XVI

473 239 18
                                    

ELVIRA / LIORA

Upang magkaroon pa ako ng kaalaman tungkol sa Lumina, lalo na sa Aurorium ay nagtungo ako sa silid-aklatan. Hindi na rin ako nagpasama kay Lady Ruelle. Basta na lang akong umalis sa silid ko matapos kong maligo at kumain ng agahan.

Hindi ko rin alam kung paano ako nakarating sa silid-aklatan, para bang may sariling isip ang dalawa kong paa kaya alam na alam nito kung saan nito matatagpuan ang lugar na nais kong puntahan.

Uwang pa ang aking bibig nang makapasok ako sa loob. Sobrang laki ng silid-aklatan, marami rin akong nakitang iba't ibang klase ng libro. Mas namangha pa ako dahil ang mga nakasabit na larawan at kuwadro ay tila may sariling buhay dahil gumagalaw ang mga ito.

May hagdan paakyat sa itaas dahil may mga libro rin doon. Sa itaas ay nakasabit ang maganda at kumikinang na aranya na gawa sa kristal.

"Ikaw pala, mahal na prinsesa."

Nilingon ko ang nagsalita.

Isang nakangiting babae. Sa tingin ko ay siya ang katiwala ng aklatan. She bowed her head as a sign of respect.

Nakapagtataka dahil sa lawak at laki nitong silid-aklatan ay siya lang ang nakita kong nandito. Marahil ang lahat ay abala sa bulwagan ng asembleyo para sa pagtitipon mamayang gabi.

"May nais ka po bang basahin?" tanong niya.

Tipid ko siyang nginitian. "Oo. Mayroon ba kayong aklat tungkol sa Lumina at sa Aurorium?" malumanay kong sagot.

Tinanguan niya ako. "Sandali, ako na ang kukuha ng aklat na iyon."

Nagpasalamat ako sa kanya.

Tumalikod na siya kaya hinintay ko lang siyang bumalik. Mataas ang raketa ng mga libro. Upang maabot ang mga libro ay kailangang gumamit ng akyatan na gawa sa matibay na kahoy. Makulay rin ang paligid, maganda at ang sarap tumambay rito dahil payapa at tahimik.

"Heto na po ang 'yong hinahanap, mahal na prinsesa."

Bumalik ang atensyon ko sa katiwala ng aklatan. Inabot niya sa akin ang libro kaya muli akong nagpasalamat.

Nagtungo ako sa tagong bahagi. Naupo ako sa sahig bago ko buklatin ang libro. Nakasulat din doon ang Emperyo ng Lumina.

Isa-isa kong nilipat ang pahina, maigi kong binasa ang mga nakasulat. Halatang sulat-kamay ito, malinis, maayos at kursiba ang ginamit kaya maganda ang porma nito.

Ang Emperyo ng Lumina ay binubuo ng Empire's Royal Family. Pinapangunahan nina Emperor Caius Aurelian at Empress Elenora Aurelian. Ang Lumina ay binubuo ng apat na Kingdom. Ang Pyropolis, Nocturna, Aurorium at Glacialis.

"Wow..." I couldn't help but be amazed when I saw the photographs in the book. Ito pala ang itsura ng Aurorium. Hindi ko pa kasi ito maayos na nakikita, ngunit sa pinapakita sa libro ay nakakamangha pala ang ganda nito.

It is a vast land and it is breathtakingly beautiful. There are mountains and many beautiful and magical forests. Pinakita rin sa akin ng aklat ang mga imahe ng mga malinis na ilog. Kilala rin ang kaharian dahil sa mga landmark at monumento nito.

Matatagpuan din sa Aurorium ang iba't ibang klase ng mga medicinal plants at mga magagandang bulaklak. Bukod sa pagiging mayaman sa ginto at mga fruit crops, mayaman din sila sa mga armas.

A magical barrier surrounded the entire Aurorium to be safe from dark forces. Marami pa akong nabasa tungkol sa Celestia family, lalo na ang mga mahahalagang tao na nakapaikot sa kanila. Nais kong malaman ang iba pang nakatago bukod mga nabasa ko sa aklat.

Everything around me is full of mystery and magical beings, but also deceitful ones. Hindi ko alam kung sino sa mga nakakasalamuha ko ang totoo at kalaban. Mas lalong kung sino ang dapat kong pakinggan at paniwalaan.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon