Don't Stay away from me
Kanina pa ako ikot ng ikot sa kama. Parang may mali talaga na hindi ko alam at nakakainis! Nabobother ako! Inangat ko ang aking cellphone, and daming messages ni Grey pero hindi ko ito pinansin.
Mga tatlong linggo lumipas. Ang exam namin ay lumipas narin. Malapit na ang graduation namin. Yehey! Ano kaya ang course ko? Ang hirap talaga maghanap!
"Hmm... parang may mali talaga sa akin." Bulong ko sa sarili ko.
"Anong mali sayo?"
Inangat ko ang aking tingin. Nakatitig s'ya sa akin. Ang singkit ng kanyang mga mata. Umiling agad ako. Narinig n'ya pala ang aking bulong?
Lumipas ang ilang buwan. Graduation na. Akala ko ako maging valedictorian hindi pala, Grey replace me. Nakakainis pero okay narin, at least naging salutatorian ako. Nag speech s'ya, nakakaiingit. Gusto ko ako ang magspespeech d'yan! Ang dami ko sanang sabihin eh. Haaaaaaaaay!
Pagkatapos ng lahat. Saby sabay namin hinagis pataas ang Mortarboard. Yehey!
Summer. May farewell party kami sa beach.
"Oh come on!" Daing ni Mica nang pababa na s'ya sa van.
Napangiwi ako sa kanya dahil ang arte-arte n'ya. Ngayon lang ba s'ya nakakita ng dagat o ayaw n'ya lang mainitan?
Bumaba na ako sa van. Umihip ng malakas na hangin. AHH! Grabe! Ang init sa dagat pero ang ganda. Maraming coconut tree and palm tree. White sand rin.
May humawak sa kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Bumilis ang tibok ng aking puso, inangat ko ang tingin ko. Nakangisi s'ya. Bweset na mata na yan!
Dumiretsyo kami lahat sa malaking cottage na nakareserve sa amin. Hindi parin bumibitaw si Grey sa aking kamay. Ngumuso ako at binawi ito.
"Aayosin ko lang ang bag ko." Sabi ko at tumalikod. Ramdam ko ang kanyang kamay sa aking bewang. Lumunok ako at binuksan ang zipper ng bag ko.
"I'll help you..." Bulong n'ya sa aking tainga.
"No thanks. It's okay... it's okay." Sagot ko agad na hindi s'ya hinarap. Pinapawisan ako sa kanyang haplos sa aking baywang. "Just gather some plates, fork and spoon... Please." Ungot ko.
"Okay."
Tumigil na s'ya at kumuha ng mga plato at kutsara, tinidor.
Kinuha ko ang mango float sa loob ng cooler na dinala ko. Nag ayos rin ako ng ibang pagkain para sa kakainin namin mamaya.
"Attention please. Wag muna kayong maligo sa dagat dahil hindi pa tayo nakakain." Sambit ni Joshua sa amin.
Kaya ang ginawa namin ay nag ayos. Si Mica ay kanina pang umaarte dahil natatakot umitim. Nauubos na nga ang sun block n'ya dahil kanina n'ya pa ito nililigo sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Again
RomanceMaria Reagan Andrada. Siya ang babae na matibay sa pag ibig ngunit dahil sa mga lalake ay wala na s'yang tiwala. Iniwan ng kanyang boyfriend na sineryoso. She doesn't have a perfect family, and she want a perfect love but seems love is too enough to...