VIII

831 257 25
                                    

ELVIRA / LIORA

I was afraid that I might not wake up again, but what scared me more was that I was not in my own room. I was also lying on a soft bed when I woke up.

Everything is different, it's like I'm stuck in ancient times. Ang mga gamit ay antigo ngunit napakaganda at matibay dahil kulay ginto ang mga ito.

All I know is that I was on the Lumina Cruise, dumalo sa birthday party ni Almira. But Adel came and she tried to kill me. Sumali pa ang mga kaibigan niyang bad influence para gawan ako ng masama. We both fell into the sea because someone pushed us but unfortunately, I didn't see who it was.

I even remember how I was slowly running out of air. The pain was still in my chest bago ako nalunod. I couldn't get out, even though I wanted to scream and ask for help. Tanda ko ang naramdaman kong enerhiya na humatak sa 'kin at parang gusto akong dalhin sa pinakailalim ng dagat.

Pero nagising akong nasa ibang lugar na. Naalala ko 'yung babae, pati na rin ang mga halimaw na tila gusto akong patayin. Lahat ng iyon ay alam kong hindi panaginip.

Nawala ang iniisip ko nang bumukas ang pinto. Pumasok ang babae na may dalang basin at bimpo.

Hindi ko siya kilala pero natatandaan ko ang kanyang mukha. Siya ang babaeng nakita ko nang imulat ko ang aking mata at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa gubat na. Nanlaki ang kanyang mata nang makita niya akong gising.

"Gising ka na pala, prinsesa!" masaya niyang sabi.

Mabilis niyang inilapag ang hawak niya sa lamesa bago siya lumapit sa akin. Naluluha niyang hinawakan ang aking kamay.

"Masaya ako na gising ka na. Akala namin ay mawawala ka na.”

"Anong nangyari? Sino ka?"

I don't even really know her. The clothes she was wearing were different but elegant. It is a floor-length gown and is visibly made of luxurious fabric such as satin or silk.

"Hindi mo ba ako naaalala?"

Nagkasalubong ang aking kilay bago ako marahan na umiling.

"Nasaan ba ako? Bakit tinatawag mo akong Prinsesa Liora?"

Tinangka kong bumangon pero kumirot ang aking tiyan. Tinanggal ko ang kumot na nasa katawan ko at kinapa iyon. May benda ito.

"Huwag ka munang babangon. Hayaan mo muna ang iyong sarili na mabawi ang iyong lakas. Malalim ang sugat mo. Ang ginamit na punyal ng Erebos ay may lason at lubha itong nakamamatay," kwento niya.

"Erebos?"

Naupo siya sa gilid ng kama.

"Wala ka ba talagang naaalala?" nangangamba niyang tanong.

Muli akong umiling.

"Huwag mo naman sana akong biruin, Prinsesa Liora."

"Mukha ba akong nagbibiro?" seryoso kong tanong.

"At isa pa, hindi ako si Prinsesa Liora. Ako si Elvira," paglilinaw ko.

Ilang segundo siyang hindi nakaimik bago niya mahinang tinawanan ang aking sinabi.

"Ano ang iyong pinagsasabi? Ikaw si Liora Celestia, may dugo kang bughaw dahil ikaw ang anak nina Reyna Mallory at Haring Rowan. Dito ka na isinilang at lumaki sa kaharian ng Aurorium."

This time ay ako naman ang tumawa.

"Wala ako sa Aurorium, panaginip lang ang lahat ng ito. Isang malaking kabaliwan kung nasa libro ako ng Shadows of Lumina. Ako si Elvira at hindi si Liora.”

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon