XXI

460 218 50
                                    

ELVIRA / LIORA

Narito ako sa hardin, taimtim na iniisip ang lahat ng mga nangyari. Isinasagawa na rin namin ni Deimos ang aming plano para hanapin ang ang kasama kong hinigop ng libro.

Si Lady Ruelle ay inutusan ko na asikasuhin muna si Davy dahil alam ko na nag-alala siya para sa aming kaibigan. Nakausap ko na rin si Davy at tinulungan ko siyang gamutin lahat ng mga natamo niyang sugat. Sa ngayon ay bumabawi muna siya ng lakas.

“Nandito ka na pala.”

Agad na gumuhit ang matamis kong ngiti nang dumating si Deimos. Bitbit niya ang aming armas dahil sinabihan ko siya na turuan akong gumamit ng ibang sandata bukod sa bow at arrow.

“Pinaghintay ba kita nang matagal?” kanyang katanungan.

Agad ko siyang inilingan. “Hindi naman gaano,” nakangiti kong sagot.

Just seeing him makes me smile. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin para magka-ganito ako. I will never get tired of staring at this man. Para siyang may dalang mahika dahil presensya lang niya ay napapangiti na ako agad.

“Handa ka na ba sa iyong pagsasanay, aking mahal?” nakangiti niyang tanong. Ang kilay niya'y nagsimula ring magtaas-baba.

I giggled. Mula nang aminin niya ang kanyang nararamdaman ay naging palangiti na rin siya. Pero ang ngiti niya ay sa akin lamang niya ipinapakita.

He also started to be clingy. Kahit saan ako magpunta ay naroon din siya. He didn't fail to make me fall in love with him even more. Lagi rin niya akong binibigyan ng paborito kong bulaklak. Deimos made me feel how much he loves me and how important I am in his life.

“Handa na po, aking ginoo.” I happily answered him.

Lumapad ang kanyang ngiti. Sinimulan na rin niya akong sanayin sa paggamit ng ibang armas bilang paghahanda ko na rin kung sakali man na dumating ang  kasawiang-palad na ipinakita sa akin ng mahiwagang ilog. Tiyak na ang mga kalaban ay naghahanda na para sa pakikipag-himagsikan laban sa aming kaharian.

It took a few hours bago natapos ang pagsasanay. Pareho kami ni Deimos na tumingin kay Leone na parating.

“Commander, ipinapatawag ka ni Haring Rowan sa King's Court,” ani Leone.

Oo nga pala, bumalik na si Deimos sa pagiging komandante ng Aurorian. I'm glad he's back in the high ranks. Siya rin ang pumalit sa tungkulin ni Duke Andreas.

“Sige na, baka may kailangan sa ‘yo si Ama. Dito lang muna ako,” sabi ko at tipid na ngumiti.

“Babalik din ako agad,” turan niya na aking ikinatango. Masuyo lang siyang humalik sa aking noo bago siya umalis kasama si Leone. Tamad pa akong bumalik sa aking silid kaya nagpasya muna akong manatili rito sa hardin habang nililinis ang aking bow at arrow.

“Elvira?”

Para akong napako nang may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko ito at laking gulat ko nang makita ko ang isa sa matalik kong kaibigan.

“Cleo!” Sa tuwa ko ay agad akong tumakbo palapit sa kanya.

“Paano ka napunta rito?” I asked.

“Napadaan lang ako, may importanteng inaasikaso. I didn't expect to see you here,” sagot niya kaya sa saya ko ay niyakap ko siya.

“Alam mo na ba napadpad tayo rito sa---”

“--- yes, I know. Napadpad ako sa Glacialis. Hindi rin ako magtatagal lalo na't limitado lang ang oras natin dito,” she cut me off. Oo nga pala, hinigop nga rin pala sila rito ngunit hindi ko alam kung ano ang task nila para makalabas sa libro.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon