It all started with a DARE ♥ - by Lurobinus. ツ
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~ZORO'S point of view.
[A/N: Sarreh kung ngayon lang nagkaroon ng POV. Don't worry it's all according to my plan. Actually yung mga naunang chapters, automatic na lahat yun puro POV ni Vivi. :D]
"ANG.GANDA....
ETO.PALA.ANG.CLOUD.9." sabi ni vivi.
"Yup. Ano naniniwala ka na? :)" -Me.
"Haha. Oo. Sorry kanina ah."
"Wala yun. Tara ikutin muna natin. Punta muna tayo dun sa may bridge." habang naglalakad kami papunta dun, tumingin ako sa orasan ko. 4:24 PM. Antagal pa pala bago magsunset. Mas maganda kasi pag ganun e. Kitang kita mo ang ganda ng view.
"Wow! Ang gandaaaa. Ang ganda ng view ng buong manila dito."
"Ou. Maganda talaga."
"Ayun ba yung Manila Bay?" turo niya sa may dagat. Kita ko na tuwang tuwa siya sa nakikita niya. Haha. Isang napakayamang babae, first time palang nag nakapunta dito? Himala. :)
"Yep. Ganda diba? :)" tumingin ako sakanya, ang ganda talaga niya.. Mapapasagot ko kaya siya? Secret lang natin ah, alam niyo ba na natutuwa ako na matutupad yung dare? Haha. Ou. Matagal na akong may gusto kay Vi. Mahal ko na nga siya eh.
"Oo maganda. Salamat sa pagdala saken dito. Tara kaen tayo. Libre dun sa may magandang pwesto oh! Dali dali." sabi niya saken habang hinahatak niya ako papunta dun na parang bata.
Hay nako, sanay na ako sakanya. Childhood friends kami ni Vi, Ace, at Leigh. Hindi niya kami maalala kasi makakalimutin siya. Nag-apply bilang butlers niya kasi nakiusap kami sa magulang niya na kami na ang magaalaga kay Vi. Basta maiintindihan niyo rin, sasusunod. :) Hindi kami maalala ng childhood friend naming si Vi, Ganun kalala yung pagiging makakalimutin niya. Tsaka kahit maging sino pa siya, ayos lang saken. Ang importante, siya parin si Vi. Ang Vi simula pa nung bata. Meron siyang something na kahit kailan di magbabago, kaya ayun ang nagustuhan ko sakanya. Secret ko na kung ano yun. Bleh. Baka yung mga guys over there and everywhere agawin siya saken eh.
"Vi, order tayo?" offer ko.
"Sure. Gutom narin ako eh." -Vi.
"Excuse me!" nagtaas ako ng kamay tapos may lumapit sakin na waiter.
"Yes Boss?" -waiter.
"Kindly bring us two glasses of water first and the menu." nag-nod nalang yung waiter saken.
"Ang ganda talaga. First time ko dito. First time kong mag-enjoy ng ganto. Di ko nga maintindihan tong nararamdaman ko eh. Haha. Something weird?" -Vi. Diba sabi niya first time niyang mag-enjoy ng ganun? Di maintindihan ang nararamdaman? Hindi kaya sign yun na may feelings siya saken? Pero hindi. Hindi dapat ako mag-assume.. Ang alam niya lang naman ay isa tong DARE. Para saken, isa tong TUNAY na DATE. Hay. Ako lang nagiisip ng ganun.
Siguro nagtataka kayo kung san yung grupo namin noh? Nandito din sila sa Cloud 9 kaso nililibot yung buong lugar. Tapos mamaya magiistalk na sila samin para tignan kung talagang sinusunod ni Vi yung dare.. Weird nga ng parusa e. Tawa kami ng tawa ng boys. Paghindi daw nasunod ni Vi, gagawin niya daw yung parusa sa graduation. Nakakahiya yun ah! Kaya for her sake too, I must ride on this dare and I musn't take it seriously..
BINABASA MO ANG
It all started with a DARE. ᴼ ᴺ ᴳ ᴼ ᴵ ᴺ ᴳ
Teen Fiction[Tagalog Story] (Cover by LizGlitz)