Chapter 31

19 6 1
                                    

Alexander's POV:

"Mavi magusap tayo." Malumanay na sabi ko ng abutin ko sya sa kamay nya ng papasok na sya sa kwarto.

"Let me rest Alexander, pagod ako." Madiing sambit nito at nanibago ako sa pagtawag nya sa pangalan ko.

"Usap naman tayo, hon." I pleased pero inalis nya ang kamay ko sa pagkahawak sa kamay nya.

Pumasok na sya sa kwarto at nagulat nalang ako ng isara nya 'yon. He even locked it.

What's the problem Mavi? Ba't ganyan ka, naninibago ako. May problema ba tayo? Andaming tanong na pumapasok sa isip ko kung bakit hindi sya nakauwi, kung bakit hindi sya nagrereply o sumasagot sa mga text at tawag ko. At kung bakit sya galit?

Hindi ko alam, para akong baliw na iniisip kung anong problema nya, hindi man lang nya sinasabi. Yung mga pasa nya, asan galing 'yon? Napasandal nalang ako sa pader at dahan-dahang dumulas paupo habang nakasandal. Bakit ayaw nyang magsabi? May nagawa ba akong mali, may diba sya nagustuhan, sa pangungulit ko? What? Mavi kausapin mo naman ako.

Sa nakalipas na araw ay hindi nya ako pinapansin at kinakausap man lang. He treated me like his roommate na hindi nya ka close. Para akong nawawalan ng gana. Kahit pumapasok ako sa klase at trabaho ay lumilipad ang utak ko. Hanggang sa nag-impake na ako dahil pupunta ako ng probinsya. Magpapasko na. Tinanong ko si Mavi kung sasamahan ba nya ako o ihahatid pero 'busy ako' ang palaging sagot nya sakin.

Kahit mabigat ang loob ko ay mag-isa akong nagpunta sa terminal para mag Van nalang papunta sa probinsya. Tumawag ako kay Mama na sunduin nila ako sa terminal ng Batangas dahil parang bibigay na ang katawan ko sa panghihina. Ni hindi ako kumain kanina at konti lang ang mga kinain ko sa nakaraang araw dahil wala akong gana. Pakiramdam ko namanhid na ang katawan ko dahil pati gutom ay hindi ko na nararamdaman.

Nang makarating sa terminal ay nandon na nga sila Mama, Aljur at si Papa na para bang napilitan lang na sumama. Wala si Cassie dahil may pasok sya. Pati sila Mama ay napansin ang pamamayat ko.

"Asan ang boyfriend mo? Si Mavi?" Tanong ni Mama.

"Busy sya." Sagot ko nalang dahil ayaw kung sabihin kung ano ang nangyari.

"Hindi sya dito magpa-pasko kuya?" Tanong ni Aljur.

Pumilit akong ngumiti kay Aljur. "May pamilya sya Aljur, syempre doon yun magpapasko." Sagot ko.

They didn't hesitate to ask at sumakay na kami sa kotse ni Papa. Muka sa byahe hanggang sa makarating kami ay hindi man lang kumibo o ngumiti man lang sa akin si Papa. May problema parin na namamagitan sa amin. He hate me the most. Hindi kang dahil sa tumanggi ako sa gusto nitong kurso kung hindi dahil sa kung ano ako. Matatanggap pa daw nya ako kung bisexual lang daw ako kuno kasi may change na magbago ako at magkagusto parin sa babae. Pero I'm not. Yes I'm a gay, and I discover it before when Mavi and I are together.

Mas lalong lumaki ang galit nya sakin nung ipakilala ko si Mavi bilang boyfriend ko. Buti nalang sa time na 'yon ay sa tawag ko ipinakilala. Kung sa personal kang ay sigurong nabugbog na ako. Balak rin naman namin ni Mavi na pormal na magpakilala ngayong pasko pero dahil ngayong may problema kami ay hindi na 'yon natuloy.

"Teka lang ah, ipagluluto kita. Maupo ka na muna jan." Sabi ni Mama at naupo ako sa Sofa.

"Wala po akong ganang kumain ma." Sagot ko.

"Pilitin ko, napagod ka sa byahe." Nag-aalalang sabi ni Mama.

Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Papa.

"Huwag mong pilitin kung ayaw." Galit na sabi ni Papa.

"Mauna na po ako sa kwarto ko." Paalam ako at hindi ipinahalata ang inis at lungkot.

All I Want Is Love | COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon