Chapter 2

151 100 11
                                    

"pano nyan? Saan ka tutuloy ngayon?" Tanong ko nang magbayad na ito.

Bago lang sya dito at nanakawan ka sya.

"Diko din alam eh, nagbabakasakali kasi akong dito na makapag aral at makahanap nang simpleng trabaho." Sabi nito bago huminga nang malalim. " Saka andon yung wallet ko sa bag na natangay. Buti nalang May extra ako sa pocket ko sakto lang para sa pagkain ko." Sabi nito.

"Ganito nalang, sa amin kana lang matutulog." Sabi ko pero umiwas ito nang tingin pero agad ding lumingon.

"Nakakahiya naman." Sabi nito na halata sa mukha ang pagka-hiya.

Sinabi ko pa sa kanya na kung hindi sya sasama baka mapano pa sya dito sa labas. Bago palang naman nya dito. Ayaw nyang sumama kasi, para sa kanya ang hirap daw magtiwala kaya natatakot sya na baka walang tiwala si Tita Lorna sa kanya. Kahit isang gabi man lang dapat pumayag na para matulungan ko sya sa paghahanap nya nang trabaho eh.

"Hindi 'yon. Halika na." Sabi ko pero sumunod naman.

Naglakad narin kami pabalik sa boarding house at medyo May kalayuan 'yon dito sa cafe pero kaya rin namang lakarin.

"Grabe naman pala ang nangyare sayo. Eh sigurado akong alam nila na probinsyano ka. Kaya ayan iniisahan ka nila." Sabi ni Tita Lorna nang maipakilala ko si Mavi.

Naikwento narin lahat ni Mavi ang nangyare sa kanya nang makarating sya dito. Dumating narin si Tito Mel, asawa ni Tita Lorna. Ikinwento rin ni Tita Lorna don kay Tito Mel ang nang nangyari.

"Ay mabuti nalang at nandon si Alex, natulungan ka." Sabi naman ni Tito Mel.

Agad ding sumagot si Mavi na sa tingin ko nahihiya paren. "Ah oo nga po eh. Dati kala ko suplado, pero mabait naman pala." Sabi nito bago tumingin sakin.

Pumayag narin ang mag asawa na dito na sya titira at tutulungang korin sya sa paghahanap nag trabaho. Sagot na ni Tita Lorna at ang gastos nya sa school sa isang buwan habang naghahanap pa ito nang mapagta-trabahuan.

"Eto, gamitin mona muna ito." Sabi ko habang iniaabot ang tuwalya at t-shirt na May sweatpants.

"Oh sorry, nakakahiya—"

Bigla syang napatigil nang biglang magsalita si Haze.

"Sus, nahiya ka pa!" Agad ko itong binatukan bago sinabi kay Mavi na wag nang pansinin at pumasok na ito sa CR para maligo.

Nang matapos na syang maligo, lumabas na ito sa CR habang suot yung sweatpants at t-shirt na binigay ko. Kayang kasya talaga. Nagtungo na sya sa kama ko. Tabi nalang kami matulog kasi no extra bed at sana malaki din naman 'tong bed ko kesa kila Xy and Haze. Ayaw naman ni Tita Lorna na sa sofa o sa sahig sya matulog. Di daw sya ma komportable.

"Sure ka? Okey lang na tabi tayo matulog?" Tanong nito nang patayin kona nag ilaw at tanging lamp lang sa tabi nang kama ang natitirang umiilaw.

"Okey lang naman, wala din naman ang magagawa." Sagot ko at inayos ang unan ko.

"Alam mo, kasi kapag natutulog ako hindi alam ang ginagawa ko eh." Sabi nito habang napakamot sa sintido nito.

"Bakit, ano bang ginagawa mo?" Tanong ko dahil sa curiosity kung ano ba talaga.

"Malikot kasi ako matulog eh. Lalo kapag matigas yung...." He said like he didn't know how to say it.

"Ano?" Tanong ko.

"Kapag matigas yung, kama." Pag tama nito.

Hindi naman matigas yung kama eh, alam ko naman kung ano yung ibig nyang sabihin. Kapag matigas yung ano? Tapos ano? Hayssst Alexander! Kung ano na naman pumasok sa isip mo.

All I Want Is Love | COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon