XIX

423 226 35
                                    

ELVIRA / LIORA

Dahil sa nangyari ay ipinagpaliban muna ang paligsahan. Agad din na pinauwi ni Ama ang lahat ng mga bisita, lalo na ngayon ay may nakapasok na namang mga Erebos at hindi pa rin alam kung sino ang taksil. Para sa kaligtasan ng kapatid ni Davy, naisipan namin na dito muna siya sa palasyo manatili.

“Magpapautos ako na halughugin ang buong kaharian upang mahanap kung saan ang kuta ng mga kalaban,” seryosong turan ni Ama.

Kami na lang ang mga naiwan dito sa bulwagan habang siya ay nakaupo sa kanyang trono.

“Huwag kang mag-alala, aking kapatid. Inutusan ko na rin agad ang ating mga kawal na maghigpit lalo sila sa pagbabantay sa buong Aurorium,” ani Duke Andreas.

“Hindi lang dapat mga kawal ang utusan, kailangan malaman natin agad kung sino ba talaga ang huwad,” I said weakly.

I felt Deimos' eyes looking at me. He was right next to me, as well as Lady Ruelle. Umiiyak siya dahil sa nangyari sa kapatid ni Davy.

“Huwag mong alalahanin ang mga nangyayari. Nag-utos na ako para imbestigahan kung sino ang nagpapasok ng mga Erebos,” mahinang salita ni Deimos.

I looked at him. “Sino ang inutusan mo?”

“Si Leone.”

“Pero siya ang nakaisip na sibakin ka sa pwesto. Alalahanin mo na siya ang pumalit sa iyong pwesto kaya nawala ka sa ‘yong mataas na ranggo.”

“Ipapaliwanag ko sa ‘yo mamaya.”

Hindi na ako umimik kahit na kating-kati na ang aking bibig na magtanong. Natapos na si Ama na i-pulong lahat ng kanyang mga tapat na kawal, pati ang mga konseho kaya nagsagawa na sila ng plano para hulihin at hanapin kung saan ang kuta ng mga kalaban.

“Sige na, anak. Pumanhik ka na sa iyong silid at kami na ang bahala ng iyong ama at mga kapatid na lutasin ang problemang ito,” turan ni ina habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok.

Tango na lamang ang sinagot ko. Wala naman akong magagawa dahil tiyak na hindi nila hahayaan na sumali ako sa paghahanap sa mga kalaban. Matapos kong magpaalam ay agad kaming umalis nina Deimos at Lady Ruelle.

“Sabihin mo sa akin, bakit si Leone ang inutusan mo?” tanong ko kay Deimos nang makalabas na kami sa bulwagan.

“Wala kang dapat ipag-alala, hindi kalaban si Leone,” sagot niya.

“Subalit---”

“Tapat kong lingkod si Leone. Pinagplanuhan talaga namin na ako ay aalis sa pagiging isang komandante upang imbestigahan namin ang mga nangyayari sa Aurorium bago pa kami bumalik dito sa kaharian. At para na rin bantayan kita nang husto,” putol niya.

“Hindi kita maintindihan, ano ang ibig mong sabihin?”

Nakarating kami sa aking silid kaya sinara lang ni Lady Ruelle ang pinto.

“Sa una pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko kina Duke Andreas. Iba rin ang kinikilos ni Aldric, kaya palihim akong nag-utos na imbestigahan sila. Hanggang sa nabalitaan namin na may ginagawa sila habang kami ay nasa gitna ng pakikipaglaban upang protektahan ang ilang nasasakupan ng iyong ama,” pagkukwento niya.

“Habang nasa gitna ng pagsasanay ang dalawa mong kapatid ay tinangka silang lasunin ni Aldric upang hindi sila buhay na makabalik sa palasyo?” dagdag niya na nagpangilabot sa akin.

“Mabuti na lamang ay hindi iyon natuloy dahil isa sa mga tapat na Noble Guardian ang nakakita niyon. Pasalamat na lang din tayo na matalino sina Prinsipe Eiran at Prinsipe Hael kaya hindi nila ininom ang tubig na may lason.”

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon