Chapter 6: At Shower

185 11 2
                                    

"Susubuan na lang kita."

Tinarayan ko siya at inagaw ang pagkain ko.

"Yah, susubuan mo pa nga ako ng kasinungalingan." Pagmamaktol ko at inagaw sa kaniya ang plate ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nalilito niyang tanong at muling inagaw sa akin ang pagkain.

"Ang sinasabi ko. Hindi mo lang alam paano sabihin sa akin ang buong pagkatao mo." Muli kong inagaw ang plate sa kaniya pero pinigilan niya ito at nag-agawan kami ng plate.

Sa kakaagaw naming dalawa, tumilapon ang plato at nabuhos sa clinical uniform naming dalawa lahat ng ulam at kanin.

"Trust me, Babe. You don't even want to know me." Kalmadong sabi ni Bea habang tinatanggal ang mga pagkain sa buhok niya.

Tumayo agad ako sa inis at pinagpag ang sarili. Tumingin ako kay Mira na umiiling at sa paligid na ngayon ay nakatingin na sa aming lahat.

"But I really like you, Zarra." Hinawakan ako ni Bea sa palad. Hindi ko siya magawang tignan sa kaniyang mga mata dahil sa karisma niya. Isa pang features niya ay kaya niyang magpacute na parang tuta sa harap mo.

"Like someone, when you are ready to acknowledge yourself to anyone." Tinabig ko ang kaniyang kamay at umalis sa cafeteria.

Iniwan ko silang dalawa. Pumunta ako sa restroom para makapaghugas.

Mabuti na lang talaga at hindi ko tuluyang binigay ang sarili ko kay Bea ng gabing iyon. She can play the whole thing with me, but I don't have time to play with her jokes in life.

Matapos kong maghugas ay pumasok ako sa isa sa cubicle ng CR para makaupo at magmuni-muni ng sandali.

Kaso kahit sa CR mismo hindi na naging tahimik ang buhay ko.

"Do you know that girl, Zarra Ashclaire?" Isang boses ang naririnig ko ng may pumasok sa CR. Tahimik lang ako at hindi gumalaw sa cubicle.

"Di ba nerd 'yon. Iyong laging nagttop sa mga final exams natin." Napataas ako ng kilay na may idea pala sila sa akin.

"The thing, nakipagsex ata siya kay Bea this time." Humina ang boses nilang dalawa sa mga sandaling iyon.

"Isa parang rumor is nagconfess si Bea sa kaniya sa buong cafeteria kanina, sayang di ko nawitness. She's so lucky kasi nakabingwit siya ng Beatrice Tyler."

"Huy ano ka ba hahaha. You know naman na straight daw si Bea at ginagawa niya lang na plaything iyon hahaha." Napatakip ako ng bunganga sa gulat dahil sa mga naririnig ko.

Ng wala na akong naririnig sa labas ng cubicle at narinig kong nagbukas na ang pintuan. Lalabas na sana ako nang marinig ko ang boses ni Mira.

"Za? Za, nandito ka ba?" Hindi ako umimik at hindi ako lumabas ng cubicle.

Hanggang sa muling nagsarado ang pintuan.

Lumabas na ako ng cubicle ng mamake sure kong wala ng tao sa CR.

Kumuha ako ng tissue at pinagpupunas ang mga mantsa sa clinical uniform ko.

Pagkatapos ko sa restroom ay lumabas na ako at dumaretso ako sa parking lot ng school.

I texted Mira na ilagay niya na lang muna sa kaniyang locker ang aking bag kasi uuwi na muna ako para magbihis.

Nang maisend ko ang text message at nang makarating ako sa puwesto ng aking sasakyan ay napansin ko si Bea na nakasandal sa isang poste.

She looked at me at inalis ang pagkakasandal niya ng kaniyang likod sa poste.

Napansin ko rin na inalis niya ang hawak niyang bag pack sa kaniyang balikat.

The Buddies Coffee (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon