Chapter 24

41 24 4
                                    

Alexander's POV:

["Pero anak, may extra ka ba jan? Malakilaki rin ang bill ni Aljur e. Kulang pa yung sweldo ng papa mo kasi yung binigay mo nung nakaraan ginamit para sa tuition ni Cassandra."] Sabi ni mama.

May extra naman akong itinabi pero kailangan namin dalawa ni Mavi 'yon para sa itatayong bahay namin balang araw. Nagplano rin kasi kami na bago kami ga-graduate magkaroon na ng sariling bahay. Kahit yung maliit lang para lang samin.

"Kailangan naba talaga ma? Ano kasi wala pa akong ipon ngayon eh. Sa susunod na buwan pa. Kakabayad lang namin ng rent s dorm namin." Sabi ko. Sana maintindihan ni mama.

["Ganon ba anak? So hindi muna makakalabas ng hospital si Aljur. Pero hayaan mo na anak, wag mo nang isipin 'yon."] Basa ko sa boses ni mama ang pagkadismaya.

"Magano ba yung bill ma?" Tanong ko, baka sakaling hiramin ko muna yung itinabi namin ni Mavi.

[Nasa 20,000 anak."] Parang nahiya si mama nang sabihin 'yon.

Ano ba talagang nangyari kay Aljur at bakit gano'n nalang kalaki ang bill? It's make me scared. Nakakapag-alala.

"Sige Ma, hanapan ko ng paraan." Sabi ko at nagpaalam na.

Bumalik na ako sa trabaho at sakto namang may gagawin na si Cedric kaya nakabalik na ako sa ginagawa. Bukas na nga rin pala ang anniversary namin ni Mavi. 'Di ko alam kung ano ang magandang i-reregalo sa lalaking 'yon. Pero kasi, kailangan ko muna yung pera para sa regalo nya at kulang pa 'yon.

"Tulala tayo ngayon ah." Tanong ni Cedric na nasa harap ko na pala. Hindi ko napansin.

Binalingan ko naman sya ng tingin bago sumagot. "Ah ano lang, may iniisip lang." Sabi ko and forced a smile.

"Alam ko na 'yan, boyfriend mo na naman ba?" Pagkukumpirma nito.

Ayan na naman sya. Kahit sabihin ko pa kung ano ang iniisip ko hindi rin naman nya ako matutulungan.

Kamusta kaya si Mavi? Did he remember that tomorrow's our anniversary? Siguro nga naalala no'n. Hindi nya 'yon makakalimutan. May pasok kasi sya dahil kailangan nilang humabol. Kakaalis lang din ni Shane  para pumasok. Kami lang nila Cedric at iba pang mga staff ang andito. Kaninang umaga lang nagpunta si Tita Analia ngunit umuwi rin agad.

"Wala ka na bang ibang ginagawa? Nang aasar ka lang eh." Saway ko sa kay Cedric dahil kanina pa nya ako inaasar.

"Eto naman oh, hindi na mabiro." Tumawa pa ito.

"Ewan ko nga sayu, wala talaga kayung pinagkaiba ni Haze." Sabi ko nalang at itinuon nalang ang pansin sa umu-order na costumer.

"May pinagkaiba kami." Binalik ko ang tingin sa kanya. "Mas gwapo ako sa kanya. Sabi pa nito.

"Sus, mayabang." Sabi ko at di nalang sya pinansin.

Nang matapos ang trabaho ko ay maaga rin kaming nagsara. Medyo madilim narin naman kaya kailangan ko ng umuwi. Kanina pa ako nag aantay pero wala parin si Mavi. Maglalakad nalang ako pauwi ng dorm.

Parang nagsisi tuloy ako na tumanggi pa ako na sumabay kay Cedric. Edi sana hindi ako naglalakad ng ganito kalayo. Hindi ko naman inakala na mas malayo pala kapag lalakarin. Hindi ko naman matawagan si Mavi dahil naubos na ang load ko pantawag. Hindi rin naman sya online sa social media accounts nya.

"Ano ba! Bitawan mo ako sabi!"

Napatigil nalang ako ng marinig ang pamilyar na boses sa hindi kalayuan. It's that Shane? Hinanap ko yun kung asan galing ang sigaw na 'yon at nagulat nalang ako ng tama ang nakita ko. Si Shane na may kausap na isang lalaki na naka-jacket ng itim at may kasama pa 'yon na bumaba galing sa kotse.

All I Want Is Love | COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon