Chapter 18 ♥

136 12 11
                                    

It all started with a DARE ♥ by Lurobinus. ツ

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~RAY'S point of view.

Eto, andito kami ngayon sa harap ng company nila Zoro. Ba't ganun? Di namin makita yung limousine? Tsk. San naman nagpark yung mga yun? Ay bahala na nga, basta kami ni Mar papasok na kami.

"Welcome to Fityasatel Company" bati nung staffs samin.

"Ahm, where's the comfort room here?" Tanong ni Mar sa isang staff.

"Just go straight then take a right turn then take another right turn and that's it." sabi nung babaeng pinagtanungan ni Mar.

Mahinhin siyang tumakbo papunta sa sinabing mga directions nung staff kanina. Nilagay ko ang kamay ko sa magkabilaang bulsa at patuloy na naglakad papunta kung nasaan si Mar.

Nakita ko ang comfort room kaya nagintay nalang ako sa labas para sakanya.

Nrinig kong bumukas yung pintuan ng CR ng mga babae. Ofcourse, hindi si Mar ang lumabas. =____=

"Kyaaa~ Ang gwapoooo mo naman kuya! Picture tayo pwede?" sabi nung babae sakin sabay hinigit niya ako papunta sa isang corner pero malapit parin sa CR kaya matatanaw ko parin yung babaeng hinihintay ko.

"1... 2... 3... Say Please!" sabi nung babae na nagpipicture samin. Kambal ata sila, magkamukhang magkamukha eh.

"Ako naman!" sabi nung babaeng nagpicture samin kanina. Kumabaga, vise versa lang.

"1... 2... 3... Say please!" sabi nung babaeng una kong nakapicture. Grabe, bakit please? Diba dapat cheese? Ay ewan.

After magbbye nung kambal sakin, nakalabas narin ang Planet MARs natin.

"Antagal mo naman." sabi ko sakanya habang nakakunot ang noo ko. Sinuot ko yung hood ng jacket ko para hindi na ako pagkaguluhan ng mga babae. Sa sobrang gwapo ko ba naman diba? :)

"Edi ako na matagal. Try mo kaya maging babae." sagot nya sakin.

"Ba't ko naman ita-try?" actually hindi ko talaga na-gets yung itry ko daw maging babae. Bakit? Hindi naman talaga dapat magtagal sa CR diba? Hays.

"Ewan ko sayo hmph." nagcross arms siya tapos nagpout. Cute din pala niya huh? :)

Sumakay na kami ng elevator at umakyat ito hanggang sa makarating kami sa 40th floor. Hindi ko alam kung bakit dito pa sa floor na ito naisipan pumunta ni Mar.

"Bakit dito pa natin sila hahanapin?" tanong ko sakanya. Oo, hinahanap namin sila. Kelangan masiguradong dito sila nagdadate. Kung hindi, uupakan ko sila. Joke! Baet na gwapo ata to. ^^

"Instinct?" sagot niya.

"Ok." lumabas na kami ng elevator. Hinatak ako bigla ni Mar tapos ang bilis ng takbo niya na akala mo hinahabol kami ng mga mamamatay tao. Grabe pala tong babaeng to, napaka-wild. -.-

"Oh ba't ka tumigil?" tanong ko sakanya, at siya naman.. Hinahabol niya yung hinga niya. Pano ba naman kasi, may patakbo takbo pa siyang nalalaman. Nasa loob kaya kami ng peaceful na company tapos bawat yapak naman ng heels niya sa semento napakaingay. Buti nalang walang tao dito sa floor na ito.

Oo, walang tao. Kaya nga napakamot nalang ako sa batok ko eh. May instinct pa siyang nalalaman.

"Ay-ayun s-sila." turo niya sa may babae at lalake sa may malapit sa isang napakalaking pintuan. Hanggang ngayon, hinihingal parin siya. Tsk.

It all started with a DARE. ᴼ ᴺ ᴳ ᴼ ᴵ ᴺ ᴳTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon