"I know you glanced at me many times. Maybe I could make you stay just by looking at me?"
Napadilat ako agad at napaupo ng maayos mula sa pagtulog ko sa table ko. Nadaganan ko sa pagtulog ang isa kong notebook at ang pencil na ginamit kong pangsagot sa Ipad.
Napatingin ako sa babaeng kaharap ko na tahimik naghhighlight ng kaniyang notes. Halatang focus na focus siya sa pag-aaral. Napansin kong nag-order siya ng matcha foam without coffee on it.
Mayghad. Damn me, what I just dreamt about?
Bumuntong hininga ako.
Napakaseryoso niya namang mag-aral.
Kinuha ko ang aking phone at tumingin sa oras. It's already 8pm. I've been asleep for almost 45 minutes.
Kinuha ko ang plate at saka ang lagayan ng last coffee na nainom ko. Tumayo ako at nilagay ang plate at ang empty coffee sa tray, saka dumaretsong naglakad papunta sa waste bin.
Tinapon ko ang empty coffee at dumaretso sa claiming station para ibalik ang plate at ang tray.
I need to go home para makapagrest dahil I have class for tomorrow.
Napatingin ako sa babae na nakaupo sa opposite chair na kung saan dapat ako nakaupo. Hindi niya ako makikita sa banda dito dahil medyo nakatalikod siya sa akin.
I took my phone out my pocket at kinuhanan siya ng litrato habang nag-aaral.
I may never meet her again. Getting pictures keeps you memories.
Pagkatapos kong magnakaw ng kaniyang letrato without her knowing. Bumalik na ako sa table para kunin ang mga gamit ko.
Iniiwasan kong hindi tumingin sa kaniya. Kasi sino ba naman ang hindi mapapatingin kung super ganda ng nasa harapan mo di ba?
This might be my luckiest day of the month. Unfortunately, aalis na ako at baka hindi ko na siya makikita.
This is a goodbye pretty.
After zipping my bag, kinuha ko sa aking bulsa ang car keys at umalis na sa coffee shop.
I drove way home still wondering kung sino ang babaeng iyon. She's so thin, but sexy. And damn me, she's so beautiful.
Bakla ka ng taon. Tumigil ka na please.
Nang makarating na ako sa bahay. Tinabi ko na lang ang bag ko malapit sa bedside at dumapa saka binaon ang mukha sa unan.
Ugh nakakapagod ang buhay.
Gusto ko na lang maging hotdog.
I looked at my phone and another shit. It's time to prepare my things for tomorrow's classes.
After preparing my clinical uniform and cleaned my white shoes. I set an alarm of 6am to wake up.
---
I drove my way sa parking lot ng school. And believe me or not, naienroll ako ng mga magulang ko sa only girl's school. Bakit? They don't want any boys as my distraction. Hindi nila naitatanong na bakla ang kanilang nag-iisang babaeng anak. Which is they do not have the slightest idea, of who really I am.
Umaga na at marami na nagsisipasok na mga estudyante sa kani-kanilang classroom.
"Za!" Agad akong napahinto sa paglalakad nang makita ko si Mira na hinahabol ang hininga para lang mahabol ako.
"Bakit ka nagmamadali?" sabi ko sa kaniya nang makahabol siya sa puwesto ko.
"Ano pa ba? Nakita ko yung black na black mong mahabang buhok na hindi nakapusod na naman! Mapapagalitan ka na naman ni Mam Chua." Tugon niya habang may kinukuha sa kaniyang bag.
![](https://img.wattpad.com/cover/364314748-288-k961599.jpg)
BINABASA MO ANG
The Buddies Coffee (GirlxGirl)
DragosteZarra Ashclaire is a top performing student of a medical field course. She mostly spend her time studying in her favorite Coffee Shop. Upon her concentration in her studies, someone distracted her. Beatrice Tyler Zychin is a hot model of Empire Stor...