19 - End

0 0 0
                                    

Tapos na ang dalawang linggong suspension. Pinapunta ang mga magulang at guardians ng apat sa guidance counsellor. Kasama ni Felip ang kaniyang tiya Jackie, si Manuel naman ay ang kaniyang kuya Jose na may hypertrichosis na muntik nang magpaatake sa puso ni Mrs. Santos. Si Hazel naman ay kasama ang kaniyang ama na si Alberto, at si Rochelle ay kasama ang kaniyang kasambahay na si manang Helen.

Umalis muna saglit ng opisina si Mrs. Santos. Kahit walo sila sa opisina ay sobrang tahimik pa rin. Pero ramdam ni Jose ang tingin na nanggagaling sa maputing bata na katabi niya. Hindi na ito bago sa kaniya dahil lagi siyang nakakakuha ng atensyon. Puno ng buhok ang kaniyang buong katawan pati na rin mukha. Pero ang hindi siya sanay ay ang malapitang pagsusuri sa kaniya na ginagawa ngayon ni Rochelle.

Ramdam ni Hazel ang pagkahiya, pero si Manuel naman ay tuwang-tuwa dahil ang nasa isip  niya ang magkasundo ang kaniyang kuya at ang mapapangasawa niya.

"Bakit?" tanong ni Jose kay Rochelle nang hindi na niya matiis ang mga tingin nito.

"Do you have hair all over your body?" tanong ni Rochelle. "How do you manage?"

"Ha?"

"Yung buhok mo ba raw ay nasa buong katawan mo?" pagsasalin ni Hazel sa tagalog.

"Ah, oo. Sobrang aksaya ko nga sa shampoo eh. Minsan bareta."

"Why can't you shave it?"

"Kasi tumutubo rin naman e. Nakakapagod. Tsaka umeekstra rin ako sa mga pelikula dahil dito. Mga taong-lobo, ganun."

Rinig nila ang pagbukas ng pinto kaya lumingon silang lahat. Nakita nila si Mrs. Santos na papasok ng opisina kaya umayos ang kanilang pag-upo.

"Good morning, parents, guardians. Pagpasensiyahan niyo na't naisturbo ko kayo sa mga trabaho niyo. I just want to announce that this incident will not be in the records of your children, except Mr. Castro, for stealing and for... bullying. But I won't be expelling him."

Napalingon si Jackie kay Manuel na hindi makapaniwalang magagawa ito ni Manuel. Hindi kasi naikuwento ni Felip ang nangyari. Ang tanging nasabi ni Felip ay na-guidance siya dahil sa pagsagot nang pabalang sa isang teacher na bumubully sa kaniya. Hindi siya nagalit dahil ang nasa kaniyang isipan ay tama ang ginawa ni Felip na ipagtanggol ang sarili. Wala siyang kaalam-alam na kasama niya si Manuel o kung may kasama siya. Kahit nasa kalagitnaan sila ng meeting ay hindi niya maiwasang malungkot dahil kaonti lang ang alam niyang nangyayari sa buhay ni Felip. 

Hindi rin sinabi ni Mrs. Santos ang nangyari tungkol sa kanilang dalawa ni Manuel dahil pinakiusapan niyang 'wag na lang isabi dahil ayaw niyang mag-alala si Jackie, at dahil nag-aalala siya na baka hindi na makabisita si Manuel sa kanila.

"Hindi na makakapagturo ang teacher na iyon dito kahit na kailan. At hindi na rin siya makakaapak pa rito. Your children were so brave to protest against him. May nalaman kami galing sa estudyante na may sinasaktan siya physically. Kung hindi dahil sa mga anak ninyo, hindi namin malalaman ang pinaggagawa ng teacher na iyon."

"Natanggalan ba ng lisensiya 'yun?" tanong ng tatay ni Hazel na si Alberto. 

"Sadly, hindi. He was only suspended."

"Ang ibig ba niyang sabihin makakaturo pa siya sa ibang eskwelahan? Eh pano 'yan? Hindi na nga siya bully rito, sa ibang estudyante naman?"

"I understand your concern, pero mahihirapan pa rin siyang makahanap ng eskwelahan na tuturuan considering his background."

"Hindi mo 'yan masasabi. Marami ngang kriminal na nasa pulitiko e."

"This is not politics, sir."

"Oo nga, pero ganun umiikot ang mundo, ma'am. Ang dapat du'n ay mawalan ng lisensiya. Malakas ba kapit nun sa taas kaya hindi natanggalan ng lisensiya?"

Little FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon