I'm too late
Humiga ako sa sofa at binuksan ang TV gamit ng remote control. Kinain ko ang chippy na nasa coffee table. Apat na taon na ako sa Dubai. Malamig ang trato ko sa pamilya ko, sabi nila good opportunity kung mag ta-trabaho ako sa sariling kumpanya namin pero hindi ko tinanggap at pinapakita ko sa kanila na hindi maganda ang oportunidad sa Dubai.
Halos hindi na nila ako nakikita sa loob ng bahay. Kung uuwi sila galing trabaho ay nasa loob ako ng kwarto at hindi sila pinapansin, minsan nga tumatakas ako para mag bar. Kung sa agahan naman ay maaga akong nagigising, nagluluto ng sariling pagkain at mag jogging sa labas hanggang umabot ng tanghaling tapat, at wala na sila sa bahay para magtrabaho... Shit!
"Hoy! Naga nood ka ba ng TV o lumulutaw d'yan sa sofa?" Sabi ng kaibigan ko... ang isang kaibigan ko dito sa Dubai, Evangeline Mercedes. Kaparehas kaming edad.
Hindi ko s'ya pinansin. Nakilala ko s'ya dahilan kay Mommy... Kaibigan ni Mommy si Tita Eve ang Mommy ni Eva. Ayaw ko s'ya dahil feeling close sa akin, porket kaibigan ni Mommy ang Mommy n'ya ay dapat kaibigan rin kami? Pero naging okay narin sa huli, tatlong taon ko s'yang kasama sa bahay. May bahay naman sila pero s'ya ang kasama ko parati dahil nag bibisita s'ya sa amin.
Pinay s'ya, purely. Nag trabaho ang magulang nila sa kumpanya namin pero malapit sa amin, 'yung sobrang malapit sa pamilya namin, palaging invited.
Inalis n'ya ang paa ko sa sofa upang umupo s'ya sa tabi ko. Minamasdan n'ya ang kanyang mahaba at bagsak na buhok.
"Well, I don't know kung ano ang iniisip mo," Ani Eva, "You miss him?" Tanong n'ya.
Tumigil ako kumain ng chippy. Dahil alam ko ang ibig sabihin n'ya bigla akong nanglamig. Alam n'ya ang tungkol sa buhay ko, lalo na kay Grey. Disappointed nga s'ya ng nalaman na hindi ko sinagot si Grey. Shit, I hate myself leaving him. Parang ang sarap manira ng gamit sa bahay, lalo na ang malaking vase? Hampasin mo at sipain.
"No." Inis kong sabi. Ngumisi s'ya kaya lalong lumitaw ang kanyang high cheek bone. She's kinda slender but she's pretty.
Kumuha s'ya ng light coke-in-a-can na nasa coffee. Binuksan n'ya ito at ininom. "Then, why you look so depressed?" Tanong n'ya sabay taas ng kilay.
Napangiwi ako. "Duh? I'm bored." Iritadong sagot ko.
Bahagya s'yang tumawa. Nainis talaga ako sa kanya. Ganyan talaga s'ya makitungo sa akin. Umiling na lang ako at patuloy sa panood ng TV.
"You want to go back to the Philippines?" Tanong ni Evangeline.
Natigilan ako sandali. Tiningnan ko s'ya at seryoso s'yang makatitig sa akin. Tumawa ako ng malakas.
"Alam mo na hindi na ako babalik doon kailan pa!" Sabi ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hindi nga ba ako babalik doon kailan pa?
"No Stacey. We're going back to the Philippines!" Sabi n'ya. Tumalon s'ya ng sobrang saya at niyakap ako ng mahigpit. "You're gonna see him again!" Ngisi n'ya.
BINABASA MO ANG
Again
RomanceMaria Reagan Andrada. Siya ang babae na matibay sa pag ibig ngunit dahil sa mga lalake ay wala na s'yang tiwala. Iniwan ng kanyang boyfriend na sineryoso. She doesn't have a perfect family, and she want a perfect love but seems love is too enough to...