Pierce Tanjuatco
Late ako nagising dahil umiyak ako kagabi. Hindi ako makatulog dahil sa ngyare. What happen yesterday was good and bad. Hindi ako makapaniwala! Maybe Bryan and me are over? I still love him. And this day, baka magkita kami kasama ang bitchy girlfriend n'ya ngayon!
Sa campus. My aunt own this school, at para sa akin ay normal lang. Hindi yung nagyayabang at kung may mangyare sa akin ng masama ay susumbong ako kaagad. I'm not a brat. Lumalakad ako papunta sa room ko. Sa unang pasukan ay ang iingay ng mga tao at nag yayabangan sila tungkol sa kanilang summer vacation.
Nang nasa classroom na ako ay inabutan ako ng mga kaibigan ko ng yakap. Si Jamie ay panay iyak dahil namiss n'ya raw ako. Natawa naman ako dahil para s'yang baliw! Si Megan naman ay hindi n'ya ako binitawan sa kanyang yakap. Si Neri naman ay panay yakap rin sa akin.
"I miss you all lads!" Sabi ko.
"Reagan! I heard some stupid rumors. Break na kayo ni Bryan?" Tanong ni Neri. Nagulat ako sa sinabi n'ya. Kalat na agad?
"Yeah... Wala si Bryan ngayon dahil nasa hospital raw? What happen?" Tanong naman ni Megan.
"At grabe Regs! Ang yabang ng Mica na yun! Iniwan ka daw ni Bryan dahil sa kanya? Feeling n'ya naman ang ganda n'ya! Ew!" Sabi ni Jamie at sinapak ako.
Yumuko ako at sinubukan kong ngumiti pero hindi na tagumpay. "I'll explain later." 'Yan lang ang tanging nasabi ko. Naexcite sila sa sasabihin ko kaya pinipilit nila ako pero ang sagot ko naman ay 'Mamaya lang'.
"Oh.My.Freaking.Gosh! Hoy! May new comer daw na lalake na sobrang gwapo at hot!" Sigaw ng kaklase ko na nasa pintuan. Nagtatakbuhan ang mga kaklse ko na babae sa labas at kami ang naiwan na gulat.
"Ano daw? Gwapo?!" tili ni Megan.
Umiling ako. Basta gwapo ang lalake inaabuso nila ang kanilang kagwapuhan at iyayabang nila. Kung sa babae naman ay lalaruan lang nila. I don't care. I want to move on pero mahirap!
"Baka bading?" Tanong ni Neri.
Sinapak s'ya ni Megan kaya nag away sila kung bading ba o hindi. Natawa na na lang ako. I miss them so much. Ganito kami dati since we're 11.
"Tara Staces? Tingnan natin." Ani Jamie. Natigilan bigla sila dalawa ni Megan at Neri.
"Hala! Interesado ka no'?" Sabay na sinabi nila Meg at Neri. Humagalpak sila sa tawa pati na rin ako.
"Hindi ah! Titingnan lang naman eh!" Deny ni Jamie.
Patuloy parin ang tawa namin at lumabas sa classroom para tingnan daw ang gwapong at hot na lalake. WTF! Natawa ako sa loob ng aking utak. Nahulog ang panga ko dahil ang daming babae ang nag tumpukan. Impossible! Sino ba 'yang lalake na naging baliw na ang mga babae? Ano? Artista ata iyan?
"Woah... Malulunod ata tayo dahil sa dami ng mga babae." Bulong ni Megan.
"Bading s'ya! Ba't di ka maniwala Meg?!" Inis na tanong ni Neri kay Megan.
"Hoy hindi! Excuse me Nerissa Navarro! Kung maging crush mo s'ya masasapak talaga kita dahil sa sinasabi mo!" Inis naman na sinabi ni Megan kay Neri.
BINABASA MO ANG
Again
RomanceMaria Reagan Andrada. Siya ang babae na matibay sa pag ibig ngunit dahil sa mga lalake ay wala na s'yang tiwala. Iniwan ng kanyang boyfriend na sineryoso. She doesn't have a perfect family, and she want a perfect love but seems love is too enough to...