XIII

663 251 23
                                    

ELVIRA/ LIORA

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Parang ayaw kong paniwalaan na nasa katawan ako ni Liora ngunit iisa lang ang aming itsura.

Sumapit na rin ang gabi, narito na ulit ako sa aking silid dahil nga pinagbawalan akong lumabas. Nawala lang ang atensyon ko sa salamin nang may kumatok bago bumukas ang pinto.

Pumasok si Lady Ruelle na may bitbit ng isang tray ng pagkain. Kasunod niya ang isa babaeng lingkod na may bitbit na damit. Lumabas din agad siya matapos niyang ilapag sa aking kama ang damit pantulog.

"Kumain ka muna, pagkatapos ay pwede ka na maligo sa banyera,” ani Lady Ruelle.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Hindi pa ako nakakapag-hapunan kaya nakaramdam ako bigla ng gutom nang maamoy ko ang mabangong aroma galing sa mga pagkain.

"Mayroon ka bang alam na pwede kong mahingian ng tulong?” Hindi na ako nagdalawang-isip na magtanong.

"Mahingian ng tulong? Para saan, Prinsesa Liora?"

"Para sa aking problema."

"Anong problema ang iyong dinadala? Maaari mo sa aking sabihin, baka ako'y makatulong."

Nasa tinig niya ang pagiging malasakit.

I shook my head and sighed.

Hindi rin naman niya maiintindihan kahit na sabihin ko pa sa kanya ang gusto kong sabihin.

"Hindi mo naman kailangan na sarilihin ang mga gumugulo sa iyong isipan. Maaari mo rin sa amin itong ibahagi para ika'y aming tulungan. Lalo na ang iyong ina, huwag lamang kay Dukesa Sidony.”

Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sa kanya tuwing nadadawit ang pangalan ni Dukesa sa aming usapan.

"Ano bang meron sa kanya? Bakit ganyan na lamang ang iyong tinig at tila may kinikimkim kang galit?"

Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay nahuli ko pa rin kung paano dumaan ang takot sa kanyang mga mata.

"Patawad, ngunit hindi mo na po siguro kailangan malaman ang tungkol ---"

"--- nais kong malaman. Sabihin mo sa akin, may hidwaan ba sa pagitan ninyong dalawa?" putol ko sa kanya.

Malalim siyang bumuntong-hininga.

"Dahil siya po ang nag-utos sa asawa niyang si Duke Andreas na magpataw ng mabigat na parusa sa aking magulang," aniya na nagpakunot sa aking noo.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Nag-angat siya ng ulo at nagsalubong ang aming mga mata. Ang mata niyang puno ng galit at pighati.

"Matagal ko na itong kinimkim at nilihim dahil ayoko na malaman niya na ako ang anak ng pinaslang nila.”

Hinawakan ko ang kamay niya, hinatak at magkatabi kaming naupo sa upuan.

"Sabihin mo sa akin ang lahat, huwag ka sa akin magsisinungaling. Ano ang ginawa nila sa magulang mo?” aking katanungan.

"Bago ako pumasok sa pagiging lingkod ay payapa muna kaming naninirahan sa bayan kasama ang aking magulang. Minsan lang din umuuwi sa bahay ang aking ina dahil isa siyang lingkod sa palasyo. Ang aking ama ay may maliit na sakahan at ito ang aming hanapbuhay sa Silverbrook," panimula niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit isang araw ay nagmamadali na umuwi ang aking ina sa aming tahanan. Nag-usap sila ng aking ama sa kanilang kwarto. At dahil sa kuryusidad ko ay palihim ko silang pinakinggan. May nalaman ang aking ina tungkol kina Dukesa Sidony at Duke Andreas. Narinig ko na may masama silang binabalak na pwedeng magpahamak sa buong kaharian,” she added.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon