Chapter 31: The Deal

54 7 0
                                    

Napatingin ako kay Alex nang dumaan siya sa harap ko. Marami siyang inaasikaso kaya nagmamadali siya sa paglagay ng tubes sa isang machine.

Nakasuot siya ng scrubs at suot niya rin ang kaniyang labgown. Nakatitiig lang ako sa kaniyang leeg at nakaramdam ako ng init sa mukha.

Ngayon ko lang siyang nakitang pumasok sa laboratory na nakatali ang buhok.

I must admit na weakness ko ang bandang leeg ng mga taong nagustuhan ko.

Pumasok ako sa loob ng Blood Bank section at sinubukang pakalmahin ang sarili.

Marami ng nangyari sa amin ni Alex. Seeing her full clothed makes me want to rip her clothes.

Napakagat ako sa aking daliri at sinubukang huminga ng malalim.

Kumuha ako ng mga kakailanganing bagay para sa extraction para sa isang donor. Nilagay ko ang kaniyang request form sa lamesa. Nagprepare ako ng cotton at ng micropore. Maghihiwalay palang ako ng micropore ay naramdaman kong may yumakap sa akin.

Pinalibot niya ang kaniyang kamay sa tiyan ko. Napapikit ako nang humalik siya sa leeg ko at sa pisngi ko.

I assumed it was Alex.

Pero nang kumagat siya sa tenga ko ay napalingon na ako at humarap sa kaniya.

Alex doesn't kiss or bite me in my ear.

It's Bea.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong nang makita si Bea na nakacivilian outfit.

"I miss you." Then she hugged me and rested her face in my neck. She sniffed and planted a kiss on my neck.

"Wait Bea, baka may makakita sa atin." Tinulak ko siya palayo sa akin na kung saan hindi niya nagustuhan.

"Zarra, hindi mo ako tinutulak when I initiate things like this." Naiinis niyang sabi.

"No one can see us. The door is locked." She continued and she tried to come near me again. Before she can hold or kiss me again, iniwasan ko na siya ng tingin para tumigil siya.

"Bakit ka nandito?" Muli kong tanong sa kaniya not meeting her gaze.

"I'm donating blood. Ako ang nasa request form mo." Agad akong napatingin sa request form ng donor. Bakit hindi ko binasa kung sino ang donor na eextract-an ko? Ang tanga ko naman pala.

"Sorry. Hindi ko nabasa na ikaw pala 'to. Let's start para matapos." Saka ko kinuha ang aking tourniquet sa bulsa ng lab gown na suot ko.

"Humiga ka na Bea para makuhanan na kita." Umupo si Bea sa gilid ng higaan na kung saan kukuhanan siya ng dugo.

Tumingin ako kay Bea na kung saan tinignan ako pabalik.

Oh no, those eyes. I know those eyes.

"Babe?" I didn't see her like that before. Her voice is so gentle and at the same time she gave me a pleading tone.

"Habang tumatagal, parang ayaw mo na akong makita. Nasasaktan ako na kahit sa paghalik sa iyo, ayaw mo na rin." Malungkot na pagkakabigkas ni Bea.

Nasaktan ako sa narinig ko.

Muli na namang kumirot ang puso ko. Gusto ko siyang sagutin na mahal ko siya. Pero pinili ko na lang tumahimik at hinayaang kumirot ang dibdib ko.

Kung nasasaktan siya, ako rin naman.

I have the urge to hold her face and kiss her. Just for her to know na hindi naman sa ayaw ko siyang makita, nasasaktan lang ako. Pero ayon nga, pinili ko na lang manahimik.

The Buddies Coffee (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon