Chapter 13: At Rest House

114 7 4
                                    

Ramdam ko parin ang init ng katawan ni Bea habang kami ay magkayakap. Napabangon ako sa aking pagkakahiga at napatingin sa paligid. Madilim na at nakikita na sa kalayuan ang mga ilaw ng lungsod.

Napatingin ako kay Bea na mahimbing na natutulog.

Nilapit ko ang aking mukha sa kaniya at pinagmasdan siya.

Sa dilim ng paligid ay halos mapapansin mo lang talaga na kulay puti ang mga buhok ni Bea. Nasisinagan lang ang kaniyang mukha mula sa ilaw ng buwan at mga bituin.

"B?" Mahina ko siyang ginising, dahan-dahan niya ring binuksan ang kaniyang mga mata.

"Hi Beautiful." She said smiling brightly under the moonlight.

"I think kailangan mo ng buksan ang ilaw sa rest house. Madilim na." Pinagmamasdan niya lang ako nang sabihin ko iyon hanggang sa hilain niya ako papunta sa kaniya at napasubsob ako sa kaniyang dibdib.

"Are you afraid of the dark?" Binalot niya ang kaniyang kamay sa akin habang ako'y kaniyang hinagkan.

Her kisses are getting sweeter by the end of the day.

I could live by that.

She even kissed me in my eye, then she stopped and looked at me.

"Babe, even in the dark you're still beautiful. I love to see your brown eyes, your soft lips, your-" Hindi ko na siya pinatapos at hinalikan siya sa kaniyang mga labi. I could not get enough of her. I just want to kiss and hold her 'till the end of the day.

"Open the lights na para may konti tayong ilaw." Hinagkan niya ang aking noo bago bumangon.

"Fine. Don't leave." Saka siya naglakad papasok sa rest house.

Mas lalo akong nabighani sa modernong pagmamay-ari ni Bea nang mabuksan niya ang mga ilaw. Napatingin ako sa kalayuan na kung saan nakikita dito sa aming pwesto ang parang mga alitaptap na ilaw mula sa mga nagliliitang liwanag sa lungsod.

"The city lights here are beautiful. Even the stars." Boses ito mula kay Bea.

Napatingin ako sa kalangitan na kung saan nagsilitawan na rin ang mga talampad. Ramdam ko ang pagtabi sa akin ni Bea ngunit napatingin ako sa kaniya ng may maramdaman akong matigas na bagay.

Ngumiti siya sa akin habang hawak niya ang kaniyang gitara. Saka ko siya pinagmasdan habang tinataas ang mahahabang hibla ng kaniyang buhok para ito'y maitali. Nang matapos niyang matali ang kaniyang buhok ay napatingin ako kung gaano kakinis ang kaniyang kutis sa leeg. Lumipat ang mga tingin ko sa buong katawan ni Bea habang hawak ang kaniyang gitara.

"You look so charming B." Tangi kong komento habang nakaupo sa kaniyang harapan.

"Hindi mo pa ako nakikitang kumanta. Baka sagutin mo na ako pagkatapos." Pinalo ko lang siya sa kaniyang braso sa kaniyang biro. Kung haharanahin niya ako ay baka hindi ko na mapigilan at sagutin ko na siya.

Pero wala tayong balak pumasok sa isang relasyon. Iyan ang itatatak natin sa ating utak habang nag-aaral pa. Ngunit mapipigilan ko kaya kung si Beatrice ang gusto ko?

She started to tune her guitar and plucked its strings. She even tried to clear her throat like she's trying to tune her own voice.

Hindi ko napigilang tumawa habang ginagawa niya iyon.

Pero pinagmasdan ko lang siya habang inaayos niya ang tunog ng gitara.

Napansin ko kung gaano kagwapo sa aking paningin si Bea. The looks and her stares while holding that guitar. It's pretty handsome.

"I'll start, please listen." She said as she held the guitar ready to sing.

I just smiled and looked at her intently. She started to hum while moving the strings from her guitar. I once again noticed how slender her fingers.

The Buddies Coffee (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon