Chapter 28: The Race

72 7 0
                                    

"Guys, we already divided the group. Per group there will be an assigned chore. First things first, we need to cook for our lunch. Ma'am Alex and her group will be assigned in cooking the barbecue, I will be assigned in the main dish, the other group will prepare the table and the plates. After lunch, we will proceed in our activities. It'll be exciting! Chop chop!" Nang sabihin iyon ni Sir Miles ay nagkaniya-kaniya na ang grupo sa kanilang assigned task.

Kinuha ko ang mga charcoal na nakalagay sa cargo ng bus. Isang sako kasi ang dinala nila. Medyo nabigatan ako sa pagbuhat pero mabuti na lang at agad akong tinulungan ni Alex. Nakasuot lang ng plain white loose t-shirt si Alex at saka nakashorts. Ganoon na lang ang gulat ko nang buhatin niya ang sako sa kaniyang balikat.

"Huy, madudumihan ang damit mo." Angal ko sa kaniya.

"It's nothing. Extra shirt ko naman itong gamit ko." Sinubukan ko siyang alalayin sa buhat niya kasi parang ako ang nabibigatan.

"I'll help you na lang magbuhat." Saka ako dumikit kay Alex para sana alalayin siya.

"Yakapin mo na lang ako if you want to help me." Saka siya ngumiti ng mapagbiro sa akin habang naglalakad.

Siningkitan ko siya ng tingin at umalis ako sa tabi niya.

"Kaya mo na pala 'yan." Sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya na lang.

Binaba ni Alex ang sako malapit sa barbecue grill na paglulutuan namin.

"Claudette, did you already place the sticks on the meat and vegetables?" Tanong ni Alex kay Claudette na busy nanghihiwa ng malalaking slices ng sibuyas.

"On-going." Saka inabot sa akin ni Claudette ang mga natapos niya ng naituhog.

Pinatong ko muna ito sa lamesa dahil hindi pa naman napapaapoy ni Alex ang charcoal.

Tinulungan ko siyang maglagay ng charcoal sa grill saka huminto si Alex at tumingin sa akin.

"Di ba sabi ko yakapin mo na lang ako kung gusto mong tumulong." Sinamaan ko ng tingin si Alex. Nagbibiro ba siya sa akin or seryoso siya? Kasi ang seryoso ng mukha niya, hindi ko alam if nagbibiro siya or need ko talaga siyang yakapin para pahintulutan niya akong tumulong. Hindi naman pwedeng wala akong maiambag sa grupo. Hindi naman ako prinsesa.

"Just kidding. Ang sama naman ng tingin mo sa akin. Di mo bagay." Nagulat ako nang lagyan ako ni Alex ng uling sa ilong ko, kasi tumawa siya at nakita kong may uling ang daliring idinikit niya sa ilong ko.

Padabog akong umalis sa pwesto niya kaya hinayaan ko na lang si Alex at umupo sa tabi ni Claudette.

"This is unacceptable. She doesn't even want me to help her." Tinatawanan ako ni Claudette ng mapansin niyang nakasimangot ako. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang ilong ko.

"Zarra, let Alex do her job. She really doesn't want the newbies to touch the charcoal. It's her job, and she wants to do it as a senior staff. And I think she's showing off to someone here. I don't know who. But there are rumors that she likes someone here." Napakunot ako ng noo at tumingin sa mga lab personnels.

Hindi pala nila alam na ako ang gusto ni Alex. Pero rumor? Kanino naman? Baka nag-a-assume lang ako, pero may iba pala talagang gusto si Alex sa mga staff.

Kaya napatingin ako sa mga staff na babae. They are not young para sa taon ni Alex. Si Claudette lang ang kilala kong nasa age group ni Alex.

Binalik ko ang tingin ko kay Claudette na napansin kong nakatingin kay Alex. Nanlaki ang mata ko nang mapansin ko kung paano siya tumingin kay Alex.

"Where did you hear that rumor?" Usisa kong tanong kay Claudette.

"I just heard it from the other senior staff." Saka ko napansin ang pagbuo ng ngiti sa kaniyang labi habang nagtutuhog ng sibuyas sa dulo ng barbecue.

The Buddies Coffee (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon