Dark and rage
Nanginginig ang buong katawan ko. I want to cry out loud pero hindi dito. He's a father now, but... hindi sinabi sa akin ni tita at tito? Kaya ba ayaw nilang sasabihin dahil masasakta lang ako? Ano ako, tanga?
Tinawagan ko si Evangeline. Hindi ako nag paalam na, umalis na ako diretsyo! Ngayon, nasa mga bisita na ako. Nag sitinginan sila sa akin, ewan ko bakit. May sumapak sa aking braso. Lumingon ako, si Evangeline. Nang humarap ako kay Evangeline, nagulat s'ya.
Kinuha n'ya ang kanyang panyo sa kanyang purse. Nilapit n'ya ito sa aking pisngi.
"Umiyak ka?" Tanong ni Evangeline. Nanlaki ang aking mata, bahagya ko s'yang tinulak. Hinayaan n'ya ako mag punas ng sarili kong luha. "Staces, wag tayo dito. Maraming nakatingin sa atin." Bulong ni Evangeline. Tumango ako.
Dinala n'ya ako sa loob ng bahay nila tita. Tahimik dito sa loob at halos lahat ng ingay ay nasa labas. Pinaupo n'ya ako sa sofa at tinahan.
"Anong problema? Ba't ka umiyak? Sayang ang make up mo! Natutunaw na!" Ani Evangeline.
Umiling ako at humahulgol. I barely speak, masakit sa panga kung magsasalita ako. Tamihik si Evangeline, hinaplos n'ya ang aking braso upang tumahan na.
"I saw h-him..."
Nanginginig ang boses ko kaya tumigil ako sa pagsasalita. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at pumikit ng mariin. Masakit, masakit talaga. Sarap sabunutan ng buhok si Thalia, no... may dinadala s'yang anak at ang ama ay si Grey. Puta!
"Then? Ba't ka naman umiyak?" Tanong n'ya at umupo ng matuwid.
"H-he has a wife... at magkakaroon na sila ng a-anak... Huli na a-ako." Sabi ko habang kinakagat ang pang ibabang labi ko para tumigil sa pagnginginig nito.
"Oh my god!" Gulat na sinabi ni Evangeline, tumango ako at humagulhol.
"He's already move on." Sabi ko. Pinunasan ko ang aking luha.
Sana hindi ko s'ya iniwan, kung pwede ibalik ang dati. Kung ganon, dapat mahal n'ya pa ako ngayon! Huminga ako ng malalim. Bigla akong natigilan.
What if, hindi n'ya 'yun totoong asawa at wala s'yang anak? Hindi naman pwede dahil, kung hindi n'ya 'yun totoong asawa ay dapat kasama n'ya ang totoong kanyang asawa.
"Staces, mag move on na kaya?" Tanong ni Evangeline sa akin.
Kumunot ang noo ko. Hindi ako mawalaan ng pag asa! "No. Baka mali ang iniisip ko." Sabi ko, "Maybe hindi n'ya iyun totoong asawa? 'Diba?! Alam ko na mahal pa ako ni Grey! Hindi n'ya ako bastang basta ibagsak lang ng ganon! Ikakamatay n'ya 'yun kung mangyayare 'yun!" Sigaw ko.
Nagulat si Evangeline sa ginawa ko. Pinakalma n'ya ako. Tumulo ang luha ko, mala-grip nga ito.
"Mahal ko pa s'ya." Bulong ko. Tinahan n'ya ako. Tahimik at ang tanging maririnig mo ay iyak ko.
BINABASA MO ANG
Again
RomanceMaria Reagan Andrada. Siya ang babae na matibay sa pag ibig ngunit dahil sa mga lalake ay wala na s'yang tiwala. Iniwan ng kanyang boyfriend na sineryoso. She doesn't have a perfect family, and she want a perfect love but seems love is too enough to...