XXII

401 209 19
                                    

ELVIRA / LIORA


It's been two days mula nang makausap ko si Cleo. Iyon na ang una at huli naming pag-uusap. Sana ay mahanap din nila ang daan palabas sa mundong ito. Now the day has come; ang araw na pag-iisang dibdib namin ni Deimos.

Suot ko ang magandang damit na talagang bagay sa akin. Wala rin namang lunas sa aking sumpa. Para akong may sakit at may taning na ang buhay. Marahil ay binalik ako sa aking nakaraan upang malaman kung paano ako bawian ng buhay.

Kaya pala sa huling pahina, noong binasa ko ang Shadows of Lumina ay nabasa ko na binawian ng buhay si Liora. ‘Yon pala ay buhay ko rin ang mawawala dahil sa pagmamahal ko.

Wala na akong choice.

I'd rather find a way out of here than be stuck. Tama ang sinabi ni Deimos sa akin, masalimuot ang mga nangyari sa akin dito. Maybe I will have a good life in the other world where I am resurrected as Elvira. Habang humihinga pa ako ay gagawa ako ng paraan para makalabas sa Lumina.

“Handa ka na ba, aking prinsesa?”

Nilingon ko si ina. Tapos na akong ayusan at ngayon ay handa na kaming magtungo sa bulwagan kung saan gaganapin ang aming kasal.

Ngumiti ako. “Handa na po ako, Inang Reyna.”

Mapait lang din siyang ngumiti. Alam kong nalulungkot siya at natatakot. Anumang oras ay pwede akong mawala sa kanila. Anumang oras ay pwede akong mawalan ng hininga.

“Halina‘t magsisimula na ang seremonya ng kasal,” aya niya.

Tango ang sinagot ko. Nagtungo na kami sa bulwagan ng asembleyo kung saan ang lahat ay imbitado. Mayamaya lang ay nagsimula na rin ang seremonya. My gaze was only focused on Deimos as I walked down the aisle.

Hindi ko talaga sukat akalain na makikita ko ang unang lalaking minahal ko. Masakit lang sa akin dahil pinagtagpo nga kami, ngunit hindi itinadhana na magsama ng matagal at maging masaya.

Noong una ay tinangka pa ni Ama na tumutol nang malaman nila na mamamatay ako kapag nagmahal ako. But it's too late. I am completely in love with Deimos and no one can stop my feelings for him.

Mas mabuti na rin na sulitin ko na ang masayang araw ko na kasama ang mahal ko sa buhay bago ako mawala sa Lumina at bumalik sa totoo kong mundo.

Nang tuluyan akong nakalapit ay agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang braso bago kami masayang humarap kay Saintess Asteria dahil siya ang may kapangyarihan na magpakasal sa amin.

Kami ay nagkaroon ng tipan at nangako na magiging tapat dahil sakramento ang kasal. Tunay at walang hanggan ang aming pagmamahalan. Hindi ito magbabago kahit pa na bumalik ako sa tunay kong mundo.

I stared at Deimos. “Mamahalin pa rin kita hanggang sa aking kamatayan,” I said almost in a whisper but it was enough for him to hear my words that came from the bottom of my heart.

He already knows everything.

This is our fate and we have to face it. Ginagawa rin namin ang lahat para mahanap namin sa lalong madaling panahon ang kasama kong hinigop ng libro. Pareho lang kaming dalawa na natatakot dahil hindi namin masabi kung kailan ako mawawala.

I felt Deimos' lips on mine. His kiss is full of love and sincerity.

“Pangako, sa iyo ko lamang iaalay ang aking puso. Habang ako'y nabubuhay ay ikaw lang ang tangi kong iibigin. Magpakailanman, mahal ko,” tugon niya dahilan upang matamis akong ngumiti.

I will love him even in the afterlife.

Sa wakas, idineklara na ni Saintess Asteria na kami ay kasal na. Nagbigay ng masigabong palakpakan ang lahat, ngunit ang paligid namin ay nabalot ng takot nang mapansin namin ang pagdilim ng langit. Dumaan ang kaba sa aking puso nang makita ko ang buwan na unti-unting tinatakpan ang araw.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon