@jonaxx jonaxx
This story is dedicated to jonaxxPANIMULA
Naranasan n'yo na bang naloko na?
Kumunot ang noo ko nang napansin ko s'yang naka iwas ng tingin sa akin. Yumuko ako para tingnan s'ya ng mabuti pero lumayo s'ya.
"May problema ba, Bry?" Tanong ko kay Bryan na boyfriend ko.
"Wala naman..." Sagot n'ya sabay ngiti.
Umiling ako. He's lying. "Bakit mo ako iniiwasan ng tingin?" Tanong ko.
Hindi naman s'ya ganito noon ah, ewan ko bakit ganito na s'ya. Tagal ko na s'ya naging boyfriend. S'ya lang ang umibig sa akin ng tunay na hindi ako iniwan. Pero bakit iniiwasan n'ya ako ng tingin, dati naman panay titig n'ya sa akin. Alam kong may problema s'ya ngunit hindi n'ya sinasabi sa akin.
"Tara na. Iuwi na kita sa bahay n'yo." Aniya sabay tayo. Nasa restaurant kami dahil may gusto sana s'yang sasabihin pero hindi n'ya sinabi sa akin. Grr...
"Nag iba ka ng topic! Bry naman o. I'm worried."
Humarap s'ya sa akin. "Bakit ka naman mag aalala? Walang mangyareng masama. At tingnan mo na anong oras? 6 na..." Sabi n'ya. "Tara, sundo na kita."
Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinatak palabas ng restaurant. Nakakabother pero hinayaan ko na lang. Nang nasa bahay na ako. Hindi n'ya parin ako matitigan kaya nagtataka na ako. I asked him a million of question pero hindi n'ya ako sinasagot. OMG! Is he cheating on me kaya ganyan s'ya? No. Alam kong hindi.
Pero nagkamali ako at tama ang hinala ko.
I saw him with somebody. Ang pagkaalam ko ay kamag anak n'ya or something pero hindi eh. Babae at pamilyar sa akin. Hindi sa clingy ako na pagbawalan ko s'yang lumapit sa ibang babae pero na abuso na ata! Hindi pwede na hawak hawak n'ya ang babae na habang kami! Ano ba ang mali ko bakit s'ya nanloko?
I'm too weak to fight because this is my first time. And shit! I'm too young for this. Sinundan ko ang dalawa. Sumikip ang aking dibdib na makita hawak hawak ni Bryan ang bewang ng babae. They're going inside the mall. Oh no. What if I interrupt them? Gagawa ba ako ng scandal sa loob ng mall mamaya kung gagawa ako ng away? Please wag... At kung malalaman kung sino ang babae n'ya humanda s'ya sa akin.
"Bryan... Please stay close to me." Sabi ng babae at alam na ng utak ko kung sino iyon!
May hinagis ako kaya natamaan ang babae at basang basa na s'ya ngayon. Tumili s'ya at nagwala. Mabuti nakabili ako ng shake sa gilid. Tumawa ako pero di ko prin maiwasang magalit sa kanila. Humakbang ako at nag tama ang mga mata namin ni Mica. Knowing her she's a bitch. May iilang tao na ang nag sitinginan.
"You... Why you! Why did you throw this thing to me?!" Sigaw n'ya at doon na nakuhaan ng atensyon ng mga tao. Basang basa s'ya at nagkulay na ang kanyang damit dahil sa shake.
To tell the truth. Isa akong babae na hindi katulad n'ya. Not bitchy and preppy. Hindi nerd pero nerd ang tawag nila sa akin. I don't know why, I'm just holding a hundreds of books tas nerd agad? For me nerd are smart, obsessive sa mga bagay na gusto nila at lack of social, at hindi ako ganyan. I have friends pero hindi marami, matalino ako, at lalong hindi obsessive. Para saan pa? Ew. I'm not a freak.
BINABASA MO ANG
Again
RomanceMaria Reagan Andrada. Siya ang babae na matibay sa pag ibig ngunit dahil sa mga lalake ay wala na s'yang tiwala. Iniwan ng kanyang boyfriend na sineryoso. She doesn't have a perfect family, and she want a perfect love but seems love is too enough to...