Chapter 30

11 6 0
                                    

Alexander's POV:

"Sinong kausap mo?" Tanong ni Mavi na nasa harap ko na pala.

"Ah si Aljur." Sagot ko at tumango lang bilang pagtanggap.

Bumalik na kami sa sofa kung basaab sila. Naupo na kami doon at nagkwentuhan lang kami tungkol sa naging buhay namin. Pinag-uusapan din namin kung saan magpa-pasko. Sinabi ko rin naman na sa kila mama rin ako magpa-pasko. Hindi naman kami nagtagal doon at nauwi rin kami.

"I would like to announce that since next year are the founding anniversary of our university. The dean declared that we have a Grand ball here in Manila State University. I hope everyone will be attended and will be participated." Anunsyo ng professor namin.

Kahit sa January pa 'yon ay nae-excite na ako. May Grand ball narin. Every decades lang lang talaga sila nagc-celebrate ng founding anniversary. Swerte ang andito parin this 4th decades of the university. Matagal-tagal narin pala 'to.

After class ay napagdesisyunan naming magkakaibigan na magtungo sa Delight sa malapit na kainan dito sa university. May nga street foods rin doon kaya doon kami madalas tumambay. Akala ko magpapalibre ako sa kanila pero parang ako pa yung nang libre. Pero okey lang, sa susunod ako naman ng magpapalibre.

"Hoy Xyriel, msta kayo ni Jay-Ar?" Tanong ko naman ng pumasok sa isip ko ang lalaki.

"Okey naman." Sagot lang nito at kumain naman sa fishball nito

"Sa tagal ba naman nilang hindi nagpapansinan." Si Haze.

"So true? Kayo na ulit?" Tanong ko naman.

"Hindi, hindi pa kami masyadong okey non. Hindi ko makakalimutan kung paano sya nag-cheat." Sagot nito.

Until now? Hindi parin sila okey. Ano naman ang naging problema nila. Ganyan talaga ang pag-ibig. Besides, sino ba naman ang hindi maiinis kung ang boyfriend mo ay may kahalikang iba. Pano kaya kung sakin mangyayari yon. Iniisip ko palang pakiramdam ko hinding hindi ko kakayanin. Subukan lang na gawin ni Mavi yon. Makikita nya ang hinahanap nya.

Hindi ko na napansin kung nakailang bili na ako ng isaw, kwek-kwek, isaw at fishball. Pano ba naman, napakasarap ng pagkaluto. Kaya pinagkakaguluhan dito sa Delight eh. Gutom lang yata ako kaya naparami ang kain ko.

"Ikaw ba Haze? Hanggang kailan ka ba maglalaro ng feelings ng mga babae huh?" Tanong ko naman kay Haze na inaasar si Xyriel.

"Anong nilalaro ka jan? Sadyang diko lang sila type." Sagot nito.

Yan na naman ang linya nya. Porket straight hindi na sya nagseseryoso sa mga babae. Sya lang ang straight sa aming magkakaibigan. Hindi sya katulad namin ni Xyriel.

"Eh kung sa lalaki ka kaya magkakagusto? Baka yun ang type mo?" Saad ni Xyriel.

Nagkunwari pa itong nasusuka. "Kadiri, pati nga sa relasyon nyong mga gago kayo nandidiri ako. Pano pa kaya kung ako na, never!" Ang over acting naman.

"Ah so inaamin mo? Inaamin mo na ayaw mo pala sa relasyon namin ni Mavi? Eh bakit dati sabi botong boto ka?" Kunwaring sinungitan ko pa.

"Sus, kunwari lang naman. Joke lang." Depensa nito.

I know, nang-aasar lang yan sya. Sanay na kami sa kanya. Kung hindi lang talaga namin nya kaibigan inupakan na namin. Nakakainis at nakakapikon ba naman. Ilang minuto lang kaming andito kaya napatingin ako sa cellphone ko ng mag-message si Mavi.

From: Mavi
• Nasaan ka? Sunduin kita.

Agad din naman akong nagtipa ng replay.

To: Mavi
•Huwag na, magco-commute nalang kami nila Haze at Xy.

All I Want Is Love | COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon