I

1.2K 299 29
                                    

ELVIRA

"Gusto ko nga po kasi 'yon!" Nasa sala ako at abala sa pagta-type sa aking laptop nang marinig ko ang boses ni Adel. Tiningnan ko sila at pababa silang dalawa ngayon sa hagdan.

"Hindi nga pwede. Ilang beses ko ba 'yon sasabihin, Adel?" tanggi ni Mommy.

Bumalik ako sa ginagawa ko, lalo na't ipapasa ko na ito mamaya. It's past eight in the morning, and my class starts at 1:30 p.m. Siguro ay may hinihingi na naman si Adel. Kilala ko siya, mahilig sa mga materyal na bagay. Kung anong meron ang mga kaibigan niya, gusto niya ay meron din siya.

"Pero, Mommy! Gusto ko nga po kasi 'yon. Si Dianne nga ay meron na rin niyon!" tukoy niya sa kaibigan niya.

"Adel, 'di porke't mayaman tayo ay hindi na tayo magtitipid. Marami ka nang bags, 'di ba? Lahat 'yon ay bago pa, pero isang beses mo lang ginamit ay itatambak mo lang sa kwarto mo," saad ni Mommy.

"E, bakit si Elvira, meron?" Nahinto ako at bumalik ang aking tingin sa kanila nang banggitin ni Adel ang pangalan ko. "She has a bag that I want to buy, Mom. I saw that yesterday at our school! Bakit si Elvira lang ang binilihan mo?" may irita at halong inggit sa tono niya.

"I bought that bag with the money I saved from doing a part time job. Hindi ako humingi kay Mommy," mahinahon kong sagot.

"Ang sabihin mo, humingi ka lang kay Mommy, or maybe you used your special technique para maibigay ni Mom ang gusto mo. Aminin mo na kasi na kung anong gusto ko ay gusto mo meron ka rin."

Peke akong natawa. "Sorry, my dear sister. I'm not like you. Sino ba sa atin ang may gusto ng bagong bag dahil ang mga kaibigan niya ay meron din n'yon? Huwag mo akong igaya sa 'yo," I answered in a calm way.

Nanlisik ang kanyang mga mata. "Don't call me sister. Ampon ka lang at palamunin!"

"Adel!" sigaw ni Dad na kabababa lang. Iyon ang katotohanan, pero kahit ampon ako ay hindi ako palamunin. Lahat ng kabutihan, pag-aalaga at pagmamahal na binigay nila sa akin ay sinusuklian ko.

"Kailan ka ba titigil? Elvira is still your sister," tanong ni Dad.

"But she is not my real sister. Sino ba ang tatanggap sa kagaya niyang pulubi?"

Those hurtful words from her mouth prompted Dad to slap her hard. Pareho kaming nagulat ni Mommy. Napahawak si Adel sa pisngi niya, gulat na gulat ang kanyang mukha.

"You slapped me," she said in disbelief. Ito ang unang beses na pinagbuhatan siya ng kamay ni Dad.

"Dahil sumosobra ka na. Elvira has been nice to you, and she wants you to be her sister, pero bakit ganyan pa rin ang ugali mo?" he responded angrily. "You still have a bad attitude, you have been rude to her since you were young until now. I can't tolerate your behavior anymore, Adel. You're getting too much!"

'Yan din ang katanungan ko. Mula noon hanggang ngayon ay iba ang trato niya sa 'kin. Galit siya lagi sa akin na para bang malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, even though I'm nice to her. Wala akong ginagawang masama. Kahit ganyan ang ugali niya, kahit itrato niya ako na basura ay never akong gumanti.

She didn't hear any hurtful words from me. Ikinakahiya niya ako sa harap ng mga kaibigan niya. Pinagtatawanan at binubully. Kaya immune na ako sa mga masasakit niyang salita. I'm just an orphan, who wants to have a family. Is it bad to wish to have a family, that I can call my home and be my safe zone?

"Because I am your biological daughter. Elvira is not your real daughter, I should be your only daughter!" sikmat ni Adel. She even gave me a death glare, and I feel like I'm the person she doesn't want the most in her life. She hates me so much. Nasa kanya na nga ang lahat. Binibigay nina Mom ang lahat ng gusto niya. Pantay rin ang turing nila sa amin pero galit pa rin siya sa akin.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon