IV

1K 267 49
                                    

THIRD PERSON'S

SHADOWS OF LUMINA
KABANATA XVIII | Pahina 318
By: Mortimer Graves

"Commander Deimos," sambit ni Lady Ruelle at yumuko bilang paggalang kay Deimos.

"Patawad, prinsesa. Parurusahan po ako ni Commander Deimos kapag hindi ko sinabi kung saan ko dadalhin ang mga kabayo," ani Davy.

"Huwag kang humingi ng tawad, wala kang kasalanan," sagot ni Liora at hinarap si Deimos.

Kaya pala maraming mga kabayo, nandito rin ang ilan sa mga kapwa niya kabalyero habang suot nila ang kanilang eskudo de armas.

"Hindi ba't pinagbabawalan ka na lumabas?" tanong ni Deimos.

"May mahalaga lang akong pupuntahan. Ito na rin ang huli kaya hinihiling ko na sana'y huwag mo akong pigilan. Nakikiusap din ako na huwag mo itong ipaalam kina ama."

"Pero delikado kung nasa labas ka."

"Sa Silverbrook lang ako pupunta, makipagkita lang ako sa manghuhula."

"Pero paano kung malaman ng mga Erebos na lumalabas ka? Alam mo na hindi ka rin maaaring abutan ng sikat ng araw." Nasa tinig nito ang pag-aalala.

Erebos, 'yon ang tawag sa may madilim na pwersa. Sila ang nagnanais na manakop at maghasik ng kasamaan sa Aurorium.

Madalas silang nagtatago o naninirahan sa dark forest, ang Alameth Forest. Naririnig lang niya noon na ang mga Erebos ay dating Lumins na nakagawa ng malaking kasalanan ngunit sila'y sinumpa at pinarusahan ni Bathala.

Ngunit sigurado sila na may namumuno sa mga Erebos at tiyak na isa itong demonyo na nagnanais na angkinin ang trono ng kanyang ama.

"Alam ko na delikado pero pangako, hindi na ulit ako lalabas. Kailangan ko lang talagang makausap si Ahvi."

Ilang minutong nagtalo ang isip ni Deimos. Tiyak na siya rin ang mananagot kapag hinayaan lang niya ang prinsesa na lumabas.

Pero nakikita niya sa ginintuang kulay kape nitong mata na desidido ito. Ang mata niyang nakakaakit tingnan at nangingislap sa ganda, na para bang nagniningning tulad ng araw at tila sumisimbolo ng pag-asa.

"Alam n'yo na walang sinuman ang maaaring tumutol sa aking kagustuhan, 'di ba?" seryosong salita ni Liora. Umayos ng tayo ang mga Aurorian, ganun din sina Lady Ruelle at Davy.

Huminga ng malalim si Deimos.

"Sasamahan ka namin sa pupuntahan mo. Bilang isang komandante ng Aurorian, at 'yong tagapagtanggol ay nararapat lang na samahan kita kahit saan ka magpunta "

Deimos swore that he would protect the princess at all costs. Kahit pa na mamatay siya. They all swore that they would keep the princess from harm.

"Sige na, sumakay na kayo sa mga kabayo. Sasamahan natin ang prinsesa sa kanyang pupuntahan," seryoso niyang utos kaya tmalima ang mga Aurorian.

"Maghintay ka rito. Kapag hindi kami nakabalik bago sumikat ang araw ay magsabi ka kay Leone na puntahan kami sa Silverbrook," utos niya kay Davy.

"Masusunod po," sagot ni Davy.

Tinutukoy nito si Leone, ang kanyang second-in-command. They are also the elite warriors who are selected and assigned to protect him.

Tinulungan siya ni Deimos na makasakay sa kanyang puting kabayo, kaya ngumiti si Liora at nagpasalamat. Mayamaya ay agad rin silang umalis patungo sa bayan.

Ilang minuto ang kanilang nilakbay hanggang sa nakarating sila sa Silverbrook. Tahimik subalit malamig ang paligid. Bawat bahay na kanilang nakikita ay nakasarado ang mga bintana at pinto. Tanging mga crystal pole light lang ang nagbibigay liwanag sa paligid nila.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon