Chapter 27

90 32 5
                                    

Kiss Mark! 


Yeah. Ang bilis ng pag bati namin ni Grey. Kiss lang and yun lang. 6 na. Naka suot na ako. Hindi dress. Isang pasok lang tapos na, fit ito at tan ang kulay. Naka wig ako na kulay blue, mahaba na abot tuhod. Pinalitan ko rin ang contact lens ko na kulay green. Nice diba? Naka stiletto pa ako.


Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at lumabas na. Ang dilim! Ang ganda! Ang daming naka costume! Agaw atensyon sa dulo. Tugtugan at ilaw, pero may mas agaw atensyon. Hala! Akala n'ya maganda ang suot n'ya? Ew!


"Oh. my. god. Is that you Stacey?" Tanong ni Mica at lumapit sa akin.


Parang natatawa ako sa suot n'ya. May malaking pakpak ng paro-paro sa likod n'ya at colorful na mahabang dress. Tumikhim ako at tinaasan s'ya ng kilay. Ayan ba ang mamahalin mong damit?


"Oo. Ako toh." Simpleng sagot ko at dinaanan s'ya, naestatwa ako nang nakita ko ang lalake sa likod n'ya.


Ok, may kumurot sa puso ko pero di gaano. Ang suot n'ya ay paniki at may cape. Naka titig s'ya sa akin. Umiling agad ako at humakbang na.


Hawak hawak ko ang pouch ko. Mabilis ang aking hakbang. Medyo rocky road ang nalakadan ko kaya parang natutumba ako. Isang hakbang na lang smooth floor na.


Nagulat ako ng  nadulas ako dahil hindi kompleto ang pag tapak ko sa sahig. Hinayaan ko ang sarili ko mahulog. Ouch. Ang tigas naman! Naka pikit ang aking mga mata kaya biinuka ko ito. Waaaaaah! Di pala ako bumagsak. Bumagsak ako sa dibdib ni... ah.


Inangat ko ang aking tingin. Naka ngisi s'ya, ang pupula ng kanyang mata at pinakita n'ya ang pekeng bangkil na nasa ngipin n'ya. Parang nahilo ako.


"Dahan dahan lang. Ba't ang bilis mo mag lakad? May humahabol ba sayo?" Tanong n'ya sa akin habang tinitingnan sa paa hanggang mukha.


Inayos n'ya ako. "Ah... sorry. Walang humahabol sakin, trip ko lang mag lakad ng ganon. Hehehe." Sagot ko.


"Hala! Oo nga pala." Aniya. Kumunot ang aking noo. "Oh Shit! You're so beautiful that you made me forget my pickup line." Ngisi n'yang sabi.


Parang uminit ang aking pisngi. Haay salamat dahil madilim at walang makakita.


"Hahaha. Lol." Nahihiya kong sabi. Baliw na ata ako.


Nagulat ako ng may umakbay sa akin sa likod, hindi ako lumingon. Si Grey ay parang nag dilim ang kanyang aura. Ha? Sino ba ang umakbay sa akin? Lumingon ako. Hindi ko gaano makita dahil madilim at naka mascara s'ya.


Hinawi ko ang kanyang braso sa aking balikat at hinarap s'ya. "Sino ka?" Tanong ko.


Tumawa s'ya na gumagalaw na balikat. "Stacey... Si..." He trailed off sabay tanggal ng kanyang mascara na kinagulat ko. "Si Kevin toh." 


AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon