Chapter 26

53 24 18
                                    

ALEXANDER'S POV:

"Huy! Gising!" Pagsipa sakin ni Shane.
Nakaupo kami sa may gilid.

Nasa luma kaming bahay na hindi ako pamilyar kung asan nito. Naakatali ang kamay ko sa isang poste habang si Shane naman ay nasa tabi ko at ganon rin ang ginawa sa kanya. Ewan ko ba kung anong nangyayari dito.

"Bravo! Gising na sila." Sabi ni Tim at nagpapalakpak pa.

Wait his face, parang pamilyar talaga sya. Hindi, impossible. Nasa Batanggas ang taong hinihinala ko.

"Ano bang kahibangan 'to Tim?" Inis na tanong ni Shane ngunit nasa akin lang ang attention ni Tim.

"I remember you na. Ang laki na ng pinagbago mo. Hindi ko akalain na dito lang pala kita makikita." Sabi nito kaya nagtaka ako.

"Pinagsasabi mo?" Sabi ko.

"You didn't remember me? Siguro nga hindi na. Matagal na 'yon at Senior high palang tayo non. Grabe, nung makealam ka hindi kita agad nakilala. Alexander Miguel Chavez." Sabi nito kaya tumama ang hinala ko.

Sabi na nga ba, sya si Jerome Timothy Bradley. Pero panong napunta sila dito sa Maynila? Oo nga pala, may ka business partner ang papa nya dito kaya hindi kaya si Mr. Atienza 'yon? Possible nga.

"Magkakakilala kayo?" Tanong ni Shane habang palipat lipat samin ni Jerome ang tingin.

"Yup, he's my... Fubu." Nagulat ako sa sinabi ni Jerome.

Gusto kong kumawala para suntukin sya sa sinabi nya. Pero hindi ko kayang makawala. Mahigpit ang pagkakatali sakin kaya imposibleng makawala ako. What he said? A fubu? Tss, eh ni sex nga walang nangyari. How did he say it? Yup, I remember. Tungkol sa video issue namin dati, and it's edited. I mean pinagsamantalahan nya ako ng lasing ako pero naniniwala akong edited ang video na 'yon para makagawa sya ng pang blockmailed sakin.

"W-what?" Parang ayaw parin mag proseso sa utak ni Shane ang narinig.

The fvck, ewan ko sa taong 'to.

"May nang—!" nagulat kami pareho ni Shane sa nakita.

Bumagsak si Jerome sa sahig ng walang malay. Kaya nakita ko naman ang isang lalaking naka face mask na may dalang pamalo. I suddenly smiled ng alisin nya ang takip ng mukha nya. It's Mavi.

"Dumating ka." Buong galak na sabi ni Shane pero sa akin agad lumapit si Mavi.

Sinimulan na akong kalagan ni Mavi kaya agad akong tumayo at niyakap sya. I miss him.

"Sinong mga kasama mo—Mavi sa likod mo!" Huli ko ng masabi yon.

Gaya ng nangyari kay Jerome kanina ay napadapa nalang sa sahig si Mavi.

"Bobo ang puta. May pa knight in shining armor pa kayong nalalaman." Sambit ni Jerome matapos nitong hambalusin ng tubo si Mavi.

"Mavi!" Sabi ko nalang at pinipilit na gisingin sya.

"Ano na? Hindi nyo ako kakalagan?" Inis na sambit ni Shane pero nasa walang malay na si Mavi lang ang attention ko.

Lumapit si Jerome kay Shane kaya nagkaron ako ng lakas na loob na damputin ang kaninang tubo at walang pag-aalinlangang hinampas sa kay Jerome.

Namilipit naman sa sakit si Jerome kaya kinuha ko ang pagkakataong kalagan si Shane. Wala akong pake kung anong isipin nya. Kung iniisip nyang okey kami, nagkakamali sya. Gusto ko lang syang kalagan para matapos na 'to at makatakas na.

"T-thank you." Pasasalamat nito.

"Tumigil ka nga jan, hindi ko intensyon na tulungan ka. Kaya tumakas kana bilis, ako na ang bahala sa kay Jerome at Mavi." Bilin ko pero ang gaga ayaw pa sumunod. "Ano ba? Tatakas ka o ako mismo ang tatali sa 'yo ulit?" Diko na mapigilang mainis.

All I Want Is Love | COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon