Chapter 2

303 37 10
                                    

Baseball


Mabilis ang tibok ng aking puso. What's with that curse, Pierce? What are you looking? May hinahanap ka ba? Nahihiya ka? Ano? Puno na ng katanungan ang aking utak. Buhay nga naman. Lumingon ako sa kanya. Iba na ang direksyon ng kanyang tinitingnan. Sa malawak na campus. 


I sighed...


He's hot and handsome, at hindi ko iyon maiwasan. Naka tagilid ang kanyang ulo and ang part ng angle na yan ay sobrang gwapo n'yang tinganan. Side view palang yan. What if naka harap na? Shit. I probably die dahil sa kanyang kagwapuhan. Pero hindi ko s'ya gaano kakilala at hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Maybe... he's a playboy? Womanizer? Cheater? Huh, ang judgemental ko ata. We are having a lunch now baka mawalan pa ako ng gana.


"Regs! Bat ang bilis mo?!" Bulong ni Megan sa akin. Anong mabilis? Kung makabulong itong Megan, ang lakas!

"Anong mabilis?" tanong ko sa kanya sabay subo ng kutsarang may ulam at kanin.

"Diba... boyfriend mo s'ya? Kakabreak n'yo lang ni Bryan, meron ka ng iba." Sagot n'ya sabay pout. 


Nabulunan ako sa sinabi n'ya. Agad akong uminom ng tubig. Tumingin si Pierce sa akin at mukhang nag tataka sa akin. Tumawa sila Jamie at Neri sa reaksyon kaya naiirita ako. Tumingin ako kay Meg ng masama.


"Hindi! Hindi ko s'ya boyfriend. S'ya yung lalakeng na nasa mall! Yung kasabay ko sa ulan." Bulong ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at nag shape ng 'O' ang kanyang bibig. 


Umirap ako at patuloy parin kumain ng lunch. Narinig ko ang bulungan ng kaibigan ko kaya lalong  napa irap ako. Nag lulunch kami sa canteen kaya ang mga mata ng tao ay nasa table namin. Hindi sa atensyon namin, kay Pierce lang. Suminghap ako. Campus hearthrob na ata s'ya.


"Hi! Can we join?" Tanong ng isang babae. May kasamahan s'ya. Mapupuno na itong table namin dahil sa kanila.


Nagsitinginan kami ng kaibigan ko kung papayag kami na sumabay sa lunch. Well, dati naman ay walang sumasabay sa amin mag lunch. Kami kami lang, hindi ibig sabihin na sa ibang mundo kami parang normal lang pero ngayon may sumasabay na hindi dahil ubos ang table, ay dahil kay Pierce. Tiningnan ko si Pierce, nakatitig sa akin. Ngumuso ako at tiningnan ang mga babae.


"O sige. Dito-" Bago ko pa sila sinabihan na umupo don malapit kanila Megan umupo agad sila malapit kay Pierce. Nagulat ako sa kanilang ginawa.


Hindi naman kami magkatabi ni Pierce. Magkaharap lang. At dahil sumiksik ang mga babae ay iba na ang kaharap ko. Lumunok ako. Hindi naman sila nahiya sa kanilang ginawa. 


"Hi Pierce! Nice to meet you. Ako si Jeanly. Pwede mo akong tawaging Jean." Sabi ng babae. Yung nag tanong sa amin na pwede umupo sa table namin. At alam na agad ang pangalan ni Pierce? Wow.


Yumuko ako at kumain na lang. I feel so uncomfortable at nararamdaman ko rin sa kaibigan ko. Mukhang naiirita nga sila dahil bakit sila nandito eh ang daming table pang kainan. Well, girls are papansin when it comes with the boy? Maybe? I don't know. 

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon