5 - Club

2 0 0
                                    

Closing club kung tawagin ni Manuel ang binuo niyang club. Ito ay club na nakaassign sa paglilinis ng canteen, paghuhugas ng mga plato, at paggawa ng ice water para sa kinabukasan. 

Nang marinig niya ang pangalan ng club akala ni Felip ay roronda sila sa buong eskwelahan para tingnan kung may mga pasaway na mga estudyante. O 'di kaya naman ay tinitingnan kung nakasara ang mga pinto ng bawat classroom at nakapatay ang mga electric fan at mga ilaw. Nasa imagination niya pa nga na kasama nila ang sekyu at may hawak na baton.

Pero heto siya ngayon, naghuhugas ng malaking kalan. Nalagyan pa ng uling ang manggas niya. Hindi ito trip ni Felip. Ang gusto niyang salihan na club ay chess o 'di kaya'y arnis. Pero wala pa siyang lakas ng loob na pumasok sa isang classroom para sumali.

Hindi maiwasan ni Felip ang mapansin na kinukuha ni Manuel ang mga lumpia na nasa tupperware at nilalagay sa papel. Ito kaya ang dahilan kung bakit ito gumawa ng ganitong club? Para makakuha ng pagkain?

"Oy, partner. Gusto mo ng turon?" tanong ni Manuel at inabot sa kaniya ang iasng turon na mukhang makunat. 

"Pinapahugas mo sa 'kin 'tong mga kalan e hindi ka naman tumutulong. Kumakain ka -" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sinubuan na siya ng turon ni Manuel. 

"Ingay mo. Kumain ka na lang. Meron pa ngang natitirang popcorn oh. Bigyan kita ng isa." 

Nagpatuloy si Manuel sa pagbabalot ng mga natitirang pagkain. Kahit nga ilang piraso na lang ay hindi niya pa rin pinapatakas. 

"Manny, 'yung gulay na hindi nabenta, iuwi mo na rin ha?" sabi ni Aling Vilma, isa sa mga tindera sa canteen. "Kailangan ng kapatid mo ng lakas."

"Salamat po. Da bes talaga gulay niyo," sabi ni Manuel. 

Inilagay ni Manuel ang lahat ng pagkain sa bag niya. Pati na rin mga popcorn at ilang turon.

"Teka, akala ko ba club? Bakit tayo lang dalawa? Tsaka approved ba 'to ng principal? May plus points ba 'to?"

"Ang takaw mo sa plus points. Mabubusog ka ba dyan? Tsaka ikaw pa lang ang binigyan ko ng chance. Ayaw mo nu'n? Tataba ka rito. Merong ice cream sa ref na hindi naubos ng mga teacher. Kainin natin," sabi ni Manuel at pinagpatuloy ang paglinis sa mga kaldero. 

Pagkatapos maghugas ni Felip ng mga kalan, umalis na siya sa kusina at nadatnan si Manuel na nakaupo sa isa sa mga upuan sa canteen. Kumakain ito ng ice cream. 

"Dalian mo at matutunaw na 'to."

"Ubos mo na yata bago pa matunaw e."

Umupo na rin si Felip at kinuha ang kutsara. Sinimulan niya ang pagkain ng ice cream. 

Hindi na masama. Iyan ang nasa isipan ni Felip. Ang ice cream, ang araw niya, ang club na 'to, si Manuel. Hindi na masama. Sapat na para mapangiti.

"Syanga pala, about sa project natin. Magkita tayo sa sabado," sabi ni Felip. "Konti pa lang ang contents ko sa introduction."

"Nakakasakal ka naman. Namimiss mo 'ko agad."

"Ulol ka."

"May trabaho ako niyan eh. Gagawa ako ng uling."

"Kailan ka ba pwede?" 

"Linggo siguro ng gabi. Sa inyo na lang tayo kasi may sakit 'yung kapatid ko, baka mahawa ka. May tambayan ba kayo? Teka, taga saan ka nga pala?"

"Sa Adele  na lang tayo magkita."

"Talaga? Do'n ka pala nakatira?"

"May dadaanan lang akong komiks."

"Ayos! Tapos basahin natin sa inyo."

Little FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon