XV

565 243 37
                                    

ELVIRA / LIORA

Inalalayan lang ako ni Deimos na makasakay sa kabayo bago rin siya sumakay at pumwesto sa likod ko.

"Mag-ingat kayo," ani Luminescent.

Tumango ako bilang sagot at nagpasalamat. Nagpaalam na kami bago kami umalis ni Deimos sa Mystwood upang bumalik na sa palasyo.

“Delikado ang ginawa mo kanina," basag ni Deimos sa katahimikan.

“Paano kung malagay na naman sa peligro ang buhay mo?”,

Alam ko na natakot ko siya kanina dahil sa ginawa ko. Mabuti na lamang ay nahatak niya ako at hindi ako nalunod. I also know that what I did earlier was too risky.

“Gusto ko lang naman malaman ang lahat,” nakayuko kong sagot.

Basang-basa ang buo kong katawan ngunit hindi iyon alintana ni Deimos. Wala rin siyang pakialam kahit na nababasa na rin ang suot niyang damit.

"Paano mo pala nalaman na lumabas ako ng palasyo?” tanong ko.

“Sinabi ko na sa iyo, lagi lang akong nakabantay sa ‘yo. Mabuti na lamang ay sinundan ko kayo ni Luminescent. Kung hindi kita agad iniahon ay baka naubusan ka na ng hangin,” mahinahon niyang sagot.

“Ano ba ang nais mong malaman? Ano ang mga nakita mo habang ika'y nasa Auron River?” pagtatanong niya.

Bahagya akong napapikit dahil sa pagtama ng mainit niyang hininga sa batok ko. Hindi ko maintindihan, kakaiba ang hatid niyon sa akin.

Ilang minuto rin akong hindi nakasagot. Mabagal lang ang lakad ng kabayo.

“Marami,” tipid kong tugon.

Hindi mawala sa isipan ko ang mga nakita ko habang ako ay nasa ilog. Ayokong paniwalaan na ako talaga si Liora at iisa lang kaming dalawa. Dahil doon kaya marami na namang katanungan ang naglalaro sa aking isipan.

How did I end up being her? I mean, nasa loob ako ng libro. Ang lahat ng mga nakasulat sa loob ng Shadows of Lumina ay kathang-isip lamang.

All the characters around me are just invented in fiction, but why did I become Liora? Ang lahat ng ito ay hindi totoo, ‘di ba? Ang Lumina ay hindi totoo, at mas lalong hindi rin ito nag-e-exist. Naguguluhan pa rin ako, nalilito sa mga nangyayari ngunit alam ko na kung paano ako nakarating dito.

Dahil iyon sa malakas na pwersa sa Nocturna at bumukas ang portal kaya nahigop ako papasok sa aklat, eubalit hindi pa rin sa akin malinaw ang lahat.

"Naririnig mo ba ako, Prinsesa Liora?”

I came to my senses when I heard Deimos' deep voice.

"May sinasabi ka ba?"

He sighed. “Ikaw ay aking tinatanong, ano ba ang mga bumabagabag sa iyo? Sabihin mo lang sa akin at baka ako'y makatulong.”

Nagdalawang-isip ako. Paano kung pagtawanan niya ako at hindi paniwalaan?

“Huwag na, baka hindi ka lang maniwala,” nakasimangot kong turan.

“Bakit hindi mo ako subukan? Kahit ano pa ang sabihin mo ay aking paniniwalaan,” hamon niya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko.

Ilang minutong nagtalo ang aking isipan. Namalayan ko na nga lang na nakarating na kami sa sikretong lagusan. Pagkababa ko sa kabayo ay humarap ako sa kanya at seryoso siyang tiningnan.

“Paano kung sabihin ko sa iyo na hindi ako si Liora?”

His forehead furrowed.

“Anong ibig mong sabihin na hindi ikaw ang prinsesa?”

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon