II

1.1K 288 69
                                    

ELVIRA

Pagkatapos ng klase ay tumungo ako sa school locker para ilagay roon ang ilan kong mga gamit. Hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Buti na lang ay sanay na ako. Hindi tulad noon na halos ayokong pumasok dahil pinagtitinginan ako ng mga tao.

Is it because I belong to the Anderson family? And they all know me as an adopted child? Sa sobrang sama ng ugali ni Adel ay pinagkalat niya na ampon ako. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin dahil sa nagmamadali ako.

I am studying at one of the most well known universities in the country, ang Edenbrook University. Kasalukuyan akong nag-aaral sa kursong Bachelor of Secondary Education. Graduating student na ako, kaya todo na ang pag-aaral ko.

Palapit pa lang ako nang makita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa tapat ng locker ko. He was wearing a black hoodie jacket, so I couldn't see his face. Malakas siguro ang pakiramdam niya dahil agad niyang napansin ang presensya ko.

"Wait!" sigaw ko pero huli na.

Tumalikod na siya at mabilis na umalis. Sinubukan ko pa siyang habulin pero hindi ko na siya naabutan. Para siyang isang bula na bigla na lang naglaho sa paningin ko. Mabilis kong nilapitan ang locker ko at binuksan 'yon.

I saw a white rose. Galing ba ito sa lalaking 'yon?

Araw-araw akong nakakatanggap ng mga bulaklak mula sa hindi ko kilalang tao. Ilang beses ko na rin nakikita ang lalaking 'yon sa tapat ng locker ko. Kapag nahuhuli ko siya na nasa tapat ng locker ko ay basta na lang siyang aalis.

I was curious about who he was, but I wasn't given a chance to know him. Hindi ko pa nga nakikita ang kanyang itsura. Bagsak na lang ang balikat ko bago ko inilagay lahat ng mga gamit ko sa loob ng locker. Dumiretso na ako sa school canteen, kung saan magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko. Minsan ko na lang din sila makita dahil busy kaming apat sa pag-aaral. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko sina Lavender at Gabbie, pero wala pa si Cleo.

Sila ang mga kaibigan ko mula sa bahay ampunan pa lang kami. Sa kabutihang palad, hindi nawala ang koneksyon naming apat sa isa't isa. Dahil na rin sa ang mga kumupkop sa amin ay magkakilala. That's why they also study here in a famous elite school.

"Saan galing 'yan?" tanong ni Gabbie na nakatingin sa hawak kong rosas.

"As usual, galing sa lalaking nakasuot ng black hoodie jacket."

They knew about the guy in the black hoodie jacket. Naikuwento ko na 'yon sa kanila. I don't know if he is a secret admirer, but I haven't received any love letters from him. Siguro ay trip lang niya na maglagay ng bulaklak sa locker ko? O sadyang alam niyang mahilig ako sa mga bulaklak?

Mayamaya ay dumating na rin si Cleo. Nag-usap lang kami kahit abala at seryoso si Lavender sa pagbabasa ng hawak niyang libro. Ang Shadows of Lumina. One of the top best selling books, but the author is unknown. Wala ring nakasulat na pangalan niya sa libro na iyon kung 'di ang Mortimer Graves lang.

Buti pa si Lavender, may time na basahin 'yon. Hindi ko pa kasi iyon tapos basahin dahil tambak lagi ang pinapagawa sa amin. Bukod sa mga project na kailangang ipasa ay may Teaching Demonstration na rin kami. Malapit na rin kami mag-OJT.

"Who is your favorite character anyways?" tanong ni Gabbie. Sumagot naman si Cleo. Pero kung ako ang tatanungin kung sino ang paborito kong character sa Shadows of Lumina? Iyon ay si Liora Celestia. A cursed princess. Siya ang bida, that's why I like her. Apart from that, we also have similarities. Ewan, gusto ko talaga ang karakter niya.

Umorder na ako ng makakain dahil gutom na ako. Habang kumakain at nagkukwentuhan kasama ang mga kaibigan ko ay hindi ko sinasadya na mapatingin sa kabilang table. Nahagip ng mata ko si Adel, kasama ang mga kaibigan niya. Masaya silang nagtatawanan, but Adel's eyes were on me. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa paraan ng tingin niya. Nakaakbay sa kanya ang boyfriend niya. Even her boyfriend was also staring at me and gave me the creeps when he gave me a goofy grin. Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pa siya nakikipagkaibigan sa mga taong peke at maaaring makasira sa kanya, lalo na sa kinabukasan niya. They are bad influences, kaya pati si Adel ay naimpluwensiyahan na rin nila. Kung anu-ano na ang natutunan niya.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon