It all started with a DARE ♥ by Lurobinus. ツ
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~VIVI'S point of view.
After ng practice namin, umuwi kami agad sa bahay. Sobrang napagod ako kakaupo at kakatayo kanina. Grabe.
Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo ulit, para fresh. :D
After ko maligo, nagbihis ako ng pambahay. Blue loose shirt at dark brown shorts lang ang suot ko.
*Grrrrrl Grrrrrrrl*
Ha! Gutom na pala ako. Makababa na nga.
Nandito na ako ngayon sa Dining area at may mga nakahanda nang pagkaen, ang bilis naman. Alam ba netong mga mokong na to na gutom ako? Tsk.
Nakatayo si Ray sa may bandang ref at nagkasandal sa wall. Si Ace naman nakaupo sa tapat ng dining table at si Zoro? Ayun, nanunuod ng T.V.
"Vi, anong gusto mong dessert?" tanong ni Ray.
"Hmmmm, Pwe-"
"Pwentabella's Parfait?" tinapos ni Ace yung sasabihin ko. Ang galing huh.
"Ah. Ahehehe. Oo. Yun nalang, masarap yun eh."
~ACE'S point of view.
"Vi, anong gusto mong dessert?" tanong ni Ray kay Vi. Kanina pa namin siya inaabangan bumaba kasi nagready na kami ng pagkaen, alam naming pagod na siya kaya parati namin siyang sinur-surprise. Kaso parang hindi naman siya nagugulat.
"Hmmmm, Pwe-" alam ko na yan.
"Pwentabella's Parfait?" ako na ang nagtapos ng sasabihin niya. Nabigla silang lahat kaya napatitig sila saken, hindi ko alam kung namangha sila o may nasabi akong hindi maganda eh? Yung tingin kaya nilang tatlo nakaka- ewan.
Ah, basta ang alam ko magaling ako. Joke. Matagal ko nang alam yan, dahil yun ang paborito niya simula nung bata pa siya.
"Ah. Ahehehe. Yun nalang, masarap yun eh." sabi niya at biglang namula ang pisngi niya.
"Sige. Una na kami ni Ace ah!" ngumiti nang pagkalaki-laki si Ray sakin at inakbayan niya ako. Hinatak niya ako palabas at pumunta na kami sa Pwentabella's parfait.
Ano ang pwentabella's parfait? Isa yung store na puro parfait ang mabibili mo. 30 years na yun na nakatayo at nung kabataan kami, doon kami mahilig magmerienda. Sa tagal na neto, nakapagtayo na si Aunt Pwenta ng 36 other branches. Close namin yung may-ari kasi nga, madalas kami dun. Sana nga natatandaan pa kami ni Auntie, matagal narin kasi kaming hindi nakabisita dito. Busy sa pagpapalago ng pera. Busy sa pagtatrabaho. Oo, nagtatrabaho na kaming tatlo simula nung lumipad si Vivi papunta sa ibang bansa. Hmm, siguro 12-13 years old palang kami nun. Bata pa diba?
"Huy!" tinapik ni Ray yung braso ko.
"Oh?" sabi ko at pinasok ko yung kamay ko sa bulsa ng pants ko.
"Nakatunganga ka jan. Asan yung utak mo pre? Hahaha. Sabi ko, mauna ka na pumasok. Bahal ka, magagalit na si Ma'am Vivi niyan saten." pagbibiro niya.
"Ok. Fine." tinulak ko na yung pintuan at pumasok na kami sa loob.
"Welcome to pwentabella's parfait sir." bati samin nung babae na nasa counter at nung guard na nakabantay. Ningitian nalang namin sila at pumunta na sa mga parfait.
BINABASA MO ANG
It all started with a DARE. ᴼ ᴺ ᴳ ᴼ ᴵ ᴺ ᴳ
Teen Fiction[Tagalog Story] (Cover by LizGlitz)