III

1.1K 268 33
                                    

THIRD PERSON'S

SHADOWS OF LUMINA
KABANATA XVII | Pahina 315
By: Mortimer Graves

Maayos na sinuot ni Liora ang itim niyang balabal na gawa sa maganda at mamahaling tela. Ito ang lagi niyang sinusuot tuwing lalabas siya ng palasyo. Sinusuot niya rin ito upang itago ang kanyang itsura, lalo na ang taglay niyang kariktan. Isa siyang prinsesa ng Aurorium. She is the youngest and only princess of King Rowan and Queen Mallory, but she is cursed by someone she doesn't know. Ilan lang ang nakakaalam ng kanyang sekreto, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kasagutan kung bakit nga ba siya sinumpa.

Sino ang may gawa nito sa kanya? Gusto niyang alamin kung sino nga ba ang sumumpa sa kanya. Mahilig din si Liora sa pagbabasa ng libro at marami na rin siyang nabasa, ngunit kahit isa ay wala siyang nahanap na sagot kung paano maglalaho ang kanyang sumpa.

Tuwing tinatanong niya ang kanyang ama't ina tungkol sa kanyang sumpa ay tikom lagi ang kanilang bibig. Tila may tinatago silang lihim na hindi niya maaring malaman. Akala tuloy ng mga Lumins na siya ay may malubha at nakakahawang sakit, kaya't hindi siya pinahihintulutan ng kanyang Amang Hari at Inang Reyna na lumabas ng palasyo.

Hindi rin siya dumadalo tuwing may nangyayaring espesyal na kaganapan sa kanilang kaharian. Tanging mga libro, bulaklak at ang paborito niyang bow at arrow ang lagi niyang kasama. Bukod sa kanyang kwarto at silid-aklatan ay wala na siyang ibang pinupuntahan pa. Tanging ang mga nakatatanda niyang kapatid na sina Prince Eiran at Prince Hael lang ang pinapayagan na makalabas.

Pero sa pagkakataon na ito ay muli siyang lalabas ng palasyo kahit alam niyang bawal at maaaring may panganib na naghihintay sa kanya, lalo na ang may madilim na pwersa, na nagnanais na sakupin at sirain ang kanilang payapa at magandang Aurorium. Humugot si Liora ng malalim na buntong hininga bago siya nagpasyang lumabas na sa kanyang silid. Tahimik at madilim ang paligid dahil kanina pa lumubog ang araw. Naghihintay na rin sa kanya si Ahvi, isang magaling na manghuhula na matatagpuan sa bayan ng Aurorium, ang Silverbrook.

Nakilala lang din niya si Ahvi dahil sa naririnig niyang kwento na may magaling na manghuhula sa Silverbrook. Gamit ang palad o ang paborito nitong mga baraha ay kaya nitong basahin ang mga mangyayari sa hinaharap. Kaya agad niyang inutusan ng patago si Davy, tapat at malapit niyang kaibigan upang ipadala ang sinulat niyang liham para kay Ahvi.

Nakasaad doon na siya'y nakatakdang umalis sa ganitong oras upang magpahula sa kanya. Mayroon din 'yon na patunay na sa kanya galing ang liham para maniwala ito, kaya labis ang kanyang tuwa nang makatanggap siya ng kasagutan at sinasabing maghihintay ang manghuhula sa kanya.

"Your Royal Highness?"

Hindi pa nakakalayo si Liora pero agad niyang marinig ang pamilyar na boses. Nilingon niya ito at nakita ang kanyang lingkod na babae na higit niyang pinagkakatiwalaan, si Lady Ruelle. Bitbit nito ang kanyang mga damit na nilabhan kanina.

"Saan ang 'yong punta? Bakit suot mo ang iyong paboritong balabal?"

Mabilis na sinenyasan ni Liora si Lady Ruelle na huwag maingay. Ayaw niya na maudlot ang pag-alis niya ngayon.

"Hinaan mo ang iyong boses, baka marinig tayo ng mga Sentinel."

Nangunot ang noo ni Ruelle. Sabay rin silang dalawa na luminga sa paligid dahil baka may mapadaan na mga bantay.

"Huwag mong sabihin na ika'y aalis na naman?"

Wala siyang tinatagong lihim kay Lady Ruelle. Alam nito na siya'y lumalabas tuwing sasapit ang dilim, lalo na kapag mahimbing nang natutulog ang kanyang ama't ina.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon