ako labasan ng dimples nako ka talaga sa akin.

"I was going to give it to you when I got home, but I didn't catch up with you in Manila. I can't give it because I can't find you, and now that I have found you, I will give it to you." He said without looking away from me.

Hinawi niya ang buhok ko sa mukha at dinala 'yon sa giling ng tainga ko.

"Ano ba 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Hulaan mo," nangingiting sambit niya.

"Hindi ako manghuhula." Sabi ko dito.

"Paano ba 'yan walang exciting."

Dito talaga malalaman kung hanggang saan ang pasensya mo eh, sinamaan ko siya nang tingin tinawanan niya lang ako.

"Hulaan mo na dali, maghihintay ako." Ngumiti siya sa akin.

Wala na akong nagawa dahil nginitian na naman ako nang loko, tinignan ko ang parihabang itim na box na hawak niya at sinimulan na hulaan 'yon. Hind naman siya mukhang relo dahil medyo manipis ang box at hindi gaano kapalan, bracelet hindi din, hindi kaya...

"Necklace?"

Bigla siyang ngumiti nang malaki pa yung tipong lalabas na ang maputing ngipin niya pati ang dimples niya. Sumimangot ako.

"Ano? Tama ba?"

"Very well, dahil dyan may kiss ka." Umamba siya sa akin na hahalikan ako kaya natawa ako nang mahina.

Hinalikan niya ang pisnge ko, nag init na naman ang mukha ko, dahil siguro sa hiya.

May hiya pa pala ako. Nasabi ko nalang sa isip ko habang tinatago ang pag iinit ng mukha ko.

"You're blushing," he said umiling ako.

"Hindi mainit lang."

He chuckled. He grabbed my hand before putting the box in my hand.

"Akin na 'to??" Paniniguro ko sa kanya.

"Yes, do you remember what I told you before? Ibibili kita nang kwentas sa Europa para hindi ka mainggit sa akin." Nangingiti niyang saad.

Walanghiya.

Naalala ko nga, ayun yung time bago ako maka accident. Umirap nalang ako sa hangin bago tignan siya.

"At tinototoo mo talaga no'?"

Tumango tango siya. "Yes, I don't wanna you feel envious to me, baby." He sound like teasing me.

I smack his shoulder a little. "Ewan sayo."

Tumawa na naman 'to. Happy pill niya ba ako? Sigee tawa ka lang.

"Totoo, pero ang pinag kaiba ay ikaw lang binilhan ko at wala ako."

Nagtaka ako bigla, akmang mag sasalita na sana nang unahan niya ako kaya natahimik nalang ako habang nakikinig sa kanya.

"I bought that for you, because you are important to me and I love you."

Tuluyan na akong natahimik at bumagsak nalang ang tingin ko sa hawak kong box, binuksan ko 'yon ng dahan dahan at bumungad sa akin ang isang gold necklace at may pendant na symbolo, may kung anong kumikinang sa gitna kaya tinignan ko 'yon ng mabuti.

"That's a pure diamond if you wanna ask." Sabi niya bigla.

Para naman akong mabulunannsa sarili kong laway dahil doon, muntik ko pa ngang maihulog ang kwentas na hawak ko buti na lang talaga ay nahawakan ko 'yon ng mahigpit.

"Seryoso ka?!"

He held my waist ang nod his head to me. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Hindi mo naman ako kailangan bilihan ng ganto kamahal alas, ang mahal siguro nito." Sabi ko sa kanya.

"Price doesn't matter when it comes to you, rein." He said. "Pero wag mo munang suutin."

Nagtaka ako, bakit naman hindi ko muna susuutin? Hindi kaya utang 'to?? Nanlaki bigla ang mata ko.

"Don't tell me inutang mo 'to?! Or else ninakaw mo?!"

Oa na kung Oa, pero baka lang naman eh malay natin totoo pala....

He laughed softly, he touched my cheek with one of his hands causing me to look into his eyes. His eyes are full of love and happiness.

"Silly, that's not what you think."

Ngumuso ako. "Eh ano pala?"

Binaba niya ang kamay niya at binalik ito sa baywang ko.

"I want to see what you are wearing, that will be your answer that I will accept. And when I see you wearing that it means...." He hung up on what he said. "You're my girlfriend." He smiles.

Natameme ko dahil doon, tinignan ko ang hawak ko at tinignan siya.

"Gaya nga nang sabi ko ay hindi mo kailangan suutin agad 'yan." Sabi niya bago ako halikan sa leeg dahilan para manigas ako. "Gusto kong sigurado ka na kapag naisuot mo na." Pagtatapos niya.

Dinampian niya nang halik ang leeg ko papunta sa leeg at paakyat sa panga ko. Pakiramdam ko ay sobrang pula na nang mukha ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko na nagawang makaiwas ng tingin dahil humarap na agad siya sa akin.

Tinignan niya ang buong mukha ko na para bang kinakabisado niya 'yon. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha sa akin kaya napapikit na lang ako. Naramdam ko nalang ang pag dikit ng labi niya sa labi ko. Hindi agad ako nakagalaw, naramdaman ko ang isa niyang kamay na hinawakan ang kamay ko na may hawak ng box at kinuha 'yon at nilapag nalang kung saan.

Kinuha niya na ang dalawa kong braso at nilagay 'yon sa balikat niya at hinapit ang baiwang ko papalapit pa sa kanya. Gumalaw ang bibig niya dahilan para makisabay na din ako sa galaw ng labi niya.

Bigla kong narinig ang pag bukas ng pinto kasabay ng pagkahulog ng kung ano sa sahig.

"Tangina."

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now