8 - Queen

0 0 0
                                    

Sa anim na magkakapatid, si Hazel lang ang babae. 

Iniwan na rin siya ng kaniyang ina para sumama sa Indianong nakilala nito noong bata pa lang siya. Kaya lumaking walang alam sa pagiging babae si Hazel. Walang nag-aayos ng buhok niya o nagdadala sa kaniya sa parlor, walang nagsasabi sa kaniya kung ano ang bagay na damit para sa kaniya. Noong unang dalaw niya ay binigyan lang siya ng isang pad.

Nung tumuntong siya ng highschool, doon bumukas ang mundo niya sa pagkababae. Doon niya nakita ang lahat ng mga bagay na hindi niya nakikita sa kanila. Make-up, dress, sandals, accesories, mga pabango na hindi ka magiging amoy giyera.

Hindi maiwasan ni Hazel ang ma-curious kung ano kaya ang itsura niya kung malaya niyang maramdaman na babae siya. Ano kaya ang pakiramdam ng palda at damit na masikip? Ano kaya ang itsura niya sa lipstick at eyeshadow? Gaganda rin kaya ang kutis niya kung bibilhan siya ng lotion? Ano kaya kung i-trim niya ang kilay niya? Kung gawin niya ang mga hairstyle na uso ngayon?

Ano kayang pakiramdam kung maipakita niyang kinikilig siya sa mga guwapong artista at mga kpop artists na malayang nagugustuhan ng mga kaklase niyang babae? 

Ang pinakakinaiinggitan niya ay si Rochelle. Sino bang hindi? Halos lahat yata ng mga estudyante sa eskwelahan nila ay kilala si Rochelle. Noong unang araw ng klase, kumalat kaagad na may amerikanang estudyante at alam naman ng lahat na big deal ito sa Pilipinas lalo na kung puti.

Pero hindi lang naman 'yon ang rason kung bakit marami ang kilala si Rochelle. Maganda si Rochelle, ganda na mahihiya kang makipag-usap kung alam mong hindi ka naman kagandahan. Natural ang pagkapula ng kaniyang mga labi, matangos ang ilong at mahaba ang pilikmata. Blonde din ang buhok niyang mahaba na lagi niyang inaayos. Asul na mga mata na walang kayang makipagtitigan. Halos lahat na yata ng mga lalaki sa eswelahan ay nasa kaniya nagkakagusto. Idagdag mo pa ang pagiging matalino nito na tanging mga matalino lang din ang makakaintindi.

Isa pang kinaiinggitan ni Hazel ay ang pagkahilig nito sa pink. Halos lahat ng gamit ni Rochelle ay pink. Gusto niya rin ng ganon pero naririnig niya sa mga kaklase niyang babae na masyado raw 'yong kikay at pangit tingnan. Iyon din ang sabi ng mga kapatid niya at ng tatay niya. 

Iyon din ang hindi niya maintindihan. Okay lang maging babae, 'wag lang maging sobra. Bawal kikay, bawal maarte, dapat kahit may make-up ka, hindi ka mahinhin. Kasi hindi ka babae - nakakairita ka. Si Rochelle lang yata ang babaeng walang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba tungkol sa kaniya. Nakakainggit. Iyan ang lagi niyang nasasabi sa tuwing nakatingin siya kay Rochelle. 

"Pahiram ng makeup mo," sabi ng kaibigan niyang si Wilma.

Tinitigan niya ang makeup. Ang kulay nito na sa tingin niya ay babagay sa kaniyang mga labi. Gusto niya nung pink, pati na rin sana sa mga pisngi niya. 

"Ikaw, Hazel. Gusto mo?" tanong ni Vilma sa kaniya na natatawa. Hindi naman talaga nito intensyon na pahiramin siya ng make-up. Gusto lang nitong mang-asar.

"Ayaw ni Hazel niyan. Tingnan mo nga oh, mas lalaki pa siya tingnan sa mga lalaki rito," dagdag naman ni Gina.

Pero alam niya na gusto niya ng makeup. Ayaw niya lang aminin. Gusto niyang maramdamang maganda siya sa tuwing nakatingin siya sa salamin. Gaya ni Rochelle. Pero hindi niya alam kung may ideya ba si Rochelle na maganda siya kasi para sa kaniya, wala na yatang oras ang kaklase para manalamin dahil laging nagbabasa ng libro.

Minsan kapag napapansin niyang sobra na ang pagkamuhi niya kay Rochelle, kinukumbinsi niya ang sarili na wala naman itong ginagawang masama. Pero kapag tinititigan niya ito nang maigi, bumabalik ang inis niya dahil lang sa maganda ito. 

Hindi niya makakalimutan ang una nilang pag-uusap. Mayroon silang pre-test sa science. Nang matapos na sila sa test, sinabihan sila ng kanilang teacher na sila ang mag-che-check sa mga papel nila gamit ang clockwise rotation.

Little FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon