X

772 253 33
                                    

THIRD PERSON'S

“Nakakapangilabot ang nangyari. Hindi ko lubos akalain na siya'y mapapaslang sa loob ng kanyang tahanan,” salita ng ginang na may dala ng isang bilaong mga prutas.

Marami ang kinikilabutan. Nakapalibot din sila sa lalaking wala nang buhay. Marami itong malalim na sugat na halatang galing sa matalas na kuko.

“Kahit ako rin ay natakot. Kaya pala maraming mga Sentinel ang binawian din ng buhay habang sila'y nagpapatrol sa buong bayan. ‘Yon pala ay napasok ang ating bayan ng mga Erebos!” turan ng isa, halata sa mukha at tinig nito ang takot.

“Nakita nga iyon ng aking asawa habang sila'y nag-aani ng mga pananim. Nakakatakot daw ang kanilang itsura lalo na ang kasama nilang halimaw. Mabuti na lang ay nagtago sila,” sagot ng ginang sa kanyang kausap.

“Kung gayon ay Inferno ang nakita ng asawa mo! Dapat na tayong mag-ingat dahil pagala-gala na sila ngayon sa Silverbrook," sagot ng isa.

Sa kabilang dako, walang buhay na nakahiga sa sahig si Ahvi. Namumutla ang kanyang katawan, tila ilang araw na siyang hindi na humihinga.

Matapos niyang masaksihan ang dalawang pares ng pulang mata, at nakita ang isang demonyo na may itim na mahika ay bigla na lang siyang inatake sa puso.

Naging sanhi ito upang siya'y bawian ng buhay. At dahil siya lang ang mag-isang naninirahan sa kanyang tahanan ay wala kahit isa ang nakakaalam sa kanyang pagpanaw. Malamig at tahimik ang paligid, nababalot ito ng kakaiba at mabigat na awra.

“Gumising ka,” isang tinig ang bumulong, kasabay niyon ay ang pagmulat ng kanyang mga mata.

Himala at muli siyang nabuhay. Ang mata niya‘y naging pula, na nababalot ng itim at misteryosong mahika.

Mula sa mundo ng mga mortal, hindi matigil sa pag-iyak si Mabel nang malaman niya ang nangyari sa dalawa niyang anak. Pilit naman siyang pinapatahan ng kanyang asawa na si Leonard.

Nang malaman nila ang nangyari ay agad na rumesponde ang mga rescue team para hagilapin ang katawan nina Elvira at Adel. Pasalamat na lang sila ay nakita sa security control room ang nangyari sa dalawa, lalo na ang pagkahulog ng mga ito sa dagat.

Hindi sila lubos makapaniwala na magagawa ni Adel na tangkain na patayin si Elvira, kaya ganito na lang ang hinagpis ni Mabel. Pinaghahanap na rin nila kung sino ang tumulak sa mga anak niya.

Agad silang tumayo nang lumabas ang Doktor sa emergency room. Kasalukuyan silang nasa ospital kung saan nila sinugod ang kanilang mga anak.

“Kumusta po ang mga anak ko?” agad na tanong ni Mabel.

“Ginawa po namin ang lahat ng makakaya namin. But for now, the only thing we can do is pray. Let's pray that they both wake up,” malungkot nitong sagot. Her knees went weak and her tears began to fall.

“We also took some laboratory tests. Mukhang si Adel ay lulong sa pag-inom ng alak at gumagamit din siya ng ipinagbabawal na gamot.”

Nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi nila alam ang tungkol doon.

“Sigurado po ba kayo riyan, Dok?” tanong ni Leonard.

Tumango ang babaeng doktor kaya napaisip sila kung paano nangyari iyon. Wala silang kaalam-alam na naliligaw na pala ng landas ang kanilang anak na si Adel.

Hindi pa nga sila makapaniwala sa ginawa nito kay Elvira, dahil hindi rin nila lubos maisip na gagawa ng masama ang kanilang anak. Pati ang mga kaibigan nito ay pinagtulungan ang walang laban na si Elvira, And they sued them for what they did to her. Sa ngayon ay hawak na sila ng pulisya dahil may ebidensya silang hawak laban sa kanila.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon