Chapter 33

17 4 0
                                    

Chapter 33

Nagising nalang ako ng maaninag ang maliwanag na kwarto. Kwarto ko ba 'to? Nasan ako? Napabangon ako agad nang mapansin ang hindi pamilyar ba kwarto. Where am I?

Napatingin nalang ako sa sarili ko na nakabalot ang katawan ko ng puting comforter. Ni wala akong suit na damit at tanging short lang. Pilit kung inaalala ang nangyari kagabi pero hindi ko agad matandaan. Parang pinipiga ko na ang utak ko nakaalala lang. I remembered. Mavi bring me here because I am really drunk.

"Goodmorning." Bati sakin ni Mavi. He's wearing a black sweatpants and a sando shirt that revealed his masculine body.

"G-goodmorning." Bati ko at na aalala ko pa non na galit sya dahil sa nagawa ko kagabi.

Nakasandal lang sya sa pader habang hawak ang baso ng kape. "Get up and have a breakfast, hon." He said and my face light up.

Hindi na talaga sya galit?

Napatingin nalang ako sa sarili kong walang saplot. What we did last night? Nag-sex ba kami, o ano? Hindi ko maalala. Tumawa ito na para bang nababasa ang iniisip ko.

Naupo sya sa gilid ng kama at inilagay sa side table ang baso nya. "Wala tayong ginawa, yang damit mo?" He chuckled. "Pawis na pawis ka kagabi. Kahit galit ako sa ginawa mo kagabi, kinain ko ang pride ko. Alam kong lasing ka lang kaya mo nagawa yon." He said.

"Asan yung damit ko?" Tanong ko.

Tumayo sya at kumuha ng damit. He gave me a oversized hoodie and sweatpants.

"Yan lang muna, wala akong nadalang damit. Saka pinalabhan ko sa labas ang damit mo, amoy alak.." sabi nito.

Tumayo ako at kinuha ang damit na binigay nya.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya nang dederetso ako sa banyo.

"Magpapalit malamang." Bahagya ko pa siyang inirapan.

"Mag banyo pa, para namang hindi ko yan nakita." Tawa pa nito.

"Ewan ko sayo."

Dumeretso nalang ako sa banyo. Naligo narin ako dahil pakiramdam ko amoy alak parin ako. Nang makalabas ay wala na si Mavi sa kama. Dumeretso na ako sa may dining at nakita ko naman sya doon na mukhang inaantay ako.

Agad akong nagtungo doon habang may maliit parin na tuwalyang nakasabit sa balikat ko dahil pinapatuyo ko pa ang buhok ko.

"Tagal mo." Reklamo nito and he kissed me on my chin.

"Syempre naligo pa ako no." Sagot ko.

Sinimulan ko na ang pagkain. Nag order lang sya dahil wala namang pagkain dito sa room na 'to.

"Nagbayad ka pa talaga ng room?" Tanong ko sa mahabang katahimikan.

He nodded "Actually, kila Raven kami tutuloy." Sabi nya.

"Eh bakit andito ka? Saka ba't mo ako dinala dito? Then ba't dimo sinabi na pupuntahan mo ako? O ako ba talaga ang sadya mo?" Sunod sunod na tanong ko.

Ano ba talaga ang ginagawa nila rito? Ba't nila kasama si Calia? And si Raven, I thought taga manila naman talaga sya. I want to ask that all pero baka maguluhan lang sya.

"I'm here dahil umuwi na ang grandparents ni Raven dito sa Batangas. Kaya nung sinabi nyang dito sya pupunta at naisip kong malapit rin pala sa inyo. I want to see you in person kasi miss na miss na kita. I brought you here because you're drunk. Nakakahiya naman kung idederetso kita sa bahay nyo. Then your friends are already go home. I hahatid ka daw nila pero sabi ko ako na. Then I didn't tell you that I would come dahil isu-surprise sana kita." Tahimik lang akong nakikinig. "Nakasalubong ko pa si Aljur sa may restaurant malapit sa inyo then I asked him kung nasaan ka at sinabi nyang you're attending to your batchmates reunion. And he said that the venue are in the Baresto, so we came." Mahabang paliwanag nya. Tumango tango lang ako at sinabing magkwento pa sya. At ginawa naman nya.

All I Want Is Love | COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon