"Can't you just be aware sa mga taong nakakasama mo? Like how they touch you or makadikit man sa'yo?"
"How would I know? Ikaw lang naman kasi nag-iisip ng may malisya!"
"Hindi ka lang kasi nagiging aware. Masyado kang komportable sa mga taong nasa paligid mo."
"Bea, masama na bang makipagkaibigan ngayon?"
"So, you're seeking friends in this kind of place? In the middle of internship?"
"Bakit mo ba ako pinipigilan? Kahit kay Claudette maghihinala ka."
"Because you can't see it. They're at the boundary at ako lang ang nakakapansin no'n."
"Bea, hindi ba ganyan ang ginawa mo sa akin? Hindi pa nga tayo pero you reached all boundaries."
Nakapikit pa rin ako habang iniisip ang away namin ni Bea. Nagkasagutan kaming dalawa ng sunduin niya ako kasama ni Alexandria. Hindi ko napigilang umiyak sa sagutan naming dalawa. Pero, sinuyo agad ako ni Bea ng ako ay mapaiyak saka niya ako nilambing. Humingi siya ng tawad sa akin pagkatapos ng away naming dalawa.
Malapit ng mag-isang buwan simula ng huli naming away. Marami na rin akong natutunan sa duty at medyo nakakabisado na ang mga gawain sa laboratory. Naging close kami ni Claudette at siya ang lagi kong nakakausap kapag meron siyang duty kasabay ko. Hindi ko naging close ang mga nakakasama kong mga supervisors every section pero kinakausap naman nila ako at tinuturuan.
Ang isa sa kinagulat ko ay nagsimula ng magduty rin si Bea sa loob ng laboratory. Kung ano ang schedule ko ay ganoon din ang schedule niya. Madalas ay kasama ko siya lalo kapag pumupunta kami sa mga wards para mag-extract. Hindi rin niya hinahayaang makalapit ako kay Alexandria.
Sa totoo lang, parang hindi ako makagalaw ng maayos habang meron si Bea sa tabi ko. Paano ako makakapagtrabaho ng maayos di ba? Pero there are times na tinuturuan niya ako at kapag may di ako alam ay sa kaniya agad ako humihingi ng tulong.
Ngayon ay quarantine off, at bumabawi ako ng pahinga mula sa toxic na duty.
Pinili rin ni Bea na magpahinga muna pagkatapos ng ilang araw na puyat sa graveyard.
Kaya magkasama kaming natutulog dito sa sala. Hindi ko na alam kung anong oras na pero naaamoy ko parin ang bango ng natural berries sa kutis ni Bea.
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Nakapatong kasi ako sa ibabaw ni Bea habang naka-unbutton lahat ng mga batones ng kaniyang white long sleeve.
Napatingin ako sa kaniyang dibdib na exposed na exposed sa liwanag. Ngunit napangiti ako nang makita ko ang mahimbing na natutulog na si Bea.
Dahan-dahan akong gumalaw at siya'y hinalikan.
"Hmm" Nagulat na lang ako nang gumalaw si Bea at napunta ako sa gilid saka niya ako niyakap. I can feel how soft her breasts are against me.
Nasanay na siguro siyang matulog ng ganitong kakomportable katabi ko.
"Let me snuggle with you, huwag ka munang bumangon please." Saka niya ibinaon ang kaniyang mukha sa leeg ko. Inamoy-amoy niya ako saka siya humalik rito.
Nakiliti pa ako sa kaniyang ginagawa ng ipasok niya ang kaniyang palad sa loob ng t-shirt ko. Humarap ako sa kaniya at pinalibutan ang kamay ko sa kaniyang leeg.
BINABASA MO ANG
The Buddies Coffee (GirlxGirl)
Roman d'amourZarra Ashclaire is a top performing student of a medical field course. She mostly spend her time studying in her favorite Coffee Shop. Upon her concentration in her studies, someone distracted her. Beatrice Tyler Zychin is a hot model of Empire Stor...