Chapter 20: At ER

90 8 0
                                    

Dahan-dahan kong sinalin ang huling specimen sa canonical tube. Nang matapos ay ipinasok ko na ang rack sa loob ng machine. Saka ko pinindot ang start sa computer.

Napabuntong hininga ako sa pagod. Iyon na ang pang-168th na specimen ng pasyente. Alam kong amoy ihi na ako kakasalin ko ng mga specimens, pero wala akong magagawa, trabaho naming mga medtech ito.

"Ma'am Alex you're being so hard to Zarra. She's been analyzing all the specimens here in your section the whole day." Hindi na lang ako lumingon sa likod ko ng marinig ko si Claudette na bumisita sa section ng Clinical Microscopy.

Bakit kaya ang toxic ng duty ko ngayon with Ma'am Alex?

Hindi ko alam kung may galit si Ma'am Alex sa akin, pero sa akin niya talaga pinagawa lahat ng mga test for urine at saka lang siya lumalapit sa akin kapag magchcheck na siya ng resulta na nailagay ko.

"It's part of her training." Alam kong nakatangin silang dalawa sa akin pero hindi na lang ako umiimik habang tinitignan ang mga microscopic views ng specimen sa machine.

Napansin ko ang isang casts at mga crystals based sa nakikita ko sa larawan.

"Ma'am Alex, there are many calcium oxalates in this specimen. This patient might have a kidney stone. This value is alarming." Naramdaman kong pinalibutan ako ni Alex ng kaniyang harapan sa aking likuran, dahil inagaw niya bigla ang mouse sa akin. Pero bakit kailangan niya pa akong ikulong sa mga braso niya? At saka, bakit napakabango niya?

"Look. You can observe here the different shapes of the crystals. What kind of calcium oxalate is this?" Saka tinuro ni Alex ang parang kite or diamond shape na crystal.

"That's Calcium Oxalate Dihydrate, Ma'am Alex." Napalingon ako sa kaniya pero hindi ko naman aasahan na titignan niya ako sa sobrang lapit ba naman ng mukha niya sa akin.

Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong makatitig sa kaniyang turkesang mga mata. Bakit tuwing sa nakikita ko ang mga mata niya ay parang may naaalala ako?

Agad kong binalik ang tingin ko sa monitor ng computer.

Kalma Zarra.

Kalma.

"What about this. You might consider it like a dumbbell shape."

Claudette, wala ka bang gagawin para ilayo sa akin si Ma'am Alex? Please help!

"Wow, that's a lot of crystals." Napatingin ako kay Claudette ng lumapit din siya sa monitor at tinitigan ang microscopic view.

"That's Calcium Oxalate Monohydrate." Napabuntong hininga ako ng parang walang napapansin si Claudette, na kung gaano kadikit sa akin si Alex.

Hanggang sa naalala ko na may mga specimen pa palang naghihintay sa akin na need ko pang itest sa reagent strip.

"Oh no, I forgot to dip the reagent strip in these specimens." Agad akong umalis sa harap ni Alex at pumunta sa desk na kung saan naglalagay ng reagent strip.

Muli akong napabuntong hininga. Simula ng umalis si Bea para asikasuhin ang Neurology Department ay madalas ng dumidikit si Alex sa akin. Kaya ako na lang ang iiwas at dahil baka mahuli na naman kami ni Bea.

Lalo pa naman at nasa isa na kaming relasyon ni Bea. Don't want to give reasons na mag-away kaming muli.

"Hello, Clinical Microscopy Section." Napatingin kaming lahat sa pintuan ng may kumatok kahit nakabukas naman ang pintuan. Siya ang isa sa supervisor ng laboratory. At siya si Sir Miles, and supervisor ng Hematology Section.

"Who is Miss Ashclaire?" Napataas ako ng kamay ko ng banggitin niya ang apilyedo ko.

"Sir, I'm Ashclaire."

The Buddies Coffee (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon