Chapter 24 ♥

114 11 2
                                    

It all started with a DARE ♥ by Lurobinus. ツ

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~VIVI'S point of view.

Ningitian niya ako at hinawakan niya ang kamay ko. Hinatak niya ako papunta sa gilid ng bundok. Ang weird talaga. Bakit dito niya ba kasi naisipan na dalhin ako?

Habang naglalakad kami may nakita akong cave na malapit, at siguro papunta kami dun dahil dun yung direksyon namin.

"Pupunta tayo sa cave nang ganito suot natin? Ano to, lokohan?" sabi ko.

"Shh. Basta sumunod ka nalang sakin." nagpadala nalang ako sakanya at naglakad kami hanggang sa makarating sa cave. Tama, sa cave nga. =__=

"Ang dilim dito!" sigaw ko habang pinapalo ko siya sa braso. Nag-echo yung boses ko sa loob ng cave. Scary.

Nagulat ako nang biglang may sumulpot na placard pero lumulutang ito sa tapat ng mukha ko, may nakita akong tali eh. Siguro ginawa nila ito para magmukhang lumilipad. Hinatak ko yung placard at tinanggal ko ito sa tali sabay naglakad ako ng kaunti sa cave.

Sabi ko na nga ba eh, glow in the dark siya! Ang cool diba? I know right. Pano ko nalaman? Syempre, dahil yan sa talino ko. :p

Wait may nakasulat ah. Iniharap ko na nang tuluyan yung placard sa mukha ko at may nakita akong nakasulat.

"I know that your weakness is darkness." yan ang nakasulat.

Tumingin ako kay Zoro at umiling siya. Lumapit ako sakanya at pinalupot ko yung braso ko sa braso niya.

"Zoro ba't mo ba kasi ako dinala dito? Bakit dito mo pa naisipan magdate? At kanino galing tong glow-in-the-dark placard?" tuloy tuloy kong sinabi pero ang tingin ko ay nasa placard parin. Pano neto nalaman? Gahd. I feel goose bumps.

"Meron pang isang nakasabit oh." turo ni Zoro sa isa pang placard. This time, medyo malayo siya kaya kitang kita mo na naggoglow siya.

Lumapit ako kasama si Zoro kasi nakakapit ako sa braso niya. Takot nga kasi ako sa dilim! Tss.

Nasa gitna na kami sa loob ng cave at madilim na talaga pero may ilaw dahil sa placard. Bumitaw ako kay Zoro at kinuha ang placard.

"Come inside." yan naman ang nakasulat. Come inside? Ayaw ko nga! Baka mamaya may monster jan. Tsk.

"Tara. Come inside daw eh." sabat ni Zoro sabay hawak niya sa wrist ko at hinila papasok. Hindi na ako nakapiglas sa pagkakahawak niya dahil sobrang higpit. Ang sakit nga eh pero hayaan nalang natin.

Tumigil kami sa pagtakbo ng marating namin ang isang pintuan. Bakit may pintuan dito?

"Bakit may pintuan dito?"

"Wag ka na madaming tanong. Buksan na natin." akmang hahawakan na niya yung door knob pero pinigilan ko siya.

"Wait! Baka mamaya may kung anong meron jan." Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya at tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa wrist ko.

"Hindi yan." Ngumisi siya at itinuloy na ang pagbukas ng pintuan.

Sht.. Ang ganda. Nakakaloko. Ang.. Unique at astig ng place..

Isang malaking kwarto ang sumalubong samin. Elegante at halatang pangmayaman ang lugar na ito. May fountain sa gitna, about 6-7 feet tall. Tapos may buffet sa gilid. Masyadong maliwanag at makinis ang semento. May stars sa ceiling pero hindi yun totoo, kumbaga dagdag na pampaganda lang. Satingin ko hindi siya naka-aircon pero malamig. Gawa na siguro na nasa bundok kami. Seriously, kaming dalawa ang ang customer. Maraming staffs at guard. May lumapit na couple. I guess they are about 30 years old. Pumunta sila sa stage at pumwesto habang kinukuha nila yung mga instruments nila saka tumugtog.

It all started with a DARE. ᴼ ᴺ ᴳ ᴼ ᴵ ᴺ ᴳTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon