XVII

506 241 22
                                    

ELVIRA / LIORA

“Bakit panay ang buntot mo?” nakasimangot kong tanong. Kanina ko pa napapansin ang panay na sunod ni Deimos sa akin.

Nagpasya ako na libutin ang palasyo. Ang mga utusan na babae ay naglilinis, habang ang mga mutsatso ay hinahanda ang mga magagandang bulaklak.

“Matapos ang nangyari sa iyo kanina, sa tingin mo ba'y hahayaan ulit kitang mapag-isa?” sagot niya.

“Ligtas na ako, nakayanan kong protektahan ang sarili ko,” mahinahon kong sabi.

“Hindi rin ako aalis sa tabi niya. Wala kang dapat ikabahala, ginoo. Hindi ba't dadalo ka rin para sa pagtitipon mamaya? Isa ka sa mga ginoo na sumali sa paligsahan,” salita ni Lady Ruelle kaya nahinto ako sa paglalakad.

“Sumali sa paligsahan?”

Tinanguan niya ako. “Bukod sa ipakikila ang hanay ng mga kasali ay may pagsubok ang magaganap sa mga ginoo. Maaari silang magkaroon ng kahila-hilakbot na karanasan habang ginagawa nila ang binigay sa kanilang hamon. Maaari rin silang magpakitang gilas kung gaano sila kagaling sa paggamit ng mga armas.”

“At sumali ka?" baling ko kay Deimos.

He nodded. “Sinabi ko na sa iyo na ikaw ay aking iniibig. Sa tingin mo ba ay papayag ako na ikaw ay mapunta sa iba?”

Nag-init ang aking pisngi habang si Lady Ruelle ay kinilig.

“Balita ko ay sumali rin si Ginoong Aldric,” ani Lady Ruelle. “Sigurado na siya at si Ginoong Deimos ang matitirang magkatunggali.”

Ngunit hindi ako papayag na si Aldric ang manalo. Iba ang pakiramdam ko sa kanya.


Sumapit ang gabi at ang buong palasyo ay napuno ng mga bisita para sa pagtitipon. Suot ko na ang damit na gawa sa magandang tela at ito ay estilong antigo.

“Napakaganda mo talaga. Tiyak na marami ang hahanga sa ‘yo mamaya,” nakangiting puri ni Lady Ruelle sa akin.

“Maganda ka rin naman. Baka mamaya ay makatagpo ka ng lalaking iyong iibigin,” wika ko dahilan upang mamula ang kanyang mukha.

I even gave her a sweet smile. Nakayuko siya at nahihiya. Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya. May kumatok kaya agad na binuksan ni Lady Ruelle ang pinto.

Niluwa niyon ang aking Inang Reyna. Napakaganda at elegante niyang tingnan sa kanyang kasuotan. Nasa likod lang niya ang mga lingkod niya. Agad niya akong nginitian nang makita niya ako. Lumapit siya bago niya ako pinagmasdan.

"Tunay na kaakit-akit ang iyong ganda. Tiyak na maraming mga binata ang mamamangha sa iyo mamaya,” wika niya na ikinangiti ko.

“Nagpunta ako rito upang sabay na tayo magtungo sa bulwagan. Handa ka na ba?”

Marahan akong tumango. “Opo, handa na po ako.”

Ngumiti siya sa aking sinagot. Ilang saglit ay nagtungo na kami sa bulwagan ng asembleyo. Ang mga Sentinel na nagbabantay sa buong palasyo ay agad nagbigay galang nang madaanan namin sila. Pati ang mga trained warriors ng Aurorium ay maganda ang suot nilang eskudo de armas. Halatang pinaghandaan nila ang gabing ito.

“Napakaganda ng pagkakasibol ng Aurora Tree,” salita ni ina.

Ang atensyon niya ay nasa isang direksyon kaya sinundan ko ito ng tingin. Dito sa pwesto namin ay tanaw ko ang Aurora Tree. Para itong cherry blossom, ngunit kumikinang ito sa ganda.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon