chapter 17

70 50 0
                                    

TW: Self harm, death

Alexander's POV:

A days past, ganon parin. Minsan may hindi pagkakaintindihan pero agad ding naayos. Nakakapanibago lang dito sa dorm kasi wala na sila Xy at Haze that makes Mavi happy. Diko alam sa ungas na 'to ang naiisip nya.

"Wag ganyan, ganito dapat para medyo may pagka-korean hairstyle." Saad ko habang sinusuklayan sya.

Nag ayos narin kami para makapasok narin sa school. Maaga rin kaming nagising dahil narin sa aga namin matulog. May kumatok sa pinto kaya agad napa baling ang tingin namin do'n.

"Bukas po yan!" Tawag ko kaya agad din 'yon nagbukas at pumasok si Tita Lorna.

"Aba, ang sweet naman nitong dalawa." Puna nito samin at naglakad sya at naupo sa sofa malapit sa kama namin kung saan kami nakaupo ni Mavi.

"Nakakapanibago lang na wala rito 'yong dalawa. Pero mas mabuti na 'yon para may privacy kayo." Sabi pa ni Tita Lorna.

"Oo nga po eh, wala nang maingay tuwing gabi." Sabi pa ni Mavi at napatawa nalang si Tita Lorna.

Ilang sandali pa ng pagkukwentuhan ay nakarinig kami ng ingay sa kusina kaya agad kaming nagtungo roon.

Nagulat nalang kami sa nakita ng makita si Tito Mel na nakahiga na sa sahig habang namimilipit sa sakit.

"Tumawag kayo ng tulong!" Agad na sigaw ni Tita lorna kaya taranta akong lumabas at nagsisigaw ng tulong habang si Mavi naman ay nakaalalay kay Tito Mel.

"Anong nangyare Alexander? Tanong ni Aling Berta na bumaba ng tricycle ng makita akong nagsisigaw nang tulong.

"Si Tito Mel inatake na naman sa puso." Sabi ko kaya agad na natapon ni Aling Berta ang basket na may gulay at agad na magtakbo papasok at sumunod rin si Manong Ben na asawa nya at sumunod naman ako.

Binuhat nila Mavi at Manong Ben si Tito Mel at agad na isinakay sa tricycle.

"Ako na ang sasama kay Tito Mel, dito kalang samahan mo si Tita Lorna." Bilin ni Mavi.

"Eh pano ako?" Tanong ko.

"Basta sumunod kana lang Alex at tawagan mo narin sila Haze at Xy." Sagot nito kaya tumango nalang ako at pinaandar na ni Manong Ben ang motor at mabilisang umalis.

Patuloy parin sa pag iyak si Tita Lorna habang hinihimasmasan naman nito ni Aling Berta para tumahan. Kinuha ko narin ang cellphone ko mula sa kwarto at agad na nagtipa ng tawag.

Buti naman at agad ding sunagot si Haze kaya dina ako nahirapan pa.

["Asan na Hospital isinugod?"] Tanong ni Haze sa kabilang linya.

"Sa Delarmente Hospital." Mabilis kung sagot.

"Sige, papunta narin kami jan." Huling sabi nito at agad na binaba ang tawag.

Sana okey lang si Tito Mel.

After a few minutes nakarating narin sila Haze sakay ng itim na kotse, sumakay narin kami roon at ni Tita Lorna at Aling Berta. Iyak ng iyak parin si Tita Lorna na syang pinapatahan ni Aling Berta. 'diko masisi kung bakit ganito nalang ang pagtangis niya.

Dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Haze ay agad rin kaming nakarating sa Delarmente Hospital at agad ding pumasok roon. Dumeretso kami sa registrar para itanong kung anong room na confine si Tito Mel at agad din namang sinabi ng nurse doon.

Nakarating sim kami sa sinabing room at nakita ko si Mavi sa labas ng kwarto sa may mga upuan kasama si Mang Ben na pinipigilan ang sariling umiyak.

All I Want Is Love | COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon