Alexander's POV:
Tagal ng discussion ni ma'am Amore. Kanina pa akong uwing-uwi. Parang gusto ko nalang na matulog para bumilis ang oras at para makauwi narin kami. Buti nalang at natapos rin ang discussions nya at ipagpapatuloy nalang daw in next meeting. Inayos ko na ang gamit ko st ganon rin si Andrea.
May lakad pa kami para lang kumain sa labas. Tinext ko nalang si Mavi na baka late nalang akong makauwi. Kaya nang pag-send ko ng message ay hinintay ko iyon at hindi sya agad na nagreply. Mukang nasa training yata sya at busy pa sya.
Lumabas na ako ng department namin kasama si Andrea. Tinanong ko pa ang dalawa kong kasama kung sasama sila pero tumanggi ito. Uuwi rin daw kasi ng maaga si Xyriel at hahabol naman sa basketball training si Haze.
"Ano, tayo lang?" Tanong ni Andrea kaya tumango nalang ako bilang sagot.
Nagtungo nalang kami sa kabilang building sa Psychology Department. Sakto namang uwian na nila kaya nag antay nalang kami. Ilang segundo lang ay natanaw na namin ang lalaki na palabas na habang kausap ang isa sa mga kaibigan nito bago nagpaalam.
"Insan!" Tawag ni Andrea sa lalaki kaya agad namang nabaling ang tingin ng lalaki sa kinaroroonan namin.
"Huy, kanina pa ba kayo?" Tanong nya ng makalapit. "Hi, Alexander." Bati naman naman nito sa 'kin at nakipag kamay pa.
"Hello." Balik kung bati.
Pinasan na nya ang bag pack nya na kanina pa nyang bitbit. Sabay-sabay na kaming bumaba at nagtungo na sa parking area. We ride on Cedric's car. Dahil sya narin daw ang maghahatid sa amin pauwi.
Tahimik lang ako na nasa passenger seat habang nag uusap naman ang dalawa. Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila dahil parang may sarili silang mundo, hindi ako maka-relate. Inabot ko yung bag ko at kinuha ang yung cellphone ko. I opened my Social Media accounts to check it if there's have an important notifications. Nanood nalang ako ng mga videos sa Tiktok dahil bored lang ako sa byahe. Ewan ko ba kung saan kami pupunta dahil sa layo ng byahe.
"Okey ka lang ba jan sa likod?" Tanong ni Cedric habang nanonood ako at napatingin ako sa kanya. Nasa daan parin naman na ang tingin nya.
"Oo, okey lang ako rito." Sagot ko.
"Buti naman, saka malapit naman na tayo." Saad naman ni Andrea.
Mabilis naman na kaming nakarating sa patutunguhan namin. Tumingin muna ko sa labas bago bumaba ng kotse. Naka casual naman kami ng suot kaya hindi na namin kailangan pang magpalit pa.
Nauna nang pumasok sa loob ng resto si Ced at sumunod naman kami. Dati narin akong nagpunta dito pero marami narin ang nag iba sa lugar na ito. Naupo na kami sa may bakanteng mesa malapit sa glass window at dahil magdidilim na ay kita rin ang mga iba't ibang kulay ng ilaw sa gilid ng daan. Nang makaupo kami ay agad rin namang lumapit ang isa sa mga waiter at iniabot ang sa amin ang menu bago tuluyan ng umalis para malaya kaming makapili.
Ang pinaka gusto ko sa kainan na ito ay napakarami nilang luto sa sa menu including Lutong Bahay, Chinese food, Korean food and Filipino dishes. May mga dessert din dito. Kaya nang makapili at agad ko rin na tinawag ang waiter. Sinabi naman namin ang mga order namin kaya ng ma-take note na nya ang mga ito ay agad rin itong umalis.
We having a casual conversation about our days this lately. Ilang sandali lang ay dumating na rin ang order namin. Dahil gutom na raw 'tong babae ay nagsimula narin kaming kumain, and after it nagpunta pa kami sa kung saan-saan at napagdesisyunan narin naming umuwi narin dahil malapit ng mag alas-siete ng gabi.
Gaya ng sabi ni Cedric ay hinatid narin nya kami. Nauna akong ihatid ni Cedric dahil malapit naman dito ang dorm namin at madadaanan pa sa pag uwi nila.
BINABASA MO ANG
All I Want Is Love | COMPLETE
Romance| Boys' Love | Date Started: Feb. 18, 2024 Date Completed: Oct. 07, 2024