17 - Apple

1 0 0
                                    

"Are we there yet?" hinihingal na tanong ni Rochelle habang nilalakad nila ang daan papunta sa bahay nina Manuel. Kasama niya ang adviser nila na si Mrs. Torres, si Hazel, at si Felip. Mabuti na lang at kahit mainit, malakas pa rin ang ihip ng hangin. Pero hindi lang dahil sa pagod hinihingal si Rochelle. Dala niya kasi ang isang bag kung saan naglalaman ang lahat ng kailangan niya. Ektrang mga damit, sunscreen, first-aid kit, emergency kit, mga pagkain at tubig, mga tissue, at iba pa. Kaya sobrang bigat ng bag niya.

"Hindi kasi 'to hiking, 'te," pambabara ni Hazel. "Sino bang nagsabi sa'yo na dalhin mo lahat ng 'yan? Ano ba, pinapalayas ka na ba sa inyo?"

"Don't come at me if you need alcohol and bandages."

"Taga-rito ako. Immune na 'ko sa lahat ng meron dito."

Hindi na kumibo si Rochelle. Mauubusan lamang siya ng hangin kung ipagpapatuloy niya pa ang pakikipagtalo. 

"Ako na magdadala ng iba para hindi ka mahirapan," sabi ni Felip sa kaniya. 

"Why would you do that?" tanong ni Rochelle.

"Para hindi ka mahirapan?" naguguluhang sagot ni Felip.

"So?"

"Diyos ko, Rochelle. Ibigay mo na lang ang iba," naiiritang sabi ni Hazel. Kinuha ni Hazel ang first-aid kit na nasa bag ni Rochelle at ibinigay kay Felip.

Ramdam ni Rochelle ang kaonting paggaan ng kaniyang dinadala. Ngumiti siya kay Felip at ginantihan din ni Felip ang ngiti na iyon.

"Tanong lang, kapag ba pinagpapawisan ka, bumabaho ka rin?" tanong ni Hazel kay Rochelle.

"Of course, I'm a human."

"Yes!" sigaw ni Hazel na nagpalingon kay Mrs. Torres.

"Ms. Arevalo, baka ma-engkanto ka sa sigaw mo."

Hindi na nagsalita ulit si Hazel. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Dahil magaan na ang dala-dala ni Rochelle, nauuna na itong maglakad sa kaniya. Hindi niya namalayan na magkatabi nang naglalakad sina Rochelle at Felip habang siya ay nasa likuran.

"You are Manuel's friend; have you ever gone to his house?"

"Hindi pa e. Ang sabi niya kasi sa 'kin wala raw tubig do'n. Marumi rin."

"Good thing I brought water." 

Hindi niya man maintindihan kung bakit, pero ramdam ni Hazel ang namumuong inis na nag-uusap sina Felip at Rochelle. Natatakot ba siya na magkagusto si Felip kay Rochelle? Hindi naman malabo, lahat naman yata nagkakagusto rito. Pero bakit ba siya nagkakaroon ng pake? Hindi naman umamin sa kaniya si Felip.

Pati ba naman 'yan aagawin mo?  Napailing si Hazel sa boses na sinabi ang pangungusap na iyon. Nagiging malapit na silang dalawa ni Rochelle. Pero bakit ba hindi niya magawang isantabi ang inggit? 

Huminto sila sa isang malaking bahay-kubo. May mga puno ng mga mangga kaya hindi mainit. May mga kasama itong mga bata na nag-aagawan ng sabon. Napangiti si Felip nang makita si Manuel na naliligo sa labas malapit sa poso. Gusto niya sana itong tawagin pero naunahan na siya ni Mrs. Torres.

Paglingon ni Manuel, kaagad siyang napayakap sa sarili dahil wala siyang suot sa pang-itaas. Kaagad niya ring inalis ang sabon na nasa mukha. 

"Akala ko ba walang tubig?" tanong ni Felip kay Hazel.

"Good news, meron na," iritableng sagot ni Hazel.

"Uy, anong ginagawa niyo rito? Ma'am? Ikaw ba 'yan? Teka, Rochelle? Anong ginagawa mo rito? Baka mangati ka."

"I have my Claritin, don't worry," sagot ni Rochelle.

- - - - - 

Nasa isang kubo sila kung saan tinatawag itong "pambisita". Dito raw pinapatuloy ang mga bisita na pupunta sa kanilang bahay dahil ito lang ang pinakamaayos na kubo. Walang bali na sahig. Sobrang linis din dahil laging inaalagaan.

Little FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon