Napatingin ako sa katabi ko na nakapikit. Kasalukuyan ang byahe namin ni Alex sa isang connecting first class na flight patungong Europe. Naayos lahat ni Chris ang bookings ng hotels at mga gastos sa mga first class flights, kaya wala na kaming iisipin pa.
Ngunit pagkatapos ng house blessing parang naging distansya si Alex sa akin. Hindi ko alam kung may ginawa ako sa kaniya. I never initiated intimate sex with her kasi pakiramdam ko iba ang mood niya. Ngayon, hindi ako sigurado dahil malimit niya akong kausapin.
Paano kami makaka-honeymoon kung ganito ang mood niya?
Napaisip ako ng paraan para maalis man lang ang kaasiwaan o kung may tampo man siya sa akin. Siguro nagtatampo siya dahil meron si Bea noong house blessing. Hindi ko naman aasahan na pupunta si Bea sa bahay ng biglaan. Pakiramdam ko nagtatampo nga ang asawa ko dahil doon. Hindi ko rin alam kung nakita niya kami ni Bea na nag-uusap noon sa swimming pool. Hindi ko sinabi kay Alex na namaalam na ako ng pormal kay Bea.
Kung nakita niya man kami, nagtatampo ba siya dahil doon?
"Alex." Sinubukan kong gisingin si Alex na nakaupo sa kabilang upuan. Nakaopen kasi ang TV sa harapan ko kaya pinatay ko muna ito: samantalang nakareclined si Alex habang natutulog. Hindi niya ata ako narinig kaya muli ko siyang tinawag.
"Mahal ko." Ito ang unang pagkakataon na nasabihan ko siya ng mahal ko. Napangiti ako sa sarili kong sinabi dahil kahit ata ako kinilig. Ngunit agad din itong napalitan ng simangot ng parang wala talagang narinig si Alex at nakapikit parin.
"Kapag hindi ka nagising. Consider this honeymoon a one meter distance from each other." Masungit kong pagkakasabi at saka ako tumayo. Nagpaalam ako sa flight attendant na pupunta lang ako ng CR.
Naiinis ako dahil kay Alex. Paano namin maeenjoy ang honeymoon na ito kung ganoon siya umakto? Kaya niya ba akong hindi kausapin hanggang sa dulo ng flight?
Isasarado ko na sana ang pintuan ng CR ng may kamay na humarang dito at pinigilan ito sa pagsara.
Syempre nagulat ako dahil sino naman ang matinong taong biglang pipigilan ang pagsara ng pintuan sa CR kung alam niyang may tao na.
Pero nagulat ako ng si Alex pala iyon. Nanlaki rin ang mga mata ko nang pumasok siya at sinarado ang pintuan ng CR, saka niya ito nilock. Dahil masikip ang CR ay napausog ako at nagdikit na ang likod ko sa pader ng CR.
"I want to make this honeymoon a closed distance. It means-" Dinikit ni Alex ang kaniyang harapan sa dibdib ko hanggang sa halos magdikit na ang mga mata ko sa bibig niya.
"I want you close to me, skin to skin." Itinaas niya ang mukha ko para makatingin ako sa kaniyang mata nang hawakan niya ang baba ng mukha ko.
Parang nanindig ang balahibo ko sa huling sinabi ni Alex sa akin.
Pumikit ako nang hahalikan na niya ako hanggang nga sa naramdaman ko ang malalambot niyang labi.
Iyong pakiramdam ng saya at halong pananabik. Naramdaman ko ang paggalaw ng dila ni Alex sa loob ng bunganga ko at ang bawat galaw ng kaniyang labi na pumupukaw ng bawat tibok ng puso ko.
Hanggang sa napapikit muli ako nang kagatin niya ang dila ko.
Hindi ako nagreklamo pero parang naramdaman ni Alex na nasaktan ako sa kagat niya kaya bumaba ang mga halik ni Alex sa bandang leeg ko hanggang sa ibaba niya ang suot kong damit sa bandang dibdib ko. Kasalukuyan akong nakasuot ng off shoulder long sleeve dress. Kaya nang ibaba nito ni Alex ay humalik siya sa dibdib ko. Napaungol pa ako sa ilang beses niyang pagsipsip at sa mga mapaglaro niyang mga kagat.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbaba ng kaniyang palad at ipinasok niya ang kaniyang kamay sa ilalim ng suot kong dress.
"Wait, Alex...Tama bang gawin ito dito?" Napahawak ako sa kamay ni Alex nang tanungin ko iyon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Buddies Coffee (GirlxGirl)
RomansaZarra Ashclaire is a top performing student of a medical field course. She mostly spend her time studying in her favorite Coffee Shop. Upon her concentration in her studies, someone distracted her. Beatrice Tyler Zychin is a hot model of Empire Stor...