*ALARM RINGING @7:00 AM*
Napapatay ako ng aking alarm clock ng tumunog ito sa aking cellphone. Nakapikit pa ang isang mata ko at pilit ko pang naimulat ang isa.
Bumaligtad ako ng aking pwesto sa pagkakadapa at ng maayos na nakabaligtad ay tumingin ako sa aking kisame.
Parang bumalik ako sa isang oras ng kahapon at nakikita ko ang mga ilaw na naghuhugis bitwin sa madilim na kisame.
"Zarra, ano ba hahaha." Pinalo ako ni Lisa ng unan para hindi ko siya makiliti sa tagiliran.
"Ibibigay mo ba sa akin 'yang phone ko or kikilitiin pa kita?" Nilayo ni Lisa lalo ang cellphone ko. Kaya inabot ko ito hanggang sa mapahiga siya at di ko namalayan na nakapatong na pala ako sa taas niya.
Nakaupo lang kami kanina sa kama ni Lisa habang nanonood ng movie sa kaniyang laptop nang agawin niya ang cellphone ko.
"Bakit kasi may stolen shot ako sa gallery mo. Titignan ko lang naman kung cute ako dito." Saka niya iniscroll ang gallery ko.
Shit. Shit. Makikita niya na marami akong stolen shots sa kaniya.
Kaya muli kong inabot ang cellphone ko hanggang siniksik niya ang cellphone sa kaniyang likod at humarap siya sa akin.
Napatigil na lang ako sa kalagitnaan nang tumingin si Lisa sa akin at napatingin ako sa kaniya habang nakapatong na pala ako sa kaniya.
"Lisa akin na kasi ang cellphone ko." Habang hinihila ang kaniyang kamay na nakatago sa kaniyang likod.
"Sabihin mo muna na 'Ang cute mo Lisa'." Napatigil na lang ako sa pag-aagaw ng aking cellphone at tinignan siya.
"Bakit ko naman sasabihin iyon eh hindi ka naman cute." Naramdaman kong bumibilis ang aking puso ng ayusin ni Lisa ang buhok ko at isinabit ito sa aking tenga. Her dark brown eyes glimmered through the shades of light from the surrounding of the room. I can see clearly how beautiful she is.
"Kung di mo sasabihin. Hahalikan kita." Muli kong naramdaman ang mabilis na pintig sa aking dibdib nang sinabi niya iyon.
Agad kong sinabi ang gusto niyang sabihin ko at pumikit dahil sa kaba.
"Ang cute mo Lisa." Nakapikit pa rin akong sinabi iyon dahil nahihiya akong sabihin iyon sa harap niya.
Nagulat na lang ako ng tumunog ang pagstop ng recording sa phone.
Pagkadilat ko naivideo pala iyon ni Lisa.
"Ayaw mo pala kitang mahalikan ah." Pagbibiro niya sa akin habang nakangiti.
Muli kong binilisan ang aking mga kamay habang inagaw sa kaniya ang aking cellphone.
Pero mas mabilis niyang nilayo ang cellphone ko.
"Wait lang isesend ko lang sa account ko. Sayang naman hahaha." Saka niya kinalikot ang cellphone ko.
Umalis na ako sa pagkakapatong sa kaniya at tumayo.
I gave up trying to get my phone back from her.
"Bahala ka na nga dyan." Saka ko kinuha ang laptop ni Lisa sa kama at umupo sa sahig sa baba ng kaniyang kama para ituloy ang panonood ng pelikula.
"Ito naman. Masiyadong seryoso." Saka hinagis ni Lisa sa akin ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinalo at baka mabasag pa kapag nahulog sa sahig.
Hindi ko siya kinibuan at bumaba din siya sa kaniyang kama saka tumabi sa akin para makinood.
"Zarra, sana lalake ka na lang para ikaw na lang ang boy friend ko." Napatingin ako sa kaniya at nagpause ako ng movie.
BINABASA MO ANG
The Buddies Coffee (GirlxGirl)
RomanceZarra Ashclaire is a top performing student of a medical field course. She mostly spend her time studying in her favorite Coffee Shop. Upon her concentration in her studies, someone distracted her. Beatrice Tyler Zychin is a hot model of Empire Stor...